Chapter 31

2108 Words
(Chase's POV) Matapos nilang magusap-usap mayamaya lang din naman ay tahimik na sa mansiyon, nakakapanibago tuloy, palagi kasing maingay sa mansiyon at tila ngayon lang natahimik ang lugar na iyon. Ngunit sa kalagitnaan ng katahimikan ng mansion ay may nakita akong pamilyar na pigura na lumabas mula sa kwarto niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang lumabas sa kwarto niya and she’s just fvcking wearing crop fitted black top na lalong pinapalutang ang kaputian niya. Pinakita rin ng soot niya ang well toned abs niya pero dahil sa suot niya at kitang kita rin ang mga pasa sa braso niya. She’s also wearing a black skirt and a black flat combat boots, nagsusuot pa siya ng sunglasses habang pababa siya ng hagdan and her curly hair was now straight at lalong humaba iyon sa paningin ko. Kahit ang maliit niyang leather backpack ay itim rin kaya lalong lumutang ang kaputian niya. Dire-diretso lang din siyang bumaba sa sala and she just walk casually palabas ng mansion saka siya sumakay ng sasakyan niya at umalis. Napatingin lang din naman ako kay Ouji dahil wala siyang ginawa pero hindi siya nakatingin sa monitor, hindi niya tiningnan si Xion. Mayamaya lang din naman ay biglang sumulpot ang humahangos na si Dane pababa sa hagdan, dahl siguro doon kaya lumabas din agad ang iba pa nilang mga kasama. Ano kayang nangyayari sa kanila? "Dane? Anong nangyayari? Bakit ba nagmamadali ka?" Shinix hurriedly ask pagbaba niya. Agad din namang lumapit sa kanila ang iba pa. "Susundan ko lang si Xion," Dane answered. "Xion? Hindi naman siya umaalis hindi ba?" nagtatakang tanong ni Shinix. "Shinix si Xion ‘yon, si empress if you cant remember. She's the biggest thing the n***d eye cant see leaving and coming. Natakasan niya tayo, at mukang hindi siya gagawa ng maganda ngayon," Dane just answered. But her aura is saying otherwise, ang blooming nga niyang tingnan kanina. "Oo nga naman, nakalimutan ko rin ‘yon. Sasama na lang ako sa’yo," Shinix said again. "No need, stay here. I can handle her," Dane said again. Nagkatinginan pa sila bago pa umalis si Dane but they let her. Naupo lang din sila sa sala ng mansion para marahil maghintay sa pagbabalik noong dalawa. “Hindi kaya nakakaisip umuwi si Ouji?” mayamaya ay tanong ni Sam out of nowhere. Dahil doon ay napatingin sa kanya ang mga kasama niya kahit pa si Shin. “Yeah right, kung ako sa kanya makakaisip na akong umuwi. Kilala namin si Xion, lahat ng nananakit sa kanya kayang-kaya niyang tanggalin sa buhay niya. Isa pa, hindi niya gusto itong mga ganitong ginagawa ni Ouji. Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat, and Ouji is wrong in this decision. Goodluck na lang talaga sa kanya, kung iniisip niyang may babalikan pa siya after this? Then he’s wrong, tang*na sa dami ng nakapila kay Xion hindi lang si Ullysses ang nagustuhan ng batang yan,” Shinix also said. “Mga gaga talaga kayo, huwag na kayong maingay. Relasyon na nila ang pinaghihimasukan niyo pabayaan niyo na sila,” sabad naman ni Gail sa kanila. “Walang mali sa sinabi nila, that’s accurate. Saka kung iniisip ni Ouji na maiisahan niya si Xion doon siya nagkakamali, maling-mali. Baka nga mamaya iyong pagalis niya ay si Ullysses na ang kasama niya,” Nerix also said. “Huwag na rin tayong maggaguhan dito, alam naman nating lahat kung nasaan sila. Alam nating lahat na binabantayan nila tayo,” Rox also said. “Gaganti si Xion kay Ouji, I knew it,” Sam also said. Matapos noon ay natahimik na sila and I just look sa mga kasama ko. Napatingin lang din naman sila sa akin matapos nilang tumingin sa monitor. "Tapusin na natin ‘to" Kei just said to us. Hindi na rin naman kami nagsalita pa at tumuloy na lang din kami sa mga ginagawa namin. "Hindi man lang ba natin hahanapin si Xion? Pakiramdam ko mali na ito," basag katahimikan ko and I stop what I am doing. Tiningnan lang din naman ako ng mga kasama ko saka ako nginisian ni Axel. "Hindi na kaylangan, nandito lang naman siya," Axel said to me saka niya itinuro ang pinto ng monitoring room sa akin. Saktong-sakto namang pumasok doon si Xion na madilim na madilim ang muka. Hindi maganda ang mga tingin niya, mukang hindi ito maganda. “Happy anniversary,” Xion said in her coldest tone ever. Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi niya pero lalo kaming nagulat ng pagbabarilin niya lahat ng monitor na meron kami dito habang nakatingin lang din si Ouji sa kanya. "Gift? Don’t worry, this is the last. Wala ng susunod na anniversary Steinckert, I am breaking up with you," Xion said again. Napakalamig ng tono niya, tila hindi siya ang kaharap namin. Hindi siya ang Xion na kilala namin. “We’re over,” she said again. Mabilis din siyang tumalikod at iniwan niya na kami. Wala na rin kaming nagawa kung hindi ang matulala na lang at magkatinginan habang tulala rin si Ouji sa kinatatayuan niya. Fvck! This isnt really good, tama nga ang goddesses. (Xion's POV) I immediately tell Dane na umuwi na siya at huwag na akong sundan and she agreed also. Hindi siya nagtanong at hindi na siya tumutol pa basta umalis na lang din siya kaagad. Alam rin naman niya na hindi naman nila ako makikita kung susubukan nila akong hanapin, kahit pa saan nila ko hanapin at kahit pa si Ouji ang kumilos. Tumayo ako sa gitna ng naka-hugis pusong ilaw na parang kandila sa rooftop na kinaroroonan ko, tumanaw lang din ako sa kalawakan ng dagat ng kumukuti-kutitap na ilaw mula sa kabayanan. Malayo rin kasi sa bayan ang kinaroroonan namin at mula dito ay tanaw ang ganda ng bayan kapag gabi, sa totoo lang bukod sa hugis-pusong ilaw ay maraming lobo, bulaklak, mga palamuti, pagkain, at may magagandang kantang pinatutugtog dito sa kinaroroonan namin. Magagandang kanta, magandang tanawin, magandang surpresa, para sana sa isang tao na wala naman dito. Romantic ambiance na sana pero si Ulysses ang nandito. Wala rito ang gusto kong makasama, wala rito ‘yong sosorpresahin ko sana. "Huwag ka ng malungkot, busy lang siguro talaga ‘yon kaya nakalimutan niya. Pero malay mo naman nauna ka lang na bumati at manorpresa pero meron din pala talaga siyang inihanda, kilala mo siya. Pagdating sa iyo ay iba siya,” Ullysses said out of nowhere. Napatingin na lang din ako sa kanya and he just smile at me. Maybe he’s trying to comfort me. Napaka-bait at napaka-genuine niya talaga, nagawa niya pang tulungan ako dito kahit na kung tutuusin ay karibal niya si Ouji noon. “Manood na lang tayo ng fireworks saka kumain, sumayaw na rin tayo sayang itong mga ginawa natin," he said again. This time ay natawa akong bigla and he just laugh also. Kumain na lang din kami habang nanonood ng fireworks dahil wala rin namang ibang tao dito maliban sa amin. Matapos kumain ay sandali kaming nagpahinga at saka kami nagsayaw. Isa-isa rin naming pinaputok ang mga lobo saka namin isinaboy iyong mga bulaklak at kung ano ano pa. Sinira na rin namin ang design na ginawa namin habang tawa lang din kami ng tawa. "Xion, intindihin mo na lang si Ouji. You knew that someday he will become the most powerful mafia boss like his father. Someday siya na iyong tinitingala, hinahanggan at kinatatakutan ng lahat. You knew he’s meant to be that one at para mangyari ‘yon ay kaylangan palagi ng sacrifices. Tandaan mo lang lagi na sa lahat ng isasakripisyo at bibitawan niya hindi ka kasama doon, alam mo ‘yon. Magtiwala ka sa kanya," Ulysses said again matapos naming magpakasaya. Tumingin na lang din naman ako sa kanya and I just look away ng hindi ko na matagalan ang mga titig niya. Hindi mo ko naiintindihan Ulysses, maiintindihan mo siguro ang lahat kung alam mo ang totoo. I'm not mad at him being that one, alam ko naman na nakatadhana siya doon at bata pa lang ay alam ko ng ganoon na siya kataas. Hindi ako galit dahil nakalimutan niyang anniversary namin ngayon, fvck anniversary, ano ba ‘yon? Dahilan ko lang ‘yon ano. Galit ako dahil iniwan niya ako ng hindi man lang nagpapaalam. I'm mad at him for keeping everything as a secret, pakiramdam ko minamaliit niya ako. Kaya ko naman siyang intindihin, maiintindihan ko naman ang lahat. Isa pa, iyong librong hinahanap ko nasa kanya lang pala. Tama ang hinala ko na maaaring nasa kanila lang ang libro. Sabagay hindi naman nila alam na alam ko na ang tungkol sa bagay na ‘yon pero bakit hindi nalang nila sinabi sa akin ang totoo? Bakit hindi na lang nila ibinigay sa akin ‘yon? Wala ba siyang tiwala sa akin? Anong meron sa libro? Anong meron doon para ilihim at itago niya sa akin, panibagong kasinungalingan na naman ba ang isang ‘yon? "Bakit natahimik ka na?" Ulysses ask again. "Wala, gusto ko lang na umuwi na. Umuwi na tayo?" I just answered. Tumango lang din naman siya sa akin kaya nauna na akong lumakad sa kanya. Sabay kaming umalis doon at hinayaan ko lang siyang makauwi bago ako uminom. --------------------------- After I woke up with hangover on my condo ay mabilis lang din akong bumangon at naligo. I then wear my black jogger pants and black crop turtle neck long sleeve top saka ko isinuot ang brown long cardigan ko. Muli ko ring isinuot ang combat shoes ko saka ako agad na umalis. Babalik ako sa mansion ng mga Steinckert para kunin ang mga gamit ko saka ako babalik sa condo, hindi na rin muna ako papasok pero magpapaalam naman ako sa kanila. Mabilis lang din naman akong nakarating sa mansion at pumasok lang ako sa loob na parang walang nangyari, napatingin lang din naman agad ang mga nasa sala pagpasok ko saka sila napatayo and I just don’t care. "Pack your things kung sasama kayo, kung ayaw niyo maiwan kayo,” I said saka ako agad na umakyat sa kwarto ko. Niligpit ko ang lahat ng gamit ko at wala akong iniwan na kahit isa bago ako muling bumaba kasunod ang goddesses, habang nakatingin lang din sa amin si Shin at Gray na tila parang wala silang magawa. "Saan ba ang punta natin?" Nerix ask na parang excited pa siya. Anong akala niya magbabakasyon kami? “Xion? Saan kayo pupunta? Seryoso ba ‘to?” Shin then ask. Hindi ko naman siya sinagot at hinintay lang namin bumaba ang iba pa saktong pasok naman ng mga naka-bakasyon grande kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanila. “What the fvcking hell? May itatagal pa ba kayo dyan sa taas?” hiyaw ko kina Dane na hanggang ngayon ay nasa taas pa. Mayamaya ay bigla bigla rin naman silang humangon pababa and I just glared at them. “Where are you going?” kuya Kei ask but I didn’t answer him. Hindi ko rin siya pinansin saka ko hinila palabas ang mga maleta ko saktong-sakto namang dating ni Ullysses. "Hi good --,” agad naman natigil si Ulysses sa anumang sasabihin niya sa akin ng hinalahin ko na siya at saka kami dumiretso sa kotse ko. “Follow us,” I just said at tumango lang din naman agad siya sa akin kahit na parang clueless siya kung saan ba talaga kami pupunta. Hindi na lang din ako nagsalita at dumiretso na lang din kami sa mansion kung saan kami tumutuloy noon ng goddesses kapag narito kami sa pilipinas. Handa na rin naman ang mansion kaya iniwan ko lang ang mga gamit ko doon para maka-alis na kami ni Ullysses. “Saan ka pupunta Xion? Hindi na ba tayo babalik sa mansion ng mga Steinckert? Nag-away ba kayo?” Dane ask me. Napatigil naman ako sa paglalakad at napalingon ako sa kanila na mga nasa sala, nakatingin din ang iba sa amin at tila hinihintay nila ang anumang sasabihin ko. “Hindi na tayo babalik, pero hindi ko kayo pipigilan kung gugustuhin niyo silang makita o makasama but not in this mansion. Ayoko silang makita, kung anumang relasyon niyo sa kanila ilalabas natin ang trabaho doon. Don’t tell them that we’re here, at gaya noon balik tayo sa dating gawi. From now on don’t ask about me and Ouji, hiwalay na kami. Babalik din kami ni Ully mamaya,” I just answered. Agad din naman akong muling tumalikod para umalis na at mabilis lang din naman sumunod sa akin si Ullysses. Sumakay lang din siya sa passengers seat ng walang tanong-tanong at sinasabi and I just drove away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD