Third person's POV Nasa gubat na silang anim. Seperates naman sila per pair. "Hays kung ano-anong pinapagawa ni Dan-oh eh," reklamo ni Kyung-so pero wala lang din naman imik sa kanya si Amaya na nakasunod lang kung saan siya tutungo kasi sabi nga sa instruction ni Dan-oh na hindi pwedeng maghiwalay ang pair. Habang ang kabilang pair naman ay magkahawak ang kamay. "Sigurado ka ba walang wild animals dito?" tanong ni Seol-hee kay Kai. Natawa lang naman konti si Kai. "Wala," sabay sabi nito. "Saka kung meron man, nandito naman ako para proprotekta sa 'yo," sabi pa niya at hinawakan pa ng mas mahigpit ang kamay ni Seol-hee habang naglalakad pa rin sila. Napangiti nalang si Seol-hee ng patago at nakatingin nalang sa magkahawak nilang kamay. "Hindi ba talaga tayo maghahanap?" nagtataka nam

