Seol-hee's POV
"Seol-hee meron na mga kaibigan mo sa labas," naalimpungatan ako dahil sa sinabi ni mama.
Anong kaibigan sinasabi ni mama? Nang napalaki ang mata ko nang marealize ko na Sabado nga pala ngayon at may usapan kami na may group study kami ngayong weekend eh. Kaya agad na rin akong bumangon sa higaan ko at naligo na ako saka nag-ayos at bumaba na rin ako mula sa kwarto ko. Kita ko naman sila na nakaupo lang sa sofa ng sala namin.
"Good morning Seol-hee," bati naman sa 'kin ni ate Stacy.
"Ah good morning," sagot ko lang habang inaayos naman ang damit ko dahil nga sa nagmamadali na ako.
Nang nagtungo na ako papunta sana sa labas nang tawagin pa ako ni mama.
"Kain ka muna Seol-hee, hindi mo nanaman naalala ang sakit mo?" tanong niya at napatingin lang ako sa mga kasama ko.
"Kain nalang po kami sa labas," sagot naman ni Kai kay mama.
"Sige, ingatan niyo ang baby girl ko ha," sabi ni mama sa kanila na ikinatawa konti ni Dan-oh. Tinignan ko naman siya ng death glare kaya napatigil din siya sa pagtawa.
Binebaby pa rin ako ni mama kahit na malaki na ako hmp. Saka kaya ko naman na ang sarili ko. Hinawakan ni Kai ang kamay ko habang palabas na kami ng bahay at nagtungo na rin kami sa sasakyan niya.
Sumakay ang dalawa sa likod habang pinagbuksan naman ako ni Kai ng pinto sa tabi ng driver kaya sumakay naman na rin ako. Tumigil kami sa isang restaurant. Bumaba naman na kami mula sa kotse niya.
"Hindi pa rin ba kayo kumain?" tanong ko dahil na rin sa bumaba na silang lahat.
"Kumain na," sagot nila.
"Eh bakit?" nagtataka ko namang tanong.
"Kakain ulit," sagot naman ni ate Stacy. Kaya tuluyan na kaming pumasok sa restaurant.
Nilead naman kami ni Kai kung saan kami maupo. Nakapagorder na rin siya ng makakain namin. At kumain na rin kami agad nang dumating na ang pagkain. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa napansin kong napaparami ang kain ng dalawa at pati si Kai.
"Akala ko ba kumain na kayo?" tanong ko naman.
"Oo nga-"
"Huwag kang maniwala sa kanila. Hindi pa talaga sila kumain," sagot naman ni Kai.
Kaya napatingin naman ako sa dalawa. At nahiya lang silang nag-iwas ng tingin sa 'kin.
"Sorry na," sabi naman ni Dan-oh na nagpipigil pa ng tawa.
"Sa tingin mo papatawarin kita pag ganyan ka humingi ng tawad?"
"Joke lang naman yun eh, bakit mo sineseryoso?" tanong pa ni Dan-oh na natatawa pa rin.
"Eh malay ko," sagot ko naman at nagpatuloy nalang muli sa pagkain dahil gutom din ako at masarap yung pagkain nila dito ha.
"Masarap 'di ba," tanong ni Kai sa 'kin na tinanguan ko naman.
"Masarap nga siya," sagot ko.
"Kaya maaga ka rin namin sinundo para sabay-sabay na tayong magbreakfast," sabi pa nito.
"Ahh," sagot ko lang naman at kumain na nga muli kami.
Hanggang sa ilang sandali na nga ay natapos na kaming lahat sa pagkain.
"So saan tayo mag group study?" tanong ko sa kanila.
"Basta makikita mo," sabi naman ni Kai na parang napag-usapan na nilang tatlo nang hindi sinasabi sa 'kin.
Kaya tumahimik nalang din ako habang nasa byahe pa rin kami. Nakadungaw nalang ako sa bintana ng kotse ni Kai hanggang sa tumigil na siya sa pagmamaneho at lumabas na rin silang lahat kaya lumabas na rin ako. Nang marealize ko na papasok na sila sa isang maliit na library.
"Dito tayo?" tanong ko at nginitian lang ako ni Kai. Pumasok naman na rin kami sa loob. Naupo na sila sa isang table na vacant pa.
"Hindi talaga sumama si Amaya 'no," sabi ni ate Stacy.
"Ah may sarili rin kasing lakad," sagot ko.
Nilabas na nga nila ang mga libro nila. At lumapit naman ako kay Kai para bumulong, "Bakit dito niyo gustong mag-aral?" tanong ko.
"Ah mas makakapagfocus daw kasi sila kapag dito tayo kaya sumama nalang din tayo," sagot nito na tinanguan ko lang muli, kaya nagfocus nalang din kami sa pagbabasa ng notes nang may maalala ako.
"Nga pala ba't hindi na sumasama sa inyo si Kyung-so?" nagtatakang tanong ko.
"May sariling mundo na yun," sagot naman ni Dan-oh.
"Love sick," matipid namang sagot ni Kai. "Bihira na nga ring lumabas yun ng bahay eh," sabi pa niya.
"Ah, bakit naman ganun. Nalove sick lang hindi na lumalabas ng bahay," tanong ko.
"Naranasan mo na bang malovesick?" nagpuse ako para mag-isip sa tanong ni Kai.
"Hmm hindi pa," sagot ko naman.
"Yun naman pala," sabi ni Kai na natatawa pa.
"Eh ikaw naranasan mo na?" tanong ko rin naman sa kanya pabalik.
"O-oo," pansin ko na bigla siyang kinabahan at nag-iwas ng tingin saka nagkunwaring nagbabasa nalang ng libro.
"Kailan naman?" tanong ko pa.
Napalingon muli siya sa 'kin pero hindi siya makasagot.
"Alam niyo kung maghaharutan lang kayo rito huwag na kasi kami ni Stacy maiging nag-aaral dito," sabi naman ni Dan-oh at nakahawak nga siya ng libro.
"Sabi ko nga hindi na," sabi ko naman at kinuha nalang muli ang libro na binabasa ko kanina at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
Ilang oras na nga ang pananatili namin dito hanggang sa may bumukas ng pinto ng library kaya napatingin kaming lahat dun.
"Oh Amaya," nabigla ako nang makita si Amaya na kasama si Yoo-bin. Medyo ship ko na sila, medyo lang ano ba kayo. *grin*
"So dito kayo mag group study?" tanong niya naman. Pansin ko rin naman na nabigla siya nang nakita kami.
"Ah oo, mas makakafocus kasi kami rito eh," sagot naman namin sa kanila.
"Oh hi Yoo-bin," tawag ko naman kay Yoo-bin.
"Hi," sagot lang niya.
"Yoo-bin?" napatingin ako kay Kai nang tawagin niya si Yoo-bin.
"Team captain," bati naman sa kanya ni Yoo-bin.
"Dito kayo," pag-alok naman ni Dan-oh at nagleave ng space para sa dalawa nang in-interrupt ko siya.
"Baka kailangan nila ng moment 'di ba," sabi ko naman kaya umiba nalang din sila ng table pero malapit lang din naman sa table namin.
Nakatingin lang ako sa dalawa hanggang sa nagsalita si Kai.
"Sila na ba?" tanong niya at nakatingin din pala sa dalawa.
"Hindi pa ah, kakaconfess pa nga lang niya na may crush siya kay Amaya eh," sabi ko naman.
"Ah mabuti," sagot naman niya na ipinagtaka ko.
"Huh, bakit?" tanong ko rin naman.
"Ah wala wala," sagot niya pero hindi naman ako nakombinsi doon.
Muli nalang din akong nagbasa sa notes ko.
Nang ilang sandali pa ay napatingin kami sa table nila Amaya dahil yung librarian ay hinampas ang librong hawak niya rito na gumawa ng ingay para makuha ang atensyon namin.
"Ah hi po," rinig naming bati ni Yoo-bin sa kanya.
"Hindi allowed sa lugar na ito ang maglandian," sabi niya.
"Pero wala namang rule na ganun 'di ba," rinig ko pang tanong ni Yoo-bin.
"Meron," sagot lang ng librarian. "Pinapatupad ko na ngayong araw," sabi lang niya na pati kami ay naguluhan kasi kanina pa nga din kami naghaharutan at nagtatawanan pero hindi niya kami pinapagalitan.
"Eh bakit yung mga nandun?" tinuro naman ni Yoo-bin ang table namin kaya nag-iwas nalang kami ng tingin at kunwareng nagbabasa ket nakikiusyoso naman kung anong nangyayari.
"Hayaan niyo sila, matatanda na mga yun," sagot naman niya dahilan para matawa si Dan-oh konti. Napatingin naman kami sa kanya kaya napatahimik na rin siya.
"Pero magka-age lang kami ni Seol-hee."
"At sumasagot ka pa ahh, mag-aral lang kayo pero walang halong landian naintindihan niyo?" tanong ng babae at nagsimula na ngang maglakad pabalik sa counter.
Napatingin naman na rin ako sa librarian na ngayon ay nakaupo sa counter habang nagbabasa ng libro. Nang rinig ko na nagsalita si Kai.
"Bakit?" tanong niya nang mapansin yata niyang nababagabag ako.
"Ah wala naman," sagot ko nalang kaya bumalik nalang din kami sa pagbabasa ng notes namin.
Ilang minuto na nga ng pananahimik nila, siguro nga nakafocus talaga sila sa pagrereview. Nang napatingin kami kina Yoo-bin at Amaya nang kita naming palabas na sila ng library.
"Una na kami," sabi ni Amaya sa 'min.
"Sasabay na kami," sabi naman ni Kai na napatayo pa mula sa kanyang pagkakaupo.
"Ah sige," sagot naman ni Amaya. Inayos na rin namin kung saan kami naglamesa kanina saka nagsimula ng naglakad papunta sa pinakamalapit na restaurant dito.
Nag-order na rin kami ng soju kasi ang boring nga naman ng lunch kung walang soju.
"Anong..."
"Relax Amaya, gusto mo rin?" tanong ko.
Pero pansin ko sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkaayaw niya rito.
"Kayo nalang," sagot niya naman.
"Ang kj naman Amaya," sabi naman ni ate Stacy.
"Umaga pa rin kaya," sagot pa niya.
"Ah so kapag gabi gusto mo?" tanong naman ni Dan-oh.
"Sinong nagsabing gusto ko?" tanong pa niya.
"Eh sabi mo kasi," palusot pa niya.
"Sige iorder niyo ako," sabi naman ni Amaya kaya nagsigawan din kami dahil sa pagsang-ayon niya.
"Sigurado ka ba?" nag-aalala namang tanong ni Yoo-bin.
"Oo naman," sagot lang ni Amaya kay Yoo-bin.
"Yun oh," sabi naman ni Dan-oh.
Ilang sandali na nga ay dumating na ang order namin. Kumain lang kami habang nagkwekwentuhan nang pansin kong tahimik na si Kai na nakaub-ob pa ang ulo sa lamesa pero gulat kaming lahat nang bigla siyang bumangon mula rito.
"So Yoo-bin nililigawan mo na ba si Yeon-min?" tanong niya na halatang lasing na.
"Ahh," pansin kong nahiya pang sabi lang ni Yoo-bin.
"Kawawa pa ang kaibigan namin," sabi niya saka nagshot muli at nagsimula ng umiyak.
"Kai umiiyak ka ba?" natatawa kong tanong.
"Huh, hindi ah," sagot niya kahit na umiiyak pa rin siya.
"Umiiyak ka kaya," sabi ko lang.
"Yung kaibigan ko kasi eh, kilala mo si Kyung-so 'di ba," tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. "Mahal na mahal niya si Yeon-min eh, ilang libong taon din niyang minahal at minamahal si Yeon-min," sabi pa niya.
"Bakit kasi ayaw pa silang hayaan ng tadhana na magsama," sabi niya na patuloy lang sa pag-iyak. "Ako ang nasasaktan sa kanilang dalawa eh," sabi pa niya.
"Lasing na talaga si team captain," sabi pa ni Yoo-bin.
"Tungkol sa sinabi niya, wala akong ediya dun," rinig ko pang pagdahilan ni Amaya kay Yoo-bin.
"Lasing ka na talaga Kai," sabi ko.
"Psh ano ka ba, hindi pa ako lasing," sagot naman niya.
Pero gulat nalang muli ako nang patuloy muli siyang umiyak.
"Bakit ka ba umiiyak huh," nagtatakang tanong ko na medyo lasing na rin, dahil madami na ring nainom na alak.
"Kasi nga pinagpalit na ni Yeon-min si Kyung-so," sabi pa niya na patuloy pa rin sa pag-iyak. "Hindi ba nakakaiyak yun?"
Tumawa nalang ako sa kanya. "Hindi magagawa ni Amaya yun, mahal niya din kaya si Kyung-so," sagot ko naman.
"Ah ganun ba yun," sabi ni Kai na tumigil na sa pag-iyak.
At pansin ko sa gilid namin na tulog na sina Dan-oh at ate Stacy.
"Halina kayo, napadami nanaman ang inom niyo," rinig kong sabi ni Amaya.
"Hindi pa kami lasing ah, 'di ba," pagpumilit ko.
"Tara na uwi na tayo," sabi pa ni Amaya at inalalayan na kami papunta sa labas ng restaurant at papasok sa taxi na naghihintay sa labas.
"Ano ba 'yan," sabi ko nang maramdamang pinagtutulak nalang ng dalawa kami.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na umandar na ang taxi pero ako ay papikit na ang mata dahil na rin sa antok. Ilang sandali pa ay naramdaman kong tumigil na kami pero kalahating tulog na ako kaya wala na akong malay sa paligud hanggang sa ilang sandali muli ay tumigil ulit ang sasakyan at bumukas sa side kong pintuan, at syempre dahil dun ako nakasandal sa pintuan nitong taxi ay muntik na akong mahulog pero may nakasalo sa 'kin. Inalalayan niya naman ako patayo pero nakapikit pa rin ang mata ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang malambot na something sa likod ko.
"Tita, ibabalik ko lang po si Seol-hee."
"Naku, naglasing nanaman ba siya?"
"Nagkasiyahan lang po sa grupo namin kanina."
"Sige, salamat Amaya ha."
Huli kong narinig bago ako tuluyang nakatulog.