Chapter 8: 'I miss you'

1999 Words
Yeon-min's POV Tinulak ko siya papalayo at hindi makatingin-tingin sa mga mata niya saka ako tuluyang pumasok ng bahay. "Bakit late ka na nakauwi Amaya?" salubong na tanong sa 'kin ni mama. "Ah kakatapos lang po kasi ng klase namin," pagsisinungaling ko at umakyat na ako ng kwarto ko. "Baba ka na rin para kumain ng hapunan ha," sabi sa 'kin ni mama. Pagpasok ko ng kwarto nagpalit na muna ako ng pambahay na damit pero imbes na lumabas para kumain ay nanatili akong nakahiga sa kama ko. Nakatingin sa kawalan. Madami akong katanungan sa mga panahong iyon. Bakit bumilis ang t***k ng puso ko nung yinakap niya ako bigla, bakit niya sinabing namimiss niya ako eh ngayon lang naman niya ako nakilala, sino nga ba yung kwinento ni Kai sa 'kin na Yeon-min, ako ba yun? "Kyahhhh!" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at dun sumigaw-sigaw. Naging ganito lang kagulo ang buhay ko nung pumasok ako sa university na yun. Ang balak ko lang kasi ay mag-aral pero bakit nasangkot ako sa ganitong kaganapan? "Amaya kain na!" sigaw nila sa baba kaya bumaba na rin ako para saluhan sila sa pagkain ng hapunan. Tahimik lang akong kumakain at nagkwekwentuhan lang sila habang kumakain nang kuhanin nila ang atensyon ko. "Amaya," sabi ni papa kaya natauhan na rin ako. "May gumugulo ba sa isipan ng baby girl namin?" tanong ni papa. Binebaby pa rin ako ng pamilya ko dahil na rin sa wala na akong ibang kapatid. Only child lang ako sa pamilya namin at only child lang din si mama kaya wala akong ibang mga pinsan para makabonding, kaya nga rin siguro napalapit ako ng husto kay Seol-hee kasi wala na akong ibang mapagsabihan ng mga problema ko sa buhay at mga kwento ko. Tinatanong niyo naman si papa, nasa malayo ang ibang family members nila kaya nga wala rin akong kilala sa father's side ko. "Ahh tungkol lang po sa school," pagsisinungaling ko ulit. Dalawang beses na akong nagsinungaling ngayong araw! "Alam mo bang doon din kami nagkakilala ng lola mo," nung kwinento nanaman ni lolo iyon ay hindi namin inintindi lahat dahil every meal namin ay yun nalang lagi niya kwinekwento, kung pano sila nagkakilala ni lola. Napatingin naman ako sa picture na naka-hang sa pader, picture namin ni lola nung 8 years old palang ako. Namiss ko nanaman si lola, nastroke siya nung 12 years old ako at yun ang pinakamasakit na araw sa buong buhay ko. Nang tapos na akong kumain ay nagpunta na muli ako sa kwarto ko. Bumabalik muli ang sinabi ni Kyung-so kanina. "I miss you." "Kyahhhhh!" sumigaw na muli ako sa unan. Bumangon ako mula sa kama ko. "Hindi mo ako makukuha sa mga pasweet mo Kyung-so!" sigaw ko sa kawalan. "I miss you." "Arghhhh!" Binaon ko na rin muli ang ulo ko sa unan dahil bumabalik nanaman ang sinabi niya sa isip ko. Nang pumasok sa kwarto ko si lolo na may dalang tray ng cookies at gatas. "Hindi ka makatulog apo?" Bumangon na rin muli ako at nagpatuloy na si lolo sa pagpasok sa kwarto ko hanggang sa makarating siya sa kama ko at pinatong ang tray sa side table ko. "Inom ka muna ng gatas," sabi niya at inangat niya ang baso ng gatas para ibigay sa 'kin. Napangiti naman ako roon at tinanggap na nga ang gatas mula kay lolo. "Meron yatang gumugulo sa isip ng apo ko kaya hindi ka makatulog," sabi pa ni lolo. "Wala naman lo," sagot ko at uminom na nga sa gatas. "Kita ko ang pagsisinungaling mo," sabi niya na ikinatingin ko sa ibaba. "Alam mo apo, alam ng lola mo kung kelan ako nagsisinungaling," pagkwento pa niya. Nang may naisipan akong itanong sa kanya. "Lo," pagtawag ko sa atensyon niya. "Ano yun apo," tanong naman ni lolo sa 'kin. "Kelan at pano niyo nalaman na mahal niyo na noon si lola?" tanong ko. At napatingin siya sa malayo na para bang inaalala talaga ang nangyari noon sa kanila. "Nalove at first sight ako sa lola mo," sabi niya habang nakatingin pa sa malayo at nakangiti pa. "Maganda nga naman kasi ang lola mo nung kabataan pa namin, madami ring nagkakagusto sa kanya at marami rin siyang manliligaw nun," mahaba niyang kwento. "Pano niyo rin napasagot si lola, lo?" tanong ko pa. "Syempre naging kaibigan niya muna ako, caring na kaibigan. Lagi akong nasa tabi niya kapag may problema siya at isang araw nagdesisyon akong manligaw sa kanya at sinagot din niya ako agad," pagkwento pa ni lolo na hindi na mabura-bura ang ngiti sa labi niya nung naaalala si lola. "Mahal niyo nga talaga si lola, lo," sabi ko. "Oo naman kahit na siguro sa kabilang buhay ay siya at siya pa rin ang pipiliin ko." Tinap-tap ko siya sa balikat. "Alam kong mahal na mahal ka rin ni lola, lo," sagot ko naman at nagsubo ng cookies na dala ni lolo. "Oo naman," sabi niya at tumawa sa 'kin saka niya naman tinap-tap ang ulo ko. Ngumiti naman ako sa kanya saka siya tumayo. "Matulog ka na rin pagkatapos mo 'yang kainin ha." "Opo," sagot ko lang sa kanya saka na siya lumabas ng kwarto ko. Pagkatapos nun ay natulog na ako. Nagising ako dahil sa alarm ko. Bumangon na rin ako ng higaan ko para maghanda para sa school. Habang nagtotoothbrush palang ako ay tinawag ako nina mama. "Amaya may naghihintay sa 'yo sa labas," nabigla naman ako dahil dun. Sumilip ako sa bintana ng banyo at kita kong naghihintay roon si Kyung-so. Ano bang ginagawa niya rito! Kaya binilisan ko ng magbihis at nagpunta na sa labas. "Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko. "Sinusundo ka," sagot lang din naman niya. "Si Seol-hee ang girlfriend mo hindi ako, siya dapat ang sunduin mo," sabi ko naman at nagsimula ng maglakad nang hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. "Sakay na, sinundo na rin naman siya ni Kai eh," sabi niya at hinila na ang kamay ko papasok sa kotse niya. "Bakit si Kai ang sumundo sa kanya? Hindi ba dapat ikaw kasi ikaw ang bf? Saka pwede mo rin naman ako ipasundo kay Kai kung gusto mo-" "Hindi!" Nagulat naman ako sa sigaw niya. "Bakit hindi?" tanong ko lang muli pero binalik na niya ang tingin niya sa daan at hindi na sinagot mga tanong ko. Naguguluhan talaga ako anong nangyayari eh. Kaya tahimik nalang din kami buong byahe. Nang makarating kami sa campus ay pinark na rin niya ang kotse at bumaba na kami mula rito. Nang napatingin ako sa paligid dahil puno na sila ng bulong-bulungan nung nakita nila akong bumaba sa kotse ni Kyung-so. At sunod din namang nagpark ng kotse sina Kai. Bumaba si Seol-hee mula rito at nagtungo sa 'kin. Sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang na humapdi ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Seol-hee. "Akala ko ba kaibigan kita ha? Mang-aagaw, ahas!" Hindi ako makatingin sa kanya. Nang nagtaas muli si Seol-hee ng kamay para sampalin pa muli ako ay napapikit ako ng mata pero ilang saglit pa ay walang tumama sa 'kin kaya napatingin ako at sinangga pala ni Kyung-so ang kamay ni Seol-hee. At nang nabawi na niya muli ang kamay niya ay si Kyung-so na ang sinampal niya. "Manloloko!" sabi niya bago umalis. Napaluha nalang ako dahil dun. Hindi yun ang kaibigan ko, nagbago na siya. Hindi niya magagawang pagbuhatan ako ng kamay. Mabait yun eh, pero bakit, pano? "Halika na," sabi ni Kyung-so at hinawakan ang magkabilang balikat ko nang itaboy ko siya. "Bitawan mo ako!" sabi ko naman na humahagulgol na. "Madaming tao oh." "Diyan ka naman magaling 'di ba? Ang naghahanap ng escandalo," sabi ko saka umalis na rin. Nagtungo ako sa cr para ayusin ang sarili ko bago pumasok sa klase. "Ngayon ko lang nasaksihan si Kyung-so na nangabit at siya daw ang kabit," bulong nung dalawa habang nasa harapan ako ng salamin sa cr at nakatingin sila sa 'kin. Hindi ko nalang sila inintindi. Wala din namang saysay kapag papatulan ko pa sila. Hindi rin naman totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa 'kin. Nung tapos na nga akong nakapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako sa cr at pumasok na rin sa klase ko. Nakita ko si Seol-hee na nagsusulat ng kung ano, nakaupo pa rin siya sa tabi ko pero syempre hindi ko na rin siya inimik. Actually may tampo pa rin talaga ako sa kanya dahil sa hindi niya pakikinig sa payo ko tungkol kay Kyung-so. Ilang minuto pa rin na nagsusulat siya ng kung ano habang ako ay nagbabasa lang ng libro hanggang sa dumating na nga ang prof namin. Naglesson na nga rin muli kami hanggang sa nagdismiss na rin si prof pero nagbigay rin siya ng assignments and projects. "Seol-hee-" sinalpak na muli niya ang earphones niya at naglakad na palayo bago pa ako makapagsalita. Nakalimutan ko nga palang hindi na kami nagpapansinan. Dati kasi kapag ganito na maraming mga pinapagawang projects at assignments ay nagpupunta kami sa bahay ng isa't-isa minsan para gumawa. Pero minsan konti lang din nagagawa namin kasi mostly nagkwekwentuhan lang kami o 'di kaya kumakain lang kami kapag oras na sana ng paggawa ng projects. Hays, namiss ko tuloy yun. Baka pupunta nanaman yun sa hide out ng F3, bali-balita nga na alam na ni Seol-hee kung nasaan ang hide out ng tatlo eh. Pero nagpunta nalang din ako sa favorite place ko, ang library. Naglakad na nga rin ako papunta dun. Pagpasok ko ay medyo marami ring tao gaya dati. Naghanap na ako ng bakanteng table para maupuan nang pansin ko ang nakaupo sa tapat ko. "Dan-oh?" sabi ko. "Oh, Yeon-min," napatakip din siya ng bibig. "Ang weird, alam niyo na agad pangalan ko kahit na hindi niyo pa ako kilala," sabi ko at nag-iwas siya ng tingin. "Ah si Stacy nga pala blockmate ko," sabi niya. "Ah hi, ako si Yeon-min," nag-extend ako ng kamay para kamayan si Stacy. Infairness ha, maganda naman. Nang pansin kong nakatingin lang siya sa 'kin na nalilito. "English lang," bulong naman ni Dan-oh sa 'kin. "Ah, I'm Yeon-min," sabi ko kaya napangiti siya. "I'm Stacy," sagot niya at napangiti na rin ako sa kanya at tinanggap naman niya ang kamay ko. Nang natahimik kami. Si Stacy ay bumalik lang sa pagbabasa habang si Dan-oh naman ay nakatingin lang sa malayo nang magsalita muli siya. "Pagpasensyahan mo na si Kyung-so ha?" sabi niya. "Ano ka ba wala yun," sabi ko na pinilit ngumiti pero nung nabanggit ang pangalan niya ay nalungkot nanaman ako. "Alam ko namang matagal na siyang ganun pero ikaw lang hinihintay niya," gulat ako sa sunod niyang sinabi. "A-anong ibig mong sabihin," tanong ko at magsasalita na rin muli sana si Dan-oh nang may humawak sa palapulsuhan ko. Napatingin naman ako at kita kong si Kyung-so iyon na seryoso ang ekspresyon sa mukha. "Kailangan nating mag-usap," sabi niya at tinangay ako sa labas ng library. "Ano ba," sabi ko at pilit kumakawala sa pagkakahawak niya pero mahigpit pa rin talaga ang pagkakahawak niya sa 'kin. "A-ano bang problema mo," napatigil na rin siya sa pagtangay sa 'kin dahil humihikbi na ako. Humarap siya sa akin at napaupo nalang ako habang patuloy na umiiyak. "Sinira mo pagkakaibigan namin ni Seol-hee!" sabi ko na patuloy pa rin sa pag-iyak. Wala na rin akong pakealam kung pagtinginan man kami ng mga tao na padaan kung nasan kami ngayon. Ang gusto ko lang ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko. "I'm sorry," pilit niya akong yinayakap pero tinutulak ko siya palayo. "Hindi mo na maibabalik pa ang nawala, kinamumuhian na ako ni Seol-hee," sabi ko pa. Tumayo na ako at pinunasan ko pa ang mga luha sa pisngi ko. "May klase pa ako," sabi ko naman kaya naglakad na rin muli ako papalayo sa kanya. Hindi na rin naman niya ako hinabol pa kaya mabuti nalang din yun. Hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin si Seol-hee. Miss ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD