Yeon-min's POV "Ahm lola bakit nga ulit tayo nandito?" tanong ni Dan-oh. Hindi siya sinagot ni lola at pinindot lang niya ang doorbell katabi ng malaking pinto kung saan kami nakatayo lahat. Nang ilang sandali na nga ay may lumabas na dwarf pero nakafull armor siya na parang pangsundalo. Gulat kami dahil hindi pa nga kami nakakapagsalita ay singga na niya sa 'min ang sandata niya sabay sigay ng, "nanghihimasok!" "Sandali, hindi kami nandito para makipag-away," sabi ni lola kaya unti-unti ring ibinaba ng dwarf ang sandata nito na nakatutok sa 'min kanina. "Talaga? Eh bakit kayo nandito?" tanong naman din niya. "Gusto lang sana naming kausapin ang pinuno niyo," saad naman din ni lola. Nang humakbang palikod ang dwarf para bigyan kami ng daanan. "Pasok kayo," sabi naman din niya kaya tu

