Chapter 1: In love with you again

2116 Words
Kyung-so's POV Napabukas ako ng mata ko dahil sa sikat ng araw. "Bro, kailangan ba talaga nating pumasok each year?" Tinignan ko lang siya sa sinabi niya. "Kailangan niyang hanapin ang great love niya eh," bumangon naman ako mula sa aking pagkakahiga kanina. "Hindi pa rin siya maka-move on kay Yeon-min ilang daang taon na ang nakakalipas." "Palibhasa hindi pa kayo na-in love," sabi ko saka ko sila pinagbabato-bato ng mga throw pillow na kung ano lang ang abot ng kamay ko. "Alis na kayo, may pasok pa kayo 'di ba," saad ko pa nga sa kanila. Nagsitayo naman sila para makapasok na nga sa mga klase nila. Napatingin ako sa malayo, ilang taon ko na nga siyang hinahanap pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik siya. Nangako siya sa 'kin at alam kong tutuparin niya. Tumayo nga rin ako para pumunta sa klase, gaya ng ibang mga klase ko ay boring rin ito. Dinismiss na rin agad kami ng prof pagkatapos ng oras niya sa 'min. Nung naglalakad na ako palabas ng classroom ay napalingon pa ako sa likuran ko nang may humila sa laylayan ng damit ko. "'di ba sabi ko wala na tayo? Ba't ba hindi ka makaintindi ha?" Kita ko si Yuri na naluluha ang mata habang nakatingin sa 'kin. "M-mahal kita Kyung-so, huwag mo namang gawin sa 'kin 'to," pagmamakaawa niya ngunit hindi ko na iyon inintindi. Pinagtitinginan na nga rin kami ng maraming tao ngayon sa hallway. Oo, hindi na bago sa 'kin ang kumuha ng atensyon ng mga tao dahil sa daming babaeng nag-iiskandalo para lang hindi ko iwan at hindi ki hiwalayan. "Hindi na kita mahal kaya pwede ba, lubayan mo na ako!" sigaw ko naman sa kanya. "P-pero isang linggo lang tayo," reklamo pa niya. "One week rule girl," sabi naman ng mga nanood sa 'min. Sa mga nanonood sa amin, madami na rin akong naging girlfriend kaya alam na ng iba. Pero yung iba kahit alam na nila ay pumapayag pa ring maging girlfriend ko. I only dated girls for a week then after nun ay iiwan ko na sila. Until I found her, my heart only belongs to her, only hers. Nagmakaawa pa siya pero lumisan na ako sa lugar na yun at rinig ko pa ang pag-iyak niya habang naglalakad na ako palayo roon. Bumalik na rin ulit ako sa tambayan namin sa campus at habang wala pa ang dalawang ugok ay nagdesisyon akong icheck muna ang cellphone ko. Nang nakita kong madami na akong narereceive na messages rito. (Magpapakamatay na si Yuri hindi mo ba ililigtas?) (Kawawa naman siya mahal ka talaga niya.) (tatalon na siya ng building nakakatakot.) Napatayo ako sa upuan ko dahil dun. Damdamin lang ang sinasaktan ko pero ayokong may mapahamak na iba nang dahil sa 'kin. Tumakbo na ako papunta sa harap ng building kung nasaan siya. Habang nasa daan ako naalala ko nanaman ang nangyari kay Yeon-min dati. Namatay siya ng dahil sa 'kin at ayokong mangyari rin sa iba iyon. Napatingin ako sa taas ng building nang nakarating ako sa harapan mismo kung saan siya nakatayo, kung saan madami na ring taong nandoon ngayon nakaabang kung anong susunod na mangyayari. Nang nakita nila ako ay lumalayo silang lahat sa 'kin na para bang binibigyan nila ako ng daan saka tumitingin sila na para bang nanghuhusga. Pero nakatingala nalang din ako habang nandun pa rin siya sa railings ng rooftop at pansin ko sa mga mata niya na nasaktan talaga siya sa ginawa ko. Ano bang inaasahan mo Kyung-so hays. "Kyung-so," tumingin ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ito lang masasabi ko, you're a jerk," sabi niya saka niya tuluyang binitiwan ang pagkakahawak niya sa railings. Nagulat ang mga tao rito habang pinapanood nila itong nahuhulog sa building. Saka ko itinaas ko ang kamay ko at nagsnap ako ng aking daliri at ilang sandali pa ay nagfreeze ang time. Lumipad ako sa lumulutang na si Yuri at kinuha ko siya papunta sa baba. Hinawak-hawakan ko ang ulo niya paikot at nagsnap ulit ng daliri at bumalik na sa normal lahat. "N-nasan ako," banggit ni Yuri. Minagic ko na mawalan siya ng alaala mula sa pagiging magkasintahan namin at ang tungkol sa insidente na naganap kanina lang. "Anong nangyari?" sabi ng mga tao nang bumalik na ang oras. "Sino ka?" nagtatakang tanong niya nang napatingin sa 'kin. Napangiti lang ako sa kanya saka dumating naman ang dalawa kung nasaan kami. "Ayos ka lang?" tanong ni Dan-oh sa kanya. Naghesitate lang siyang tumango. At binuhat nalang siya ni Kai papunta sa clinic. "Bro bakit naman kasi nanloloko ka ng babae? Tignan mo, may malapit ng magpakamatay ng dahil sa 'yo," sabi sa 'kin ni Dan-oh nang nasa hide out na ulit kami. Hindi ko siya inimik. Nakatingin lang ako sa bintana. "You should stop this Kyung-so," sabi naman sa 'kin ni Kai pero hindi ko pa rin sila inimik at tinignan ko lang siya bago tumayo mula sa pagkakaupo ko at nagtungo sa pinto nang napatigil pa ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Dan-oh. "Kung sa tingin mo maibabalik mo si Yeon-min sa ginagawa mong 'yan, nagkakamali ka," sabi niya. "Hindi na siya babalik Kyung-so, kaya tumigil ka na," sabi muli ni Dan-oh pero nagpatuloy nalang muli ako sa paglalakad. Rinig ko pa na tinatawag niya ako para pigilan ako kung saan ako pupunta ngunit pinigilan din siya ni Kai. "Hayaan mo muna siya," rinig kong sabi ni Kai kay Dan-oh. Kaya nagpatuloy nalang din akong naglakad papunta sa library. Dito ko lang kasi nakukuha ang peace of mind ko. Gusto kong magbasa ng iba't-ibang libro. "Kung bibigyan man ako ng pagkakataong muling mabuhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko, paalam aking mahal," Napalaki ng literal ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Lumingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ang nanggalingan ng boses. Tumayo na rin ako at nakita ko siya sa kabilang aisle ng mga libro dito sa library, nakatayo siya habang may hinahawak na libro at para bang nagliliwanag ang mukha nito at nagslow mo ang paligid nang finally ay nakita ko na siya. "Psh ang tragic-" Nang ibabalik na sana niya ang libro kung saan niya kinuha ay hinabol kong kinuha mula sa kanyang kamay kaya parang hinawakan ko na rin ang kamay niya. Nahulog ang libro dahil sa pagkagulat niya. "p*****t!" sigaw niya na parang galit na galit talaga siya sa 'kin. Ano bang ginawa ko sa kanya ba't galit siya sa 'kin? Hindi ako nakaimik hanggang sa tinulak niya ako ng hindi naman sobrang lakas saka siya naglakad paalis. Hindi ko maintindihan anong nangyari, lahat nga ng babae sa campus may gusto sa 'kin eh ba't siya galit pa sa 'kin. Pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil after how many years ng paghahanap at paghihintay ko ay nakita ko na rin siya muli. nang narealize ko na paalis na siya ay nagmadali akong habulin siya. "Yeon-min sandali," sabi ko at nang nakita niya akong humahabol sa kanya ay mas dinalian pa niyang maglakad. "Bakit mo ba ako sinusundan!" tanong niya na natatakot na rin. "Stop!" sigaw ko pero hindi pa rin siya nagpatigil hanggang sa may babaeng sumalubong sa kanya. "Amaya ba't ka ba tumatakbo," sabi ng babae. Hindi siya nakasagot hanggang sa nakahabol na ako sa kanya. "Amaya? Amaya ang pangalan mo?" nagtataka kong tanong. Sinamaan lang niya ako ng tingin saka niya hinila ang kamay ng babae na kasama niya. Pero gulat siya nung tinanggal niya ang pagkakahawak ni Yeon-min at humarap sa 'kin. "Ah hi, ako nga pala si Seol-hee," sabi niya at nag-extend ng kamay pero bago ko pa matanggap ang kamay niya ay hinila na siya ni Yeon-min. "Ah nice to meet you," sabi ko nalang sa kanya. "Huwag kang lalapit sa kanya," sabi muli ni Yeon-min. "Ano bang nagawa kong mali ha?" nagtataka kong tanong. "Sa 'kin wala pero sa kanila meron," sabi niya saka tinangay ang kaibigan palayo sa 'kin. Napasapo nalang ako ng ulo dahil doon. At tumunog na nga ang school bell. Lahat ng nasa hallway kanina ay nagsipuntahan na rin sa kanilang classroom. Nagdecide na rin akong pumunta sa susunod kong klase. Buong subject ay siya nalang ang iniisip ko. Madaming possibility na nasa isip ko ngayon. Maaari kayang siya si Yeon-min? Pero Amaya ang pangalan niya. "Kyung-so!" "Huh, ano yun?" "Kanina pa kami salita ng salita rito hindi ka naman pala nakikinig," sabi ni Dan-oh. "Ano bang sinasabi niyo?" tanong ko. "Tinatanong namin kung saan tayo mamaya," sabi muli ni Dan-oh. "You're so occupied right now Kyung-so," sabi pa ni Kai habang naglalakad kami palabas ng gate. "Sa tingin ko nahanap ko na siya," sabi ko at napatingin sa dalawa. "Sino?" "Si Yeon-min," ilang segundo na nanahimik sila hanggang sa nagsitawa na silang dalawa. "Ilang beses mo ng sinabing nahanap mo na siya bro," sabi naman ni Dan-oh habang tumatawa pa rin. Totoo naman ang sinabi niya, sa paglipas ng mga taon ay marami na akong nakitang kamukha niya pero hindi sila si Yeon-min. "Pero alam kong siya na talaga si Yeon-min this time," pagdepensa ko. "Pano ka nakakasigurado Kyung-so?" tanong naman ni Kai. "Basta alam kong siya na si Yeon-min." "Bro iinom mo nalang 'yan," sabi pa ni Dan-oh. Hindi ko nalang sila pinansin basta alam ko ang nakita ko at bahala sila kung ayaw nila akong paniwalaan. Nagpunta na nga kami sa bar kung saan kami pumupunta. May sarili na rin kami ritong room na kami lang ang gagamit. Tumungga ako ng beer habang iniisip pa rin si Yeon-min. Ang dalawa naman ay kumanta nalang sa videokehan at hindi nila ako pinakealaman nang bigla akong tawagin ni Dan-oh. "Ikaw naman Kyung-so," sabi niya at binigay ang mic sa 'kin. Tumayo naman ako mula sa aking upuan. Nag-acapella ako sa kanta na kinompose ko para kay Yeon-min. Ang dalawa ay busy na sa pag-inom habang chinicheer ako. "Ooh wooh yeah falling deeper in your eyes For real love does comes to me I think I caught with your smile Never felt this way before Your laughter's inside my head I'm trapped in this thoughts full of you Come and see the real me Oh I'm bleeding inside girl You're the reason I stayed alive Without you babe, without you And again my heart beats for you How the world turns beautiful when I'm with you You're just like a star, twinkle above me And again I feel in my heart That you might be the one In love with you again," pagkanta ko ng first chorus. Bawat pagbigkas ko ng mga salita ay naalala ko mga alaala namin dati, bago pa siya nawala sa 'kin. "I know something was strange from the start It's something new between you and me That I don't want to let go No matter how this ends You're the reason I stayed alive Without you babe, without you And again my heart beats for you The world turns beautiful when I'm with you You're just like a star, twinkle above me And again I feel in my heart A thousand and hundred years I'm alive Nothing else will see, only you and me Your warmth touch, your sweet smile I just know that my heart beats for you Your smile turns beautiful when I'm with you You are my star twinkle beside me And now I still feel in my heart That you must be the one In love with you again." Hanggang sa natapos ko na nga ang kanta saka ako naupo sa tabi nila. "Iinom mo nalang 'yan bro," sabi ni Kai nang napansin siguro niya na nalungkot nanaman ang ekspresyon sa mukha ko. Hanggang sa nakailang bote ng beer na kami at nagpaalam muna ako para mag-cr. Tipsy na akong naglakad papunta sa cr at ginawa ko na nga ang dapat gawin dun bago ako lumabas pero hindi ko inaasahan na may mababangga akong babae sa daan papunta sa room namin. "Kyung-so?" 'di makapaniwalang tanong ng babae. "Sino ka ba?" lasing kong tanong. "Ako si Seol-hee yung nakasalubong mo sa school kanina," paliwanag niya. "Ahh oo," sabi ko naman at tumingin-tingin ako sa paligid baka sakaling kasama rin niya si Yeon-min pero hindi ko siya mahanap. "Si Amaya ba?" tanong niya. "Kasama mo?" tanong ko naman pabalik at may hope sa akin na baka sumama siya sa kaibigan pero nadismaya ako sa sunod niyang sinabi. "Hindi siya sumama, hindi kasi yun mahilig sa maiingay na lugar," sabi naman niya. Napasapo ako sa ulo ko dahil sumasakit na rin at pupunta na sana ako sa room namin nang may sinabi pa siya na ikinatigil ko sa paglalakad. "May gusto ka ba kay Amaya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD