Kai's POV
Nung sa library alam kong may kakaiba na sa librarian.
"Ano ba yun Kyung-so," natatawa pa ring sabi ni Dan-oh nang naalimpungatan na kami mula sa kalasingan kahapon at sabay-sabay na kaming kumakain ng almusal kinaumagahan.
"Huwag na nga kayong ano diyan," sabi naman niya na halatang naaasar na rin.
"Sabi ko kasi sama ka kahapon eh," sabi ko naman sa kanya na natatawa na rin.
"Eh kasi naman bawal," sabi niya na ikinalungkot namin.
Mahal nga naman talaga ni Kyung-so si Yeon-min, hindi ko yun maipagkakaila.
"Ang lungkot talaga ng buhay mo bro," sabi naman ni Dan-oh at tinap-tap nalang si Kyung-so sa balikat para pang-comfort.
Saksi kami ni Dan-oh sa paghihintay niya, sa pagdurusa niya kaya hindi na rin namin siya masisisi kung this time ay susuko na siya sa pagpursue kay Yeon-min dahil paulit-ulit nga naman ang nangyayari.
Kumain na nga muna kami at hanggang sa natapos na rin kami sa pagkain. Nadatnan ko si Dan-oh sa sala habang ginagamit ang phone niya, si Kyung-so naman ay nakahilata lang din sa kama niya habang gamit din ang phone. Sunday rin naman ngayon kaya wala ring klase. Kita ko namang patawa-tawa at pangiti-ngiti itong katabi ko, hula ko kachat nanaman niya si Stacy.
Nang tumayo na ako sa inuupuan ko at tutungo na sa pinto.
"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Dan-oh nang napansin akong palabas ng pinto.
"Dun lang, ang boring niyo kasing kasama," sabi ko naman at natawa pa bago tuluyang lumabas ng bahay.
Punta nalang din muna ako park, wala rin namang gagawin ngayon. Tinitignan ko lang mga socials ko habang nakaupo sa swing. Medyo maingay nga sila sa gc na ginawa ni Dan-oh. Sila lang din namang dalawa ni Stacy ang nag-iingay dun.
Hanggang sa ilang sandali pa nga ay may tumawag ng pangalan ko dahilan ng pagkuha ng atensyon ko.
"Kuya Kai?" sabi ng boses bata. Nilingon ko naman kung saan galing ang boses na iyon at kita ko si Jung-ki at Seol-hee na naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Ah anong ginagawa mo rito?" tanong niya nang tuluyan na silang makarating sa kinaroroonan ko.
"Tambay lang," sagot ko naman.
"Ahh," sagot lang niya.
"Kayo? Ano ginagawa niyo rito?" tanong ko naman pabalik.
"Dinadala ko na talaga si Jung-ki dito every Sunday," sagot naman niya na tinanguan ko lang.
Nang humarap siya kay Jung-ki at hinaplos ang mga pisngi nito.
"Makipaglaro ka muna sa mga ibang bata okay? Nandito lang si ate ha," sabi niya at tumango naman na si Jung-ki saka masayang tumakbo sa mga ibang bata na naglalaro rin sa playground sa mga oras na iyon.
Umupo naman din siya sa tabi kong swing at ilang sandali lang kaming natahimik hanggang sa nagsalita siya.
"Napakaimportante sa 'kin ni Jung-ki," sabi niya. Hindi ko siya sinagot doon. "Siya nalang kasi alaala ni papa bago siya namatay," dugtong pa niya.
"I'm sorry to hear that," sabi ko naman.
"Okay lang," sabi niya dahilan ng pananahimik muli namin. Hanggang sa nagsalita siya muli. "Ikaw, may kapatid ka ba?" tanong niya.
"Wala, only child lang ako," sagot ko.
"Ah so hindi mo naranasan mag-alaga ng nakababatang kapatid," sagot naman nito.
"Ah oo," sagot ko lang din.
Ilang minuto na nga rin muli ang nakalipas at tahimik lang kami na nanonood kay Jung-ki na naglalaro sa slide hanggang sa paunti na ng paunti ang mga kalaro niyang bata. At hanggang sa wala na nga siyang kalaro ay nagpunta na rin siya sa 'min.
"Ate tara dito," hinila niya ang kamay ni Seol-hee at napatingin naman siya sa 'kin. Napangiti nalang ako habang pasunod sa kanila.
Nagpunta lang silang dalawa sa slide at ako naman ay pinapanood lang sila habang nag-iislide ang dalawa.
"Kuya itry mo rin," sabi naman ni Jung-ki sa 'kin at umiling lang ako.
"I'm okay," sabi ko lang pero hinila lang ako ni Seol-hee.
"Halika na," sabi niya kaya nagpahila nalang din ako.
Sunod-sunod din naman kaming nag-slide. Hanggang sa napatingin kami kay Jung-ki na nag-aalala dahil napaupo na siya sa sahig at dumadaing na parang nasasaktan siya.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Seol-hee sa kanya at chineck siya.
"Aw," daing niya at nakita ko rin naman na nasugatan ang paa niya.
"Jung-ki talaga hindi nag-iingat eh," sabi ni Seol-hee saka inalalayang tumayo si Jung-ki at pinaupo sa mga upuan dun.
"Aww," napahakbang ako paatras nang nakakakita ako ng ibang vision.
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat bata?"
"Pwede po bang maging kuya kita? Kasi wala akong kuya eh," napalaki ang mata ko dahil sa nakikita ko.
Nakikita ko ang sarili ko at ang batang babae.
"Pwede naman," sagot ko rito na nakapiggy back ride pa sa akin dahil sa sugat sa paa niya.
"Kuya magkikita pa tayo ulit ha? Pinky swear?" tanong niya at napangiti naman ako sa kanya bago nagpinky swear.
"Kai?" Nasnap ako sa reyalidad dahil sa tumawag sa pangalan ko.
"Okay ka lang ba?" nagtataka nitong tanong at napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa nakita ko kanina.
"Ahh oo," sagot ko nalang.
"Kuya piggy back ride!" sigaw ni Jung-ki pero inaalala ko pa rin yung nakita ko kanina at nang napansin yata niya na bothered ako kaya nalungkot ang ekspresyon sa mukha niya.
"Jung-ki, hindi yata okay pakiramdam ng kuya Kai mo," sabi naman ni Seol-hee. "Sa 'kin ka nalang magpiggy back ride," pag-alok naman ni Seol-hee kaya sa kanya na rin siya nagpiggy back ride.
"Halika na," banggit naman niya sa 'kin kaya sumunod nalang din ako.
Tahimik lang ulit kaming naglalakad, hindi ko nga alam kung saan kami pupunta basta sinusundan ko lang kung saan tutungo si Seol-hee.
"Ano bang iniisip mo? Alam mo, pwede mo naman sabihin sa 'kin," sabi ni Seol-hee habang naglalakad pa rin kami at habang nasa likod pa rin niya si Jung-ki.
"Ah wala 'to," sagot ko lang pero halatang bothered pa rin talaga ako.
"Pero kakaiba ang katahimikan mo ngayon eh," sabi naman niya na hindi ko nalang iyon sinagot. Kaya hindi nalang siya muling nagtanong pa.
Ilang minuto na nga ng paglalakad namin ay narating na namin ang bahay nila.
"Oh napatagal kayo," sabi naman ni tita nang hindi pa ako napapansin dahil nag-aayos pa rin siya ng lamesa.
"Ma kasama namin si Kai," sabi ni Seol-hee dahilan para mapatingin na si tita sa 'min.
"Oh, Kai nandito ka rin pala," sabi niya. "Anong nangyari kay Jung-ki?" nag-aalalang tanong ni tita at lumapit nga kay Jung-ki para icheck siya. At ibinaba naman siya ni Seol-hee sa couch.
"Nasugatan siya kanina ma," sagot naman ni Seol-hee para kay Jung-ki.
"Naku ba't naman kasi hindi nag-iingat baby?" sabi lang din ni tita kay Jung-ki at niyakap ito pabuhat. "Halina kayo kain na," sabi naman niya sa 'min.
Nang tignan ko ang wrist watch ko ay pananghalian na pala, hindi ko man lang napapansin.
"Halika na," sabi naman ni Seol-hee at hinawakan ang kamay ko papunta sa table.
Dinalhan naman ako ni Seol-hee ng pinggan, kutsara at tinidor.
"Thanks," sabi ko lang saka nagsandok na ng kanin.
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Madami naman ding tinanong si tita sa 'kin.
"Ang ganda pala talaga ng kwarto mo," komento ko nang nasa kwarto na kami ni Seol-hee.
Halos kulay violet na lahat ng gamit niya sa kwarto niya eh.
"Ah oo," sagot naman niya.
Nagmumuni-muni lang ako sa paligid habang tinitignan ang mga gamit niya rito. May shelf din siya sa gilid at marami siyang mga libro rito.
"Mahilig kang magbasa?" tanong ko at bumuklat ng isang libro.
"Naku hindi, regalo pa sa 'kin ni papa mga 'yan kaya iniingatan ko. Gusto kasi niya akong maging matalino gaya niya," sagot naman niya na halatang nalungkot nang maalala muli ang papa nito. Madami siyang alaala sa papa niya ha.
"Matalino ka naman ah," sabi ko naman sa kanya.
"Wala pa nga ako sa level niya eh. Scientist siya at gusto niyang nakakadiscover ng iba't-ibang bagay, lalo na kung bago palang ito sa kanya," sagot naman niya. Tinanguan ko nalang at nagtingin-tingin nalang din muli sa mga display niya sa kwarto.
Nang napadako ako sa study table niya. Inangat ko naman ang nakapicture frame na hula ko ay picture nila ng papa niya.
"Masaya kayo dito ha," sabi ko naman at kita ko sa picture na bata palang si Seol-hee dito habang buhat-buhat siya ng papa niya rito at nakadamit pa siya ng pink na dress.
"Ah oo," sagot naman niya, "pero hindi ko na maalala kung anong nangyari sa amin sa araw na 'yan," sabi pa nito.
"Hmm," sagot ko lang muli nang ibabalik ko na sana ang picture frame nang biglang sumakit ang ulo ko at nakita ko nanaman ang vision na nakita ko kanina kaya aksidente kong nabitawan ang picture frame dahilan para mabasag ito.
"Ahh," daing ko dahil sa sakit ng ulo. At napahawak nalang ako sa edge ng study table niya para pang-balanse sa katawan ko, dahil hindi na rin ako makatayo ng maayos sa sakit ng ulo ko ngayon.
"Kai, ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Seol-hee.
"S-Seol-hee?"
"Promise magkikita pa tayo?" Huli kong nakita ang ngiti ng batang babae bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako dahil sa sakit ng katawan hanggang sa nakita ko ang sarili ko na nasa maliit na kulungan at may nakita akong imahe ng nakatalikod na tao mula sa 'kin.
"Ano bang kailangan mo sa 'kin?" nagtataka kong tanong.
"Gising ka na pala," sabi naman niya.
"Anong kailangan mo sa 'kin?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.
"Gusto ko lang malaman kung anong mga nilalang kayo," sabi niya at nagtusok ng karayom sa braso ko, hindi rin naman ako makaprotesta dahil nakakadena rin ang kamay ko.
"Gumiho nga ako, gumiho!" sigaw ko.
"Alam ko," sagot nito. "Pero gusto ko lang malaman kung anong kaya niyong gawin at kung pwede bang ihalo ang genetics niyo sa mga tao para mabuhay rin ng matagal ang tao kagaya niyo," sabi niya at ineexamine na nga ang dugo ko na nakuha niya mula sa 'kin kanina.
"Delikado 'yang ginagawa mo," sabi ko naman.
"Hindi, kung gagawan ko ng paraan," sabi naman niya at ngumiti sa 'kin ng evil smile.
Ilang pagtetest pa nga niya sa dugo ko hanggang sa inihanda na niya ang karayom para iturok sa kanya.
"Huwag sabi!" sabi ko pero parang wala siyang naririnig at inihanda na niya para iturok sa sarili ang ineksperimento niya mula sa dugo na kinuha niya sa 'kin.
Kaya ginamit ko na rin ang lahat ng lakas ko para makalabas sa kulungang iyon. At dahil nga sa lakas ng impact ay pati ang lalaki ay natamaan nito. Nang makalabas na ako sa maliit na kulungang iyon ay tinignan ko agad ang lalaki. Wala siyang malay habang nakahiga sa sahig.
"A-ayos ka lang?" nagtataka kong tanong dahil kahit na ganun ang ginawa niya sa 'kin ay ayoko pa ring makasakit ng tao.
Nang pansin kong hindi na siya gumagalaw ay tatakas na sana ako paalis nang may nakita pa akong papasok sa lab na batang babae.
"Papa?" tanong niya na halatang kakagising lang.
"Kai?" Nagising ako dahil sa malakas na pagyugyog sa 'kin.
"Bro ano bang nangyayari sa 'yo."
Nilingon ko ang paligid at nandito pa rin ako sa kwarto ni Seol-hee.
"A-anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.
"Nawalan ka lang naman ng malay," sagot ni Dan-oh.
"Text din kami ng text sa 'yo at tawag ng tawag, ba't naka-silent mode kasi phone mo," reklamo naman ni Kyung-so.
Hindi ko lang sila sinagot at sinubukang tumayo.
"Opps dito ka muna," pagpipigil sa 'kin ni Dan-oh.
"Kailangan kong makita si Seol-hee-"
"Gising ka na?" Napalingon ako sa pinto at naglakad siya papalapit sa 'kin.
"Seol-hee!" Niyakap ko siya agad.