PROLOGO: YASSY RAQUEL GUZMAN
Noong nakaraang araw pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Vin na buntis ako. Alam ko naman na kapag nalaman niya iyon ay magkakagulo ang mundo namin. Bagay na iniiwasan at ayaw kong mangyari dahil mahal ko siya.
Bumuntong hininga ako bago buksan ang pintuan ng condo unit ni Vincent. Agad kong inilibot ang paningin kung nandito na ba siya o nasa trabaho pa.
Naglakad ako papuntang kwarto niya at doon ko siya natagpuan. Kakalabas lang niya ng bathroom. Nakapulupot ang towel sa kanyang beywang at kasalukuyang niyang pinupunasan ang buhok na basa.
Nang makita niya ako ay agad akong ngumiti ngunit kabaliktaran ang ipinakita niya sa akin. Galit siyang nakatingin sa akin at mukhang may naggawa akong mali.
"What the f**k?!" agad kong sigaw sabay hawak sa parte ng pisngi kung saan ako sinampal ni Vincent.
"Kailan mo pa sasabihin na buntis ka?" malakas niyang tanong at napaigtad ako doon.
Nanubig ang nga mata ko dahil ito na ang araw na pinakakatakutan kong mangyari. Ang bangungot ko na kung ituring.
Nanatili lang akong tahimik at hindi sinagot ang kanyang tanong. Kahit ako ay hindi ko rin naman talaga alam kung paano at kailan ko sasabihin sa kanya na buntis ako dahil ayokong iwan niya ako.
"Ilang buwan?"
"3 weeks." sagot ko at doon unti-unting pumatak ang luha ko. Kasi hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa amin.
"Hindi ko yan pananagutan. Napagusapan na natin yan. Uunahin ko ang career ko kaysa sa walang kwentang nandyan sa loob ng tiyan mo.
"Mahal kita Vin. Maawa ka naman." umiiyak kong sabi at niyakap siya pero agad niya akong itinulak. Hangaang panaginip ko na nga lang ata na mamahalin ako ni Vin.
"Mahal mo ako?" natatawa niyang ulit sa sinabi ko at tumango ako.
"Kung mahal mo ako ipapalaglag mo iyan." saad niya at napailing agad ako roon. "Kung hindi mo kaya, ngayon pa lang ay lumayas ka na." banta niya at hinila ako palabas ng kwarto niya.
"WHAT A w***e?!" sigaw pa niya sa akin at pabagsak na sinarado ang pintuan.
Habang patuloy ko siyang minamahal, patuloy naman niyang akong nasasaktan ng hindi niya alam.
...
Kinabukasan ay nalate ako magising dahil hindi agad ako nakatulog. Nagparaiiyak ako kagabi dahil sa nangyari.
Babangon na sana ako pero hindi ko maggawa hanggang sa mapagtanto kong nakatali ang kamay ko sa tigkabilang gilid ng kama na siyang ipinagtaka ko. Mas lalo akong natakot nang nakasuot ako ng puting bistida na pang-pasyente.
"Anong nangyayari?" taranta kong tanong nang makita ang isang doctor na pumasok at isang nurse.
"Gusto ko lang masiguro na maalis talaga ang nasa loob ng tiyan mo. Baka pagbagkatao ay habulin mo ako at ilabas mo ito sa media."
Wala akong naging imik sa sinabi niya at hinayaan lamang na tumulo ang mga luha ko. Ganun pa man ay sinubukan kong magpumiglas pero wala ring kwenta dahil sobrang higpit ng pagkakatali talaga sa akin.
"Maawa kayo sa akin. Wag niyong patayin ang anak ko." pagmamakaawa ko sa doctor at nurse na nasa harapan ko. "P-please!" hunahagulgol kong sabi pero sa halip na makinig sila sa'kin ay nagsimula na sila sa gagawin sa akin.
Ibinuka ng doctor ang dalawa kong binti at itinali ng nurse ang mga paa ko sa tigkabilang gilid din ng kama para masigurong hindi ako makagalaw.
"Patayin niyo na lang ako kung papatayin niyo rin ang anak ko." sigaw ko.
Lumapit sa akin ang nurse at may tinurok. Nakatulog ako at hindi ko na alam ang sumunod ang nangyari.
Kailanman ay hindi ko mapapatawad si Vin sa ginawa niya sa akin. Hindi makatao ang ginawa niya. Pinatay niya ang anak ko ng walang kalaban laban at kasabay nun ay parang pinatay na rin niya ang buong pagkatao ko.