Dan-oh's POV
Nakahalukipkip ako habang nakanguso na nakaupo sa bus. Iniwan ako ng dalawa. Porket may kanya-kanyang susunduin at ako lang sa aming tatlo ang hindi marunong magdrive iiwan na nila ako.
Nang napanganga ako dahil sa nakita kong pasakay ng bus. Parang nagbago agad mood ko ah. Umupo siya sa tapat ko. Meron siyang mahaba na brown at curly na buhok, maputing balat at blue eye. Nakasuot din siya ng earphone at nakita kong nakauniform siya ng gaya sa uniform namin. Nag-aaral din ba siya sa school namin? Pero bakit 'di ko siya nakikita.
Nang nakita kong bumaba na siya kaya tumayo na rin ako pero hindi niya siguro namalayan na nahulog ang ballpen niya nung pababa na siya ng bus kaya kinuha ko na iyon at sinundan ko siya.
"Miss," tawag ko sa kanya nung naglalakad na siya sa daan. Napatigil naman siya at lumingon sa 'kin kaya tumakbo na ako papunta sa kanya.
"Nahulog mo nga pala," sabi ko at parang nalilito ang ekspresyon sa mukha niya.
"Excuse me?" tanong niya at dun ko lang napag-alaman na foreigner pala siya.
"Ah I mean, you dropped your ballpen," sabi ko nalang, trying hard mag-english.
"Oh thank you," kinuha niya ang ballpen mula sa 'kin at dun ako nakakita ng pinakamagandang ngiti.
Naglakad na rin muli siya, napalingon naman ako sa paligid at nalaman kong yung school namin ito. Ganun ba talaga kapag in love, hindi namamalayan anong nangyayari sa paligid kapag kasama mo siya?
Una siyang naglakad, nakasunod lang naman ako sa kanya. At dun ko lang nalaman na pareho rin pala kaming 3rd year. Pumasok na rin siya sa isang silid at napangiti ako ng maluwag nang marealize kong klase ko rin ito. Nang nakapasok na ako sa room ay nakita ko siyang nakaupo sa gilid at syempre bago pa ako maunahan ay tumabi na rin ako sa kanya. Pero umakto ako na hindi ko siya napansin at napalingon siya sa 'kin.
"Oh, your the guy earlier," sabi niya.
"Yeah," sagot ko lang naman at ngumiti sa kanya.
"I'm Stacy," nag-extend siya ng kamay.
"I'm Dan-oh," sagot ko lang naman at tinanggap din ang kamay niya. "How come I didn't saw you in the past days?" Naks, alagang Kai kaya 'yang english ko.
"I'm an exchange student from Los Angeles," sagot naman niya.
"Oh," sabi ko naman.
Nang naglabas siya mula sa bag niya ng gum.
"You want?" tanong niya at inalok ako ng gum. Tinanggap ko naman at syempre hindi ko kinain, galing sa kanya eh. Itatago ko 'to sa bahay.
Pansin ko namang napapatingin sa amin ang mga lalaki, siguro selos sila sa 'kin kasi nakausap ko agad ang exchange student mula sa ibang bansa. Ilang sandali na nga ay dumating na ang prof namin.
"We have an exchange student from Los Angeles," sabi ni prof at nakaturo pa kay Stacy. "Please introduce yourself," sabi pa nga ni prof at napatayo lang siya sa kanyang upuan.
"Hi everyone, I'm Stacy Ramirez from Los Angeles, I hope we can all be friends," pagpapakilala naman nito.
At pagkatapos nun ay nagdiscuss na rin muna siya at nasabi niya rin na may class activity kami.
"Maghanap kayo ng partner niyo-" sabi ni prof at pagkasabi palang niya iyon ay nagsipuntahan na agad sila kay Stacy.
"Stacy kaw nalang partner ko."
"Piliin mo ako Stacy."
Nagsama naman ng tingin ang mga babae sa sa klase namin.
"Upo kayo," utos ng prof at pansin ko naman ang pag-uncomfortable ni Stacy dahil dun. "Let Stacy decide who would she pick," sabi pa niya at yung mga lalaki ay naghihintay kung sino nga bang pipiliin ni Stacy syempre pati ako gusto ring mapili-
"I will pick Dan-oh to be my partner miss," sabi niya at kita ko ang pagkadismaya sa mga mukha ng lalaki. Hindi rin naman ako makapaniwala sa narinig.
Nang makapili na nga lahat ng mga partner nila ay sinabi na rin ng prof ang instructions ng activity. Nagbigay ang prof ng libro bawat pair at dun magbase ng sagot. Nandun na rin ang questions.
At habang binabasa ni Stacy ang libro na bigay ng prof ay hindi ko namalayan na napapatitig na pala ako sa kanya. Nang bigla siyang lumingon sa 'kin ay nag-iwas lang ako ng tingin.
"Do you think this is the right answer?" tanong niya at nakaturo pa ang ballpen sa sulat sa libro na tinuturo niya.
Binasa ko naman din saglit ang question at tama nga ang tinuro niya.
"Ah yeah," sagot ko naman kaya yun ang sinulat niya.
Ang ganda rin ng penmanship niya, actually maganda naman lahat sa kanya. Maganda rin ugali niya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Stacy halos nasa kanya na lahat. Natapos na nga namin lahat ng questions at nagdismiss na rin si prof dahil time na rin sa subject niya.
"What is your next subject?" tanong ko nang makalabas na kami sa classroom.
"Calculus," sagot niya.
Nadismaya naman ako dahil sa first subject lang pala kami magkaklase.
"But I have plenty of vacant time before my next subject," sabi niya na ikinangiti ko. Pero naglaho rin ang ngiti ko nang marealize na may klase na ako after 30 minutes. Siguro mag-absent nalang din muna ako ngayon, ngayon lang naman eh.
"Ah me too," sagot ko kahit na ang totoo ay meron talaga akong klase.
"I want to go to the library, can you show me the way?" tanong niya kaya tinuro ko na rin sa kanya ang daan at syempre sinamahan ko na rin siya sa library.
Pumasok na kami roon at naghanap na rin ng vacant seat at naupo na kami pareho saka siya naghanap ng babasahin. Pati rin ako ay naghanap na rin ng libro na babasahin habang sinasamahan ko si Stacy rito. At naupo na muli kami nang nakahanap kami ng libro.
"Dan-oh?" Napatingin ako kung sino tumawag sa pangalan ko.
"Oh, Yeon-min," napatakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko. Hindi pa nga din siya nagpapakilala eh, nakikita na namin ang isa't-isa minsan pero hindi pa siya nagpakilala mismo sa 'kin.
"Ang weird, alam niyo na agad pangalan ko kahit na hindi niyo pa ako kilala," sabi niya at nag-iwas naman ako ng tingin nang naalala ko na kasama ko nga pala si Stacy.
"Ah si Stacy nga pala blockmate ko," sabi ko.
"Ah hi, ako si Yeon-min," nag-extend siya ng kamay para kamayan si Stacy.
"English lang," bulong ko naman sa kanya. Nakalimutan ko ngang sabihin na hindi nakakaintindi si Stacy ng tagalog.
"Ah, I'm Yeon-min," sabi ni Yeon-min kaya napangiti siya sa kanya.
"I'm Stacy," sagot niya at napangiti na rin si Yeon-min at tinanggap naman na ni Stacy ang kamay ni Yeon-min.
Nang natahimik kami. Si Stacy ay bumalik lang sa pagbabasa habang ako naman ay nakatingin lang sa malayo.
"Pagpasensyahan mo na si Kyung-so ha?" biglaang sabi ko.
"Ano ka ba wala yun," sabi niya pero pansin ko rin naman na nasasaktan din siya sa nangyayari sa kanya.
"Alam ko namang matagal na siyang ganun pero ikaw lang hinihintay niya," pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa sinabi ko.
"A-anong ibig mong sabihin," tanong niya at magsasalita na rin muli sana ako nang may humawak sa palapulsuhan ni Yeon-min.
Napatingin naman siya rito at seryoso ang mukha ni Kyung-so. Tinangay niya si Yeon-min palabas ng library. Hindi ko nga alam ano nanaman ang binabalak ni Kyung-so eh, ang g**o talaga nun kahit kelan.
"What are you talking about?" tanong ni Stacy na halata kong nalilito na rin.
"Ahh about some things," sagot ko naman.
"Ahh okay," sagot din naman niya at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.
Nilibot ko pa si Stacy sa buong campus sa vacant time niya hanggang sa may klase na nga siya at nagpaalam na rin siya sa 'kin. Hinatid ko na siya sa classroom nila. Boyfriend material yarn?
Nagpunta na agad ako sa hide out namin, hindi ko naman sigurado kung meron silang dalawa roon pero nagbaka sakali lang ako at komprontahin ko si Kyung-so. Pagbukas ko ng pinto ay si Kyung-so at Seol-hee lang ang nandun sa hide out namin.
"Ano yun ha?" tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya. Saka siya napatayo. Pati si Seol-hee na katabi niya ay nalilito na rin kung ano yung sinasabi ko.
"Halika nga rito," sabi niya at hinila ako sa sulok para siguro hindi marinig ni Seol-hee ang pag-uusapan namin. "Huwag na huwag mong ioopen ang topic na 'yan sa harapan ni Seol-hee ha," pagbabanta niya ng pabulong.
"Ah so ngayon may pake ka na sa feelings ng babae?" tanong ko at sinasadya ko talagang lakasan boses ko para marinig ni Seol-hee na nakaupo pa rin sa couch.
"Shut up," sabi naman niya at nakuha nga namin ang atensyon niya.
"Sabihin mo nga ha ano ba talagang binabalak mo, ginagamit mo lang silang pareho," ngayon ay pabulong ko na rin iyon sinabi.
"Hindi mo alam kung ano sinasabi mo," banggit niya.
"Ahh mag-usap na muna kayo riyan, aalis na rin muna ako-"
"Kailangan mong malaman ang totoo Seol-hee," lumingon naman siya sa 'min na dapat ay paalis na.
"Dan-oh!" pagpipigil na rin sa 'kin ni Kyung-so.
"Ha, bakit natatakot ka bang malaman niya ang totoo. Sige iwan ko nalang ito sa inyo at sana maging maayos na ito ha," tinap-tap ko na rin muna ang balikat ni Kyung-so bago tuluyang umalis.
Sana naman sa pag-alis ko masabi na niya ang dapat niyang sabihin kay Seol-hee. Umalis na nga muna ako sa hide out at nagpunta sa gym dito pa rin sa campus.
Nagfree throw lang ako ng mga bola sa ring nang nakauniform. Basketball talaga ang sports ko habang si Kai ay soccer at si Kyung-so naman ay swimming. Kapag frustrated ako nagtry lang ako magfree throw pampawala ng stress ko. Nang ilang sandali pa ay may naramdaman akong presensya.
Nahiga na rin muna ako sa sahig dahil sa pagod ko. At siya naman din ang nagshoot ng bola.
"Pumupunta ka lang dito kapag frustrated ka, anong nangyari?"
"Ilang beses na rin kasi nating pinagsabihan si Kyung-so, pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang p*******t ng babae," nung sinabi ko yun ay nanahimik siya. "Sabihin mo nga, may gusto ka kay Seol-hee 'no?" tanong ko at gaya rin kanina ay napatahimik lang din siya muli.
"Kung ako sa 'yo bro umamin ka na kasi hindi natin alam kung kelan mawawala ang tao sa 'tin," saad ko. Tumingin naman siya sa 'kin na parang pinag-iisipan niya ang sinabi ko.
"I don't know, ang complicated kasi ng sitwasyon. To think na hindi rin naman ako ang gusto niya," nalungkot ako sa sinabi niya.
Oo nga naman, mahirap talaga kapag may ibang gusto.
"Eh 'di make her fall in love with you."
"Pano eh sila pa rin naman ni Kyung-so," tanong naman niya.
"Hintayin mo lang na hiwalayan siya ni Kyung-so, alam mo naman siya nagkikipaghiwalay rin siya agad sa babae kapag may next target," sabi ko pero mukhang malungkot pa rin siya.
"Hays, ewan," sagot niya saka siya muling nagfree thow at naglakad na palayo.
Ang complicated din talaga ng love eh. Muli nalang din akong nagtry na magshoot sa ring. Nagpalit na agad ako ng damit ko dahil pawisan na ako syempre may extra akong uniform sa locker ko just in case.
Napangiti ako nang tumunog ang phone ko at message ito ni Stacy at gusto niyang maglunch kami together. Nag-exchange phone numbers na rin kasi kami. Nagreply naman din ako na kitain niya ako sa cafeteria.
Pagpasok ko roon ay kumaway pa si Stacy at nakahanap na rin siya ng table sa 'min. Marami na ring rumors sa amin na kumakalat sa campus dahil na rin sa kami lagi ang magkasama buong araw. Hindi ko nalang iyon inalala.
"Nag-order ka na- I mean did you order already?" tanong ko.
"I did, I ordered for you also," sabi pa niya.
Aw, ang sweet niya talaga eh. Kaya gusto ko siya eh.
Nang nakarating na ang order namin ay kumain na rin kami agad at sinabi niya na malapit na ring magstart ang klase niya kaya hindi rin kami nakausap ng matagal.