Lady Boss Series - Veronica Elizalde
Past 1am na pero hindi pa rin tapos si Veronica sa mga nirereview niyang dokumento. Ganito naman parati, kaya hindi na siya naninibago. Opisina-bahay lang ang routine pero minsan hindi maiwasan na kalampagin siya ng bestfriend niya. Katulad ngayon hindi siya binigyan ng choice dahil ng tumawag andoon na sa labas ng bahay niya at nag-iingay, dahil ang tagal niyang pagbuksan ng pinto.
"Girl, bakit antagal mong lumabas sa lungga mo, kanina pa ako nag do-doorbell!" nakasimangot na litanya ni Frances.
"What do you expect? Madaling araw na and I need some rest!" pabalya kong sagot.
"Wow, bago sa pandinig ko yan a? The workaholic Veronica Elizalde, matutulog before 3am, kailan pa?!" Frances making an exaggerated shocked face.
"Ngayon sana ang umpisa kung nagkataon! Istorbo ka!" naka taas kilay kung sagot sa kanya.
"Sungit naman! Gusto ko lang naman sana makasama ang bestfriend ko ngayon." sabay lapit sa akin and naging kapit tuko na.
"Ang arte-arte! Aalis ba tayo o mang istorbo ng mga kapitbahay ko?"
"The latter, game kaba?" pilya niyang sagot.
"Ilapit mo nga muna dito yung ulo mo, ayusin natin yang turnilyo sa utak mo, medyo lumuwag na naman!" sabay hila ng ulo niya para mas mapalapit pa sa akin.
"Hahahahaha. Corny mo! Tara na nga!" natatawa niyang sagot. "Ikaw na mag drive."
"Saan ba punta natin? And saan ang driver mo?" tanong ko sa kanya.
"Edi sa bar, and, and on-call nalang muna ngayon si Mang Amboy, kasi may sakit ang asawa niya, and siya ang nag aasikaso." Sagot niya habang palapit kami sa kotse niya.
"And, by the way, I signed you up sa bagong pakulo ng bar ko, kung saka-sakali, ikaw ang magiging unang client ko." bigla niyang sabi habang nag-aayos ako ng seatbelt at siya naman ay nag umpisang mag open ng laptop niya.
"What do you mean, pakulo?" nakakunot noong tanong ko.
"Basta, you will know if andun na tayo. Pag-usapan natin mamaya sa opisina ko. Focus ka muna diyan sa pag da-drive." sagot niya habang busy sa pagbabasa at pagsagot ng mga emails gamit ang laptop niya.
"Bakit? Pwede naman nating pag-usapan habang nag da-drive ako a?" pilit ko sa kanya. Bigla siyang tumigil sa kanyang ginagawang pag ta-type sa laptop at seryoso akong tiningnan.
"Sweet Veronica, believe me, ayokong mapaaga ang eyeball namin ni San Pedro." seryosong turan niya.
Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niya. Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway sa pinagsasabi ng loka-loka kong kaibigan.
"Really, Frances? hanggang ngayon hindi pa din ba ubos mga punchlines mo?" sabi ko habang kinakapos ako ng hininga sa kakatawa.
"Friend, hindi mo ata kilala 'tong kaibigan mo?" sabay turo sa sarili. "Kaya kong makipagsabayan kay Vice Ganda makipag bardagulan. Diba, sabi nga ni Mommy habang pinagbubuntis niya ako, araw-araw niyang pinapanood noon si Roderick Paulate? Kulang nalang kunin niyang ninong ko e!" litanya niya.
"Hahahaha, iba din trip ni tita e, mabuti si tito pa din kamukha mo, ahahahaha." natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko.
"Hahaha, kaya nga!" natatawang sang-ayon naman niya.
Hindi tumagal dumating na kami sa bar na pagmamay-ari ni Frances.
"Kinakabahan ako diyan sa pakulo na sinasabi mo ha." sabi ko habang bumababa kami ng sasakyan.
"Kailan pa kita pinahamak Veronica Elizalde? Your happiness is my top priority, alam mo yan!"
"Good evening Boss! Good evening Ms. Veronica!" bating bungad ng Manager sa amin.
"Good evening, Lorenzo, sa opisina lang kami, pakidalhan mo nalang kami ng isang bote ng DRC. Thank you."
"Right away, boss!"
Veronica Elizalde, 35 years old, is the Finance Manager of Elizalde Construction Holdings. Ang kompanya nila ang nasa likod ng paggawa ng mga naglalakihang proyekto tulad ng mga tulay sa cavitex at mcx, at nagtatayugang mga gusali sa Pasay at Parañaque na ginagawang mall, condos at offices. Kasalukuyan ang daddy niya ang CEO ng kompanya. Tatlo silang magkakapatid, lahat babae. She's the middle child. Masyado siyang tahimik, and si Frances lang ang tinuturing na kaibigan. Simula't pagkabata, magkakakilala na sila dahil magkaibigan ang mga magulang nila. Naging matalik silang magkaibigan dahil ito lang ang laging nandiyan sa tuwing down na down siya. Cheering her up, ang making silly jokes hangga't nakakalimutan niya pansamantala ang mga hinanakit niya sa mundo. Si Frances lang talaga ang nakakakilala sa kanya. Tingnan pa lamang siya nito, alam na nito kung ano ang klaseng approach ang gagawin depende sa mood niya. Lahat ng hinanakit mayroon siya sa daddy niya, ito lang ang napagsasabihan niya. Sobrang sakit para sa kanya, labing limang taon lamang siya noon ng matuklasan niya mismo ang panloloko ng daddy niya sa mommy niya. Dahil sa isang message na nag notify sa naiwang cellphone ng daddy niya, halos maguho ang mundo niya- may kabit ang daddy niya habang nakikipaglaban naman sa sakit na cancer ang Mom niya. Dahil sa sobrang sama ng loob sa Dad niya, nag rebelde siya, lumayas siya sa kanila. Si Frances lamang ang naging saksi ng lahat-lahat ng naramdaman niya, ang trauma, ang fear at the same time hate for any romantic commitment. Kaya labis ang pasasalamat niya dito dahil talagang gumagaan ang pakiramdam niya if kasama niya ito.
Frances Chua is the sole owner of Royal Elixir. A high-end bar located within the busy business district of Makati. To be allowed inside the bar, it requires exclusive membership. Each guest who are interested to become a member needs to shed a million peso for a non-refundable registration fee. But paying a million peso does not guarantee an automatic membership, because the money that was paid for the registration will be use for the background check of the guest applicant.
Dahil sa hindi basta-basta ang makakuha ng membership sa Royal Elixir kaya mas naging tanyag ito sa high class society. Halos lahat gusto maging myembro.
Mostly the exclusive members are business tycoons, and CEOs- "the private people" na ayaw makita ang pagmumukha sa dyaryo dahil sa kalasingan o eskandalo na ginawa dahil sa kalasingan.
"Five years na pala ang Royal Elizir, right?" tanong ko habang paupo sa pang isahang upuan sa office niya.
"Yes, and for 5 years, dalawang beses ka palang nakapunta dito."
"Alam mo naman na I'm busy . . . " hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"And introvert. Alam ko." dugtong niya.