Chapter 28: Stalking

1882 Words
Kyung-so's POV Ilang araw na akong nakastuck lang dito sa bahay, hindi na nga ako pumapasok. Hindi ko rin alam bakit ganun ko nalang iwasan si Yeon-min. "Kyung-so ilang araw ka ng hindi lumalabas ng bahay," komento ni Dan-oh nang naghahanda sila para sa school isang araw. Ako naman ay nakadapa lang sa kama ko habang nakatulala sa kawalan. Hindi ko nga alam bakit ako ganito ngayon. Ayoko sanang magpaapekto pero hindi ko mapigilan. Ilang sandali pa nga ng pag-iisip ay nagdesiyon na rin ako na lumabas sa kwarto ko para makakain na ng almusal, nakaalis na rin naman ang dalawa. Nakatingin pa rin ako sa kawalan habang kumakain, ayoko munang magcheck ng messages ko sa phone baka kung ano nanaman ang mabasa ko dun. Nang tapos na nga ako sa pagkain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko saka bumalik sa kama. Hays ganito na siguro ang takbo ng buhay ko. Mabilis lumipas ang oras at buong araw lang akong walang matinong ginawa hanggang sa narinig ko na ang sasakyan na paparating sa garahe. "Kyung-so," pagbati nila sa 'kin nang nakauwi na sila. Dinaganan lang nila ako habang tahimik akong nakadapa sa kama "Ano ba 'yan," reklamo ko at tinaboy sila. "Namiss ka lang namin eh," sabi naman ni Dan-oh. "Psh," sabi ko naman at bumalik sa paghiga. "Ano bang problema mo Kyung-so, love sick 'yan?" tanong ulit ni Dan-oh. Hindi ko siya sinagot kaya dinaganan lang ako muli. At hinayaan ko nalang. "May group study kami bukas? Hindi ka sasama?" tanong naman ni Kai. "Hmm," sabi ko lang. "Hindi ko alam kung makakausap pa ba natin 'to ng maayos," sabi naman ni Dan-oh at tumayo na saka rin sila palabas na sana nang pigilan ko. "Sasama ang girls?" tanong ko, kasi syempre curious din kung sasama si Yeon-min sa kanila. "Oo pero hindi sasama si Yeon-min," sabi ni Kai. "Bakit?" nagtataka ko namang tanong. "May lakad yata," sagot naman ni Dan-oh at tuluyan na nga silang lumabas pero sumigaw pa si Dan-oh. "Sama ka nalang kasi, wala naman si Yeon-min dun eh," sabi niya na hindi ko nalang sinagot. Syempre magpapartner-partner lang sila dun. Ayoko namang makaspoil sa kanila. Dun na nga ako nagcheck ng messages ko and notifications sa sss. May nagpop up sa chat heads ko na bagong gc, inopen ko naman yun para tignan at kita kong kami-kami lang din ang mga tao dun. "Dan-oh!" sigaw ko dahil siya lang naman ang gumawa ng gc. "Yes?" tanong niya na natatawa pa mula sa sala. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil nakaopen naman din ang pinto ng kwarto ko at kita ko siya na may lokong ngiti pa. Kita kong pinag-uusapan na nila ang tungkol sa group study bukas. Pero pansin ko na panay seen lang si Yeon-min rito, hindi siya nagchachat. Hinayaan ko nalang din yung gc kahit na hindi naman ako sasama sa group study nila. Pero napafocus ako sa cellphone ko dahil sa sinabi ni Seol-hee kay Yeon-min. "Enjoy sa date niyo bukas ni Yoo-bin," napatayo agad ako sa pagkakahiga ko dahil sa nabasa. "Pft," pagpipigil ni Dan-oh ng tawa. "Hindi ba aware si Seol-hee na meron si Kyung-so sa gc?" tanong naman ni Kai na nakita rin niya ang chinat ni Seol-hee. Nang ilang sandali pa ay binura rin niya ito. "Ahy sorry may magseselos pala sa gilid," sabi pa niya referring sa 'kin? Pero hindi pa rin nagrereply si Yeon-min. Kaya nakita kong nimention siya ni Seol-hee. "Huh?" nagtataka namang tanong ni Yeon-min sa gc. "Girl lutang ka nanaman ba, nagsiseen ka pero 'di ka pala nagbabasa," sunod na sabi ni Seol-hee sa kanya. "Ah sorry may ginagawa kasi kanina, nakabukas lang 'to," sagot nanaman niya. "Asus," sagot naman ni Dan-oh sa chat. Nang napatingin pa ako ng matalim kay Dan-oh na nasa sala dahil sa sunod niyang sinabi. "Pano kaya kung iadd din natin dito si Yoo-bin?" sabi niya na may kasama pang laughing emoji. "Huwag, hindi din naman siya kasali sa group study natin," sabi ni Stacy. May point naman siya. Nagchachat pa rin sila dun nang inexit ko na sa gc nila. Hindi rin naman ako pupunta eh. Nang nakita kong minention ako ni Stacy kaya nagnotif din sa 'kin. "Kyung-so sama ka na sa 'min bukas," sabi niya at nagreact lang ako ng smiling emoji sa chat niya. "Pamysterious," reply ni Kai sa gc. Tinignan ko naman sila at nakangiti lang sila ng kakaiba sa 'kin mula sa kwarto. "Tsk," sabi ko naman at tumayo na ako mula sa kama at sinarado ang pinto ng kwarto ko para hindi ko na makita ang pagmumukha ng mga yun. At nang hindi na nila ako pinapansin ay inexit ko nalang din ulit ang gc at nagscroll-scroll lang sa socials ko. At nang ilang oras na nga ay may bumukas na muli ng pinto ko kaya napatingin ako dun. "Kain na," sabi nito. "Oo," sagot ko naman kaya lumabas na rin ako sa kwarto ko saka nagtungo sa counter kung saan kami kumakain. Tahimik lang kaming kumakain. Iniwan ko rin naman ang phone ko sa kama dahil hindi ko ugali na mag-phone habang kumakain. Nang nagsalita si Dan-oh. "Aalis na si Stacy in 2 weeks," sabi ni Dan-oh kaya nalungkot kami. "Balik na siyang America?" tanong ko pa. "Oo," sagot naman niya. "Kaya may plinano kaming outing para sa 'ting lahat," sabi pa nito. "Anong outing ba yun?" tanong naman ni Kai. "Camping tayo," sagot niya. "Huwag niyo na akong isali," sabi ko nang patayo na dahil tapos na rin naman akong kumain. Nang nagsalita pa si Dan-oh dahilan ng pagtitigil ko sa paglalakad. "Sama ka na, gusto ka rin namang pumunta ni Stacy saka para naman kay Stacy ito eh, parang pangfairwell party na rin niya," sabi ni Dan-oh at dinala ko na ang plato ko sa lababo saka hinugasan na rin. "Pag-iisipan ko," sabi ko naman bago tuluyang bumalik sa kwarto. Rinig ko pa silang nag-uusap tungkol sa camping pero hindi ko nalang inintindi. "Punta na kami, sigurado ka bang hindi ka sasama?" "Hindi na, dito nalang ako magrereview," sabi ko sa kanila nang nakaready na sila para pumunta sa sinasabi nilang group study. Seryoso, paggro-group study ba pupuntahan nila o makikipagdate lang? Grabe ba naman ang pormahan. Sinara na nga nila ang pinto at naiwan ako sa bahay pero syempre may plinaplano ako kagabi pa. Pagkalabas na pagkalabas nila ay naghanda na rin ako. Nang nasa shower palang ako ay narinig ko na bumukas ulit ang pinto. "Kyung-so naliligo ka na ba?" rinig kong tanong ni Kai. "Ah bakit," sabi ko at sakto namang tapos na rin ako at nagtowel na rin akong lumabas ng shower. "Saan ka pupunta? Ang aga mo yatang maligo?" tanong niya kasi nasabi ko na rin naman sa kanila na wala akong pupuntahan ngayon. "Ah wala nga, ba't kayo bumalik?" nagtataka ko namang tanong sa kanya. "Ah nakita mo ba yung history book ko?" tanong niya. "Ito ba?" tanong ko at kinuha ang history book sa mga libro ko. "Bakit nasa 'yo?" nagtataka niyang tanong. "Ewan ko nga rin eh," sagot ko. Hays ba't ang tagal niyang umalis. Nang tuluyan na nga siyang makaalis ay nagbihis na rin agad ako. Kinuha ko na rin agad ang kotse ko nang nakabihis na ako at nagtungo sa bahay nila Yeon-min. "Tita si Yeon-min po?" tanong ko. "May pinuntahan kasama yung classmate niya," sagot naman niya na ikinadismaya ko. Itatangay ko sana siya para hindi siya makasama kung saan man sila pupunta ng lalaking yun. "Bakit may pupuntahan ba kayo?" tanong niya naman. "Ah wala po, sige thank you tita," sabi ko nang napatigil ako sa paglabas sana ng bahay nila dahil hinawakan pa ng lolo ni Yeon-min ang braso ko. "Sinasabi ko sa inyo huwag niyong kontrahin ang tadhana," sabi niya na seryosong-seryoso. "Tay naman, huwag mo siyang takutin. Kaibigan siya ni Amaya," sabi naman din ng mama ni Yeon-min kaya binitawan na rin ako ni lolo. Tuluyan na nga rin akong sumakay sa kotse at yung mga salita nanaman niya ang bumagabag sa 'kin buong byahe. Hanggang sa napababa ako ng kotse dahil nakita kong nakaupo si Yeon-min sa isang bench. Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae tsk. Napangiti naman ako dahil dun at iaapproach na sana siya pero dun na rin ang time na dumating ang lalaki. Nakita ko naman sila mula sa malayo at sinundan ko lang din sila hanggang sa makarating sila sa ice cream parlor. Parang stalker lang. Syempre nagdidisguise naman ako para masundan sila. Napapaform nalang ang kamay ko na kamao every time na nakikita kong sweet sila. Hindi ko pa rin talaga kayang makita siyang masayang kasama ang iba. Ako dapat yun eh, ako dapat ang nagpapasaya sa kanya. Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon. "May bibilhin po ba kayo?" tanong ng babae nang mapansin na hindi ako umoorder ng kahit ano at nang makita kong paalis na sila ay napatayo na rin ako mula sa upuan ko. "Ah hindi miss," sagot ko naman at dinaliang sinundan sila. Naglakad pa din naman sila hanggang sa natigilan ako nang nakita kong nahihirapan na si Yeon-min sa suot niyang sapatos. Muntik na akong pumunta dun sa mga oras na yun pero pinigilan ko lang ang sarili ko kasi sigurado naman na hindi gugustuhin ni Yeon-min na makita ako ngayon, lalo na kung bigla-bigla nalang akong lilitaw out of nowhere. Mula sa malayo ay kita ko namang binilhan siya ng lalaki ng tsenelas. Tsk. Saka sila naglakad ulit. Bakit ba niya pinapalakad si Yeon-min, wala ba siyang sasakyan. Kung ako, hinding-hindi ko papalakarin si Yeon-min. Hanggang sa kita kong pumasok na sila sa isang maliit lang na library, pumasok din naman ako pero hindi nila nahalata dahil nag-iba ako ng anyo. Alam niyo naman ang mga gumiho, maraming kayang gawin. Naupo lang ako sa kabilang table hanggang sa naririnig-rinig ko ang usapan nila. Tskk. Nang pansin kong umalis na nga muna ang librarian kaya yun na ang kinuha kong opportunity para maging librarian. Nang naglakad na nga ako papunta sa counter ay nag-iba ako ng anyo gaya ng librarian at nagtungo na sa table nila Yeon-min. Pinalo ko ang libro sa table ng dalawa dahilan para makuha ko ang atensyon nila. "Ah hi po," bati ng lalaki. Tskk. "Hindi allowed sa lugar na ito ang maglandian," sabi ko sa kanila. "Pero wala namang rule na ganun 'di ba," tanong pa rin niya. "Meron," sagot ko lang. "Pinapatupad ko na ngayong araw," sabi ko pa na dahilan para mabigla sila. "Eh bakit yung mga nandun?" tinuro naman niya sina Seol-hee sa kabilang table. "Hayaan niyo sila, matatanda na mga yun," sagot ko naman na rinig kong napatawa si Dan-oh dahil nahahalata na rin yata nila na ako 'to at nag-iba lang ako ng anyo para subaybayan si Yeon-min. "Pero magka-age lang kami ni Seol-hee," protesta naman ni Yeon-min. "At sumasagot ka pa ahh, mag-aral lang kayo pero walang halong landian naintindihan niyo?" huling sabi ko pa at nagsimula na ngang maglakad pabalik sa counter. Dahil nasesense ko na ring pabalik na ang librarian. "Parang may something sa kanya," rinig kong sabi ni Yeon-min sa 'kin. "Anong something?" tanong naman ng lalaki sa kanya. "Ahh basta hindi ko maintindihan pero parang may something sa kanya." "Alam mo Yeon-min mag-aral nalang tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD