Seol-hee's POV Nagpupunas lang ako ng luha habang nakaupo ako sa isa sa mga bench dito pa rin sa campus. Kasi patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko kahit na gustong-gusto ko mang pigilan. Ang sakit lang yung may sikreto pala silang lahat sa likuran ko. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao na dumadaan ngayon sa harapan ko pero hindi ko lang sila inalala, ang sakit lang kasi yung ginawa nila. Ilang sandali pa akong nag-eemote dito nang kita kong may nag-abot ng panyo. Inangat ko ang tingin sa nag-aabot ng panyo at napatayo ako mula sa kinauupuan ko nang makitang si Kai ito. "Seol-hee, look I'm sorry," sabi niya pero hindi ko siya inabalang lingunin man lang. Dahil dun ay mas nagsihulugan ang mga luha mula sa mata ko. "Seol-hee!" naabutan niya ako at napalingon din ako sa kanya nang

