Chapter 21: Reconcile

2052 Words
Yeon-min's POV Kinausap na ako ni Seol-hee na nakauwi na raw sila galing ospital kagabi. Sinabi rin niya na sa bahay nila kumain ang dalawa. Basta marami na rin kaming napagkwentuhan nung time na hindi pa kami nagpapansinan. Ngayon ay naglalakad nanaman ako papunta sa kanila para sabay kami pumuntang school. "Oh Yeon-min ang aga ahh," sabi ni tita nang pumasok na ako sa bahay nila. "Ah opo," sagot ko lang naman. "Si Seol-hee nagbibihis palang," sabi rin naman ni tita. "Ayos lang po, maghihintay nalang po ako," sagot ko naman at naupo sa sofa. Ganito na talaga kami, feel at home siya sa bahay at feel at home din ako sa bahay nila. Ilang minuto pa nga ng paghihintay ko ay bumaba na rin si Seol-hee mula sa kwarto niya. "Kanina ka pa?" tanong niya. "Oo," sagot ko naman. "Late na kasi natulog kagabi," singit naman ni tita sa usapan namin. "Nagbasa-basa lang ako ng notes ma," sagot naman ni Seol-hee at nagpunta na nga kami sa labas ng bahay nila para pumunta sa bus stop. Ilang minuto pa nga ay dumating na ang bus at naunang nagbayad si Seol-hee gamit ang beep card niya at sumunod naman ako pero kinabahan na ako nang ibeep ko na ang beep card ko ay tumunog ito na sign na wala na itong laman. Lumingon si Seol-hee dahil dun at tumingin naman ako sa kanya na waring nanghihingi ng tulong. "Ahh ako na po magbabayad," sabi naman niya at nibeep na nga rin niya ang beep card niya para mabayaran ako. Ngayon ay nakaupo na kami ng magkatabi sa bus. "Nakalimutan ko yatang magreload ng card ko," sabi ko. "Ako rin naman minsan," sagot lang sa 'kin ni Seol-hee. Nang hinawakan ko ang kamay niya at sumandal sa balikat niya. "Ano ba 'yan," sabi ni Seol-hee, pero dati na rin naman kaming ganito baka nawiwirduhan lang siya kasi ngayon nalang ulit kami ganito. "Namiss lang kita," sabi ko naman. "Psh, sa tingin mo ba hindi kita namiss?" sabi niya kaya napatingin ako saglit sa kanya. "Pinipigilan ko lang dati na kausapin ka kahit na namimiss na kita," sabi niya dahilan ng pagngiti ko. Nang napatingin kami sa mga tao doon na nakatingin sa 'min ng nandidiri. Ang alam siguro nila in a relationship kami ni Seol-hee eh. Pero hindi nalang namin iyon inalala at hanggang sa nakarating na nga kami sa school. Bumaba na kami ng bus at naglakad ng ilang hakbang papunta sa gate. Pumunta na rin kami ng first class namin at syempre tumabi na si Seol-hee sa 'kin. "So nagkaayos na kayo?" tanong ng babae na nambully sa 'kin kahapon. "Oo," sagot lang ni Seol-hee. Nagsmirk lang ang babae saka naghalukipkip ng kamay. "If I know lumalapit ka lang ulit sa kanya kasi may kailangan ka," sabi ng babae at napaatras naman siya nang tumayo si Seol-hee mula sa upuan niya. "To tell you this, hindi pabida-bida si Amaya, hindi siya sipsip sa mga profs sadyang masipag lang siyang mag-aral hindi gaya sa inyo," sabi niya kaya napastep back nalang sila at umalis na sa paningin namin. Halatang nainis sa sinabi ni Seol-hee. "Thank you," banggit ko naman. "Syempre best friends tayo eh," sagot naman niya na nginitian ko lang at ilang sandali na nga ay dumating na ang prof namin. Dumako naman na rin ang atensyon namin sa prof nang magsimula na siyang magdiscuss para sa bago naming lesson. "Alam mo Amaya bagay naman kayo ni Kyung-so eh, promise 'di na ako galit kapag may gusto ka sa kanya," sabi naman ni Seol-hee nang kumakain kami ng meryenda sa open field. Napatingin naman ko sa malayo dahil sa sinabi niya. "Hindi," matipid kong sagot at dahil dun tinignan niya ako ng nagtataka. "Hindi kami ang itinadhana, ayoko na ring umasa eh," nang napatingin naman ako sa kanya dahil halatang nagulat siya. "So kapag umaasa ka sa kanya, may gusto ka rin sa kanya?" sabi niya na nakalagay pa ang dalawang kamay sa bibig niya na waring gulat talaga. "Ang ibig kong sabihin umasa sa tadhana-" "OMG umasa sa tadhana na maging kayo?" gulat pa rin niyang sabi na parang hindi makapaniwala. "Wala akong sinasabing ganun ahh," sabi ko naman sa kanya na natatawa pa. Sinabayan nalang din niya ako sa pagtawa. Nang maaninag kong may mga naglalakad papunta sa direksyon namin. Napatigil ako sa pagtawa at napatingin sa direksyong iyon. Nang tuluyan na silang makarating ay tinanggal agad ni Kai ang suot niyang jacket at nilagay sa lap ni Seol-hee. "Pinagtitinginan na kayo ng mga lalaki, ba't ba kasi dito niyo gustong tumambay," pagalit na sabi ni Kai pero cold pa rin. "Pake niyo ba kasi," inis namang sagot ni Seol-hee pero hindi naman tinatanggal ang jacket na nilagay ni Kai sa lap niya. Nang napatingin ako sa libro dahil may umaalok nito at inangat ko ang paningin ko at nakita ko naman na si Kyung-so ito. "Pantakip mo," sabi pa niya saka umiwas ng tingin. Tinanggap ko naman ito na walang sinabi saka ko nilagay sa lap ko. Nang alam ko ay aalis na sila pero si Dan-oh ay tumabi lang sa 'min. "Pahingi," sabi niya at kumuha sa chips na kinakain ko. "Bili ka dun sa 'yo," sabi ko naman at nilayo na ang chip ko sa kanya. "Konti lang naman ih," sabi pa niya at kumuha na rin ulit. "Hays," sabi ko naman sa kanya pero nginitian lang ako. Dahil nga roon ay tumabi na rin sa 'min sina Kai at Kyung-so. "Maganda pala talagang tumambay dito," sabi ni Dan-oh habang nakatingin sa kalikasan. at habang kumukuha pa rin ng chips ko. "Makakalanghap ka talaga ng sariwang hangin," sabi pa niya. "Oo naman," sagot ni Seol-hee. "Oh," napatingin na rin ako nang ioffer ni Kai ang candy kay Seol-hee. Ako naman ay nagfake cough lang sa kanila. Tinignan ako ni Seol-hee dahil dun. "Kunin mo na," sabi ko at ako na nga ang kumuha ng candy na inooffer ni Kai sa kanya saka ko nilagay sa kamay ni Seol-hee. Ilang minuto pa kami roon, nagkwekwentuhan lang saka kumain pa. At hindi ko pinahalata na napapansin ko ang pananahimik ni Kyung-so. Nakatingin lang siya sa malayo na para bang may iniisip siyang malalim. At nang napalingon siya sa direksyon ko ay bigla naman ako nag-iwas ng tingin para hindi niya sabihing tinitignan ko siya ng palihim. "Ahh Dan-oh si Stacy nga pala ba't hindi mo kasama ngayon?" tanong ko at napasulyap nalang ako kay Kyung-so nang nakalingon nanaman siya sa malayo. "Ahh busy," sagot ni Dan-oh pero pansin ko naman sa mga mata niya na parang may kirot. Bakit, anong nangyari? "Ang sabihin mo nagtatampo ka," sabi naman ni Kai sa kanya. "Huh bakit? Anong nangyari?" nagtataka ko namang tanong. "Wala," sagot niya na nakabusangot pa. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan ah. "May fiancé na kasi siya kaya heartbroken 'to," sagot naman ni Kai. Si Kai na pala spokes person ni Dan-oh ngayon ah. "Bakit ka ba sumasagot para sa 'kin Kai ha," kompronta naman ni Dan-oh sa kanya. "Eh ayaw mong sagutin," sagot naman ni Kai. "Hays-" sabi lang ni Dan-oh nang napatingin kaming lahat sa kanya dahil nagring ang phone niya. Tinignan lang niya ito saka binalik sa bulsa niya. "Bakit 'di mo sagutin," saad ko naman. "Wala lang yun," sabi niya pa at patuloy lang na nagriring ang phone niya pero hindi niya ito pinansin. "Si Stacy ba 'yan? Nagkatampuhan kayo?" tanong naman ni Seol-hee. "Ahh-" "Dan-oh!" napalingon kami kung saan yung sumigaw at nakita namin si Stacy na naglalakad papunta sa direksyon namin. "We need to talk," sabi niya nang nakarating na sa pwesto namin. "We have nothing to talk about," sagot naman ni Dan-oh rito. "Yes we have," sagot ni Stacy. "Dali na, uusap lang naman kayo eh," tinulak ko si Dan-oh para mapatayo siya at sumunod kay Stacy. "Oo na," sabi naman niya na nagkamot pa sa ulo na waring napipilitan. Napatawa nalang kami sa reaksyon niya. Nang naging tahimik ang atmosphere namin nang nawala si Dan-oh rito. "Pang save talaga ng awkwardness si Dan-oh eh," komento ni Kai. "Oo nga," sagot ko naman. Pero napatingin kami kay Kyung-so nang tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Alis na rin ako." "Ang kj niyo naman," reklamo niya. "Eh ikaw lang naman ang gustong pumunta rito," sabi lang ni Kyung-so saka umalis na. "Bye punta na rin ako," paalam ni Kai kaya nagwave nalang din ako ng kamay sa kanya at patakbo siyang sumunod kay Kyung-so. Napangiti nalang ako nang nakaalis na ang tatlo. "Alam mo ang cold ni Kai pero sweet din," sabi ni Seol-hee. "Nagkakagusto ka na ba kay Kai?" 'di makapaniwalang tanong ko. "Wala akong sinasabi ahh," sabi lang ni Seol-hee kaya napatawa nalang ako. Nagpunta nalang din kami sa sunod naming subject pagkatapos namin magbreak. Nagpaoral recitation lang din ulit ang prof namin. At gaya nga ng expected ay kami ni Seol-hee ang nakarami ng sagot. Talaga nga namang nag-aaral na rin ng mabuti si Seol-hee, nakakaproud siya. Natapos na nga ang panghuling subject namin ngayong araw at sabay na muli kaming pauwi ng bahay. "Ah Amaya, sleep over ako sa bahay niyo para magawa natin yung mga project natin," sabi ni Seol-hee nang nasa bus palang kami. "Sige lang, welcome ka naman din anytime," sagot ko lang at excited naman niyang hinigit ang braso ko. Medyo matagal-tagal na nga rin nung last na nagsleep over kami. Sabay na rin kaming naglakad papunta sa bahay nila para kumuha ng gamit saka kami nagpunta sa bahay. "Oh Seol-hee matagal-tagal ding hindi ka nakadalaw rito," sabi ni mama sa kanya. "Ah oo nga po, naging busy lang din sa school works," sagot naman ni Seol-hee at dumeretso na kami sa kwarto ko. "Ang nice pa rin ng kwarto mo," sabi niya at umupo sa gilid ng kama. Natawa nalang din ako dahil dun at tinabihan siya sa pag-upo. Ilang sandali pa ng pagtingin-tingin sa paligid ay nilabas na rin ni Seol-hee ang mga gagawin naming projects. Ginawa na nga namin ang ilan doon habang nagkwekwentuhan pa kami. "Baba na muna kayo rito para kumain," sigaw ni mama sa baba kaya inayos nalang din muna namin ang mga ginagawa namin saka nagtungo na sa baba. "Kain na muna kayo mga dalaga bago niyo ipagpatuloy ang assignment niyo," sabi naman ni papa sa 'min kaya naupo na kaming magkatabi sa hapag. "Kumusta ka naman na Seol-hee?" banggit ni mama. "Ahh ayos naman ako tita," sagot niya. "Maayos naman na kalagayan mo nung inuwi ka galing ospital?" tanong pa sa kanya ni papa. "Ah opo," sagot lang niya. "Si Jung-ki kumusta na?" tanong pa ni papa. "Ma, pa pakainin niyo nga muna si Seol-hee, andami niyong tinatanong sa kanya eh daig niyo pa ang reporter," sabi ko naman kaya napatawa nalang din sila at kumain nalang din. Pero nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay nagsalita muli si lolo na kaharap lang din namin habang kumakain. "Tanda ko pa ang maamo at inosenteng mukha ng lola niyo nung una kaming nagkita," muntik nalang mapaface palm na kaming lahat eh dahil may naalala nanaman siyang ikwento. "Lolo ilang beses mo na kaya 'yang nakwento, baka nga pati si Seol-hee sawa na sa kwento niyo ni lola eh," sabi ko naman at kita ko lang siya na nakatingin sa malayo. "Kahit sa alaala lang natin siya mabubuhay," sabi niya na pansin naming lahat ang pagkalungkot. Nang lumapit sa 'kin si Seol-hee para bumulong, "mahal talaga ng lolo mo ang lola mo 'no," sabi niya naman na nginitian ko ng mapait. "Oo, mahal nila ang isa't-isa," sabi ko naman na nalungkot din dahil sa alaala ni lola. Ako rin naman namimiss na rin si lola. Dami naming memories together eh, pero hindi namin maintindihan kung bakit isang araw bigla nalang siyang naglaho na parang bula. "Ahh halika na tay, baka antok ka na," sabi ni mama at inalalayan na si lolo patayo mula sa upuan niya. "Kayo na maghugas diyan ha," sabi pa ni mama at lumingon sa 'min para sabihin iyon at naglakad na rin sila ni lolo papunta sa kwarto niya. Tumayo na nga rin si papa at nagtungo na sa kwarto nila ni mama. Kaya nga naghugas na rin kaming dalawa ni Seol-hee ng pinagkainan namin bago kami umakyat ng kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD