Kai's POV Isang buwan na nga ang nakalipas mula nung away namin ni Seol-hee. "Ayos na ba diyan?" tanong ko sa may hawak ng sound system. Naghahanda kasi kami ng surprise para kay Seol-hee. Pang-7th monthsary na kasi namin. "Oo," sagot naman nila. "Huwag kang nerbyusin ha, kaya mo 'yan," sabi naman ni Kyung-so at inayos-ayos pa ang necktie ko. At dun naman ako natawa. "Ano ka tatay ko," sabi ko naman na natatawa pa. "Saka hindi ko pa naman kasal, isusurprise lang si Seol-hee eh," sabi ko pa sa kanya. "Para na rin maranasan kong maging tatay," sabi lang ni Kyung-so na ikinatawa ko lang muli. Nang naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko naman ito at kita kong yung driver ng service nila Seol-hee ang nagmessage. "Malapit na kami sir," pagbabasa ko lang sa text niya.

