Yeon-min's POV Ngayon na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin at bukas na ang alis ni ate Stacy pabalik sa States. Binabalik na nga namin lahat ng gamit namin sa mini bus. At sumakay na rin kami nang maipasok na namin lahat ng gamit. As usual ay magkatabi lang sina Dan-oh at ate Stacy pati sina Kai at Seol-hee tapos si Kyung-so naman din ulit ang nagdrive ng mini bus. At mag-isa nga ulit ako sa pinakalikod, walang kasama. Kaya napatingin nalang rin ako sa bintana, pinagmamasdan ang nadadaanan namin. Sira naman din ang phone ko, para magpasound trip sana ako ulit. "Yeon-min oh," pag-alok sa 'kin ni Dan-oh ng chips. Kumuha naman ako roon saka lumingon muli sa bintana. Tahimik lang din kami sa bus habang nasa byahe. Iidlip na rin muna ako dahil na rin malayo-layo pa naman ang byahe na

