Chapter 2: In her another life

2086 Words
Yeon-min's POV Naglalakad ako ngayon habang tanaw na tanaw ko na si Seol-hee sa kanilang bahay. Kumaway lang ako ng kamay sa kanya at ganun din siya sa 'kin hanggang sa tuluyan na nga akong nakarating sa pwesto niya. "Kinakabahan ako para sa first day natin bilang college student," banggit niya na parang kinakabahan nga. "Ako rin," sabi ko rin naman. Si Seol-hee ay kaibigan ko na mula pa grade school pa kami. Kaya malapit na malapit na talaga kami sa isa't-isa at walang kahit na ano ang makakapaghiwalay sa 'ming dalawa. Sabay na kaming nagpunta sa bus stop kasi medyo malayo rin ang university mula rito. "Siguro maraming hot guys din dun," kinikilig na sabi niya. Naku itong best friend ko talaga, hot guys lang hanap eh. "Sure naman yun," sabi ko nalang saka lang din dumating ang bus sa harapan namin. Sumakay na rin kami at naupo kami ng magkatabi. Nakahawak pa siya sa kamay ko na parang kinakabahan talaga. Napangiti nalang ako sa kanya dahil ganito na talaga siya. "Magiging okay rin ang lahat Seol-hee," sinigurado ko sa kanya at hinigpitan pa ang kapit sa kamay niya. Ngumiti nalang din siya sa 'kin at naging tahimik na kami buong byahe. Nang tumigil na ang bus ay bumaba na kami doon at ilang lakad lang papunta sa mismong gate ng university na papasukan namin. Pumunta na kami sa aming first class. Pareho kami ng kinuhang course para na rin hindi kami magkahiwalay. Pero napatingin ako sa banner na nadaanan namin. "SU representative," sabi ko ng malakas dahilan para mapatingin na rin si Seol-hee sa poster na tinutukoy ko. "Infairness ha, ang cute niya," banggit niya rito. Tama naman si Seol-hee, cute naman siya pero maingat kasi ako pagdating sa ganyang bagay. Hindi ko siya magugustuhan hanggat hindi ko makikilalang lubusan ang pagkatao niya. Nakita ko rin sa poster na nasa 3rd year na siya at major in engineering pa siya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang kami sa pagpunta sa klase namin. Pagkaupo namin sa una naming klase ay nakipagkaibigan na si Seol-hee sa iba naming mga kaklase habang ako naman ay nilabas na ang libro ko para magsimula ng magbasa. Hindi ako mahilig makipagkaibigan. Ilang minuto pa nga ay meron na ang prof namin. "Magsiayos na kayo ng upo," sabi niya kaya ganun din ang ginawa naming lahat. Lumipas na nga ang ilang oras ng pagtuturo ng prof namin sa first subject ay nagdesisyon kami ni Seol-hee na magbreak na rin muna at mamasyal sa buong campus dahil na rin sa first day palang ng klase at ilang oras pa rin naman bago ang next class namin. "Ang ganda pala talagang mag-aral dito 'no," tanong niya habang kumakain kami sa open field nitong university. Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. "Madami ring hot guys." Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Boys ba talaga ang pinunta mo rito Seol-hee," natatawa ko pa ring tanong. "Sympre mag-aral din, sideline lang yung pagboboy hunting ko," sagot naman niya na ikinailing ng ulo ko. Ibang klase talaga ang bestfriend ko eh. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko saka tumawa ulit sa kanya. Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain hanggang sa nagsalita muli si Seol-hee. "Ah pano kung punta tayo sa 3rd year department?" excited na sabi niya. Napansin siguro niya ang pagkacurious ko kaya nagsalita ulit siya. "Para tignan natin si Kyung-so ba yun? Yung nakita natin na nakaposter kanina," sabi pa niya. "Baka hindi rin natin siya makikita kasi sobrang busy ng mga 3rd year sa studies nila," saad ko pero kahit hindi na ako pumayag ay hinila niya pa rin ang kamay ko patayo. "Seol-hee ano ba, hindi ko pa nga ubos kinakain ko eh," sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan. "Dali na," sabi ni Seol-hee habang hinihila pa rin ang kamay ko. "Oo na, huwag mo lang hilahin kamay ko," sabi ko kaya binitawan na rin niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad papunta sa 3rd year department. Gumala pa kami sa 3rd year department hanggang sa may nakita na kaming mga nagkukumpulan na para bang may nagkakagulo. "M-mahal kita Kyung-so, huwag mo namang gawin sa 'kin 'to," rinig kong pagmamakaawa ng babae. "Hindi na kita mahal kaya pwede ba, lubayan mo na ako," sabi naman ng lalaki. Wait, parang nakita ko na siya sa kung saan. Pati kami na rin ni Seol-hee ay nakikigulo sa eksenang bumungad sa amin. "Si Kyung-so," sabi pa niya na gulat kasi hindi siguro niya inaasahan na ganito kachickboy ang hinahanap niya kanina pa. "P-pero isang linggo lang tayo," sabi pa ng babae. "One week rule girl," sabi naman ng mga nanood. Siguro nga kilala na nila si Kyung-so pero first year palang kami eh, 'di pa namin kilala kung sino ang mga nasa university na 'to. Nagmakaawa pa ang babae sa kanya pero para bang wala na talaga siyang awa at pinagtabuyan nalang niya ng ganun-ganun ang babae. "Halika na," sabi ko at ako naman ang humila sa kamay ni Seol-hee palayo sa lugar na iyon. Nang lumagpas pa sa 'min ang babae habang tumatakbo at umiiyak. Hindi ko alam ang gagawin niya pero masama ang kutob ko kaya binitiwan ko ang kamay ni Seol-hee at tumakbo pasunod sa babae. Tumakbo pa kami ng ilang hagdan hanggang sa pati ako ay hingal na hingal na rin kakasunod sa kanya. "Wait ate, tigil ka kung ano man balak mo," hingal na hingal kong sabi habang pasunod pa rin sa kanya sa hagdanan paakyat sa rooftop. "Ba't mo ba ako sinusundan!" umiiyak niyang sabi habang paakyat pa rin ng hagdan at ilang saglit pa nga ay nakarating na kami sa rooftop. Habang hinahabol ko pa ang hininga ko ay paunti-unti siyang naglalakad papunta sa railings ng rooftop nitong school. "Ate, huwag mong ituloy 'yan," pagtitigil ko sa kanya kung ano mang binabalak niyang gawin. Lumingon naman siya sa 'kin at pansin ko na puno ng sakit ang nararamdaman niya mula sa kanyang mga mata. "Wala ng sense para mabuhay pa," sabi niya na patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya pababa sa kanyang pisngi. "Hindi lang naman lalaki ang dahilan para mabuhay tayo sa mundo ate eh, madaming nagmamahal sa 'yo saka 2 years nalang ate makakagraduate ka na," sabi ko at napatingin siya sa 'kin. "Huwag mong gawin 'to," sabi ko pa. "H-hindi mo kasi naiintindihan, Matagal na akong may crush kay Kyung-so at ang maging girlfriend niya lang ang tanging hiling ko at nung finally nangyari na nga iyon para akong nasa ulap, sa wakas natupad na rin ang tanging hiling ko," tumigil siya sa pagsasalita para tignan ang mga nasa baba na gulat na gulat na rin dahil sa binabalak niyang gawin. "Akala ko mababago ko siya sa pagiging chickboy niya pero hindi pala, walang babae ang makapagpabago sa kanya," pahayag niya at nagstep pa pataas sa railings ng rooftop. "Ate please baba ka na riyan," sabi ko na naiiyak na rin. Dahil mapapahamak siya sa ginagawa niya eh. Pero hindi niya ako sinagot at lumingon nalang muli sa baba hanggang sa nagsalita na rin siya muli. "Kyung-so. Ito lang masasabi ko, you're a jerk," sabi niya saka niya tuluyang binitiwan ang pagkakahawak niya sa railings. Napalaki ang mata ko at napatakip pa ng bibig ko gamit ang aking kamay dahil na rin sa gulat ko sa nangyari. Dali akong tumakbo papunta sa edge ng rooftop para tignan si ate na tumalon lang sa rooftop pero mas gulat pa ako dahil sa nakita ko, pagkarating ko doon ay kita kong nagfreeze ang paligid, pati na rin ang babae ay naiwan siya sa ere. Sunod ko namang nakita na lumipad si Kyung-so para kuhanin ang babae sa ere at ibinaba niya ito kasabay na rin ng pagbalik ng oras. "Amaya kanina pa kita hinahanap," sabi ni Seol-hee nang magkasalubong kami sa pinakadulo ng hagdanan papuntang rooftop. Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa kawalan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko. "Amaya, Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong at dahil dun ay napatingin na rin ako sa kanya. "Ahh o-oo naman," sagot ko. "Halika na, malelate na tayo sa second subject natin." "Ahh mauna ka nalang muna Seol-hee, may kukunin lang akong libro sa library." "Ahh sige basta bilisan mo lang okay?" tanong niya na ikinatango ko na lang. Nagmadali na nga akong pumunta sa library. Mahilig din kasi akong mag-advance reading kaya lagi din akong nakatambay sa library minsan. Nang nakuha ko na ang gusto kong kuning libro ay aalis na sana ako dun nang may libro na pumukaw ng pansin ko. "In her another life," pagbabasa ko ng title. Siguro interesting naman ito. Pero kapag ako nagtry magbasa ng stories ayoko ng tragic kaya inuuna kong basahin sa dulo. Kaya dahil nga dun ay nilipat ko ang page sa pinakadulo. "Kung bibigyan man ako ng pagkakataong muling mabuhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko, paalam aking mahal," pagbabasa ko ng malakas sa pinakahuling line. "Psh ang tragic-" sabi ko at nang ibabalik ko na sana ang libro kung saan ko ito kinuha ay hindi ko alam kung saan nanggaling ang kamay at kinuha niya ang libro mula sa aking kamay kaya parang hinawakan na rin niya ang kamay ko. Nahulog ang libro dahil sa pagkagulat ko. "p*****t!" sigaw ko nang malaman kong si Kyung-so iyon. Tinulak ko siya at naglakad nalang palayo pero nang medyo nakalayo na ako ay ramdam kong sinusundan niya pa rin ako. "Yeon-min sandali," sabi niya kaya napalingon pa ako sa likod ko at mas dinalian pa ang paglalakad. "Bakit mo ba ako sinusundan!" tanong ko na natatakot na rin. "Stop!" sigaw niya pero hindi nagpapigil hanggang sa sumalubong sa 'kin si Seol-hee. "Amaya ba't natagalan ka," sabi niya. Hindi ako nakasagot hanggang sa nakaabot na si Kyung-so sa 'min. "Amaya? Amaya ang pangalan mo?" nagtataka niyang tanong. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ko hinila ang kamay ni Seol-hee. Pero gulat ako nung tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at humarap kay Kyung-so. "Ah hi, ako nga pala si Seol-hee," sabi niya at nag-extend ng kamay pero bago niya pa matanggap ang kamay ni Seol-hee ay hinila ko na siya palayo. "Ah nice to meet you," sabi niya nalang sa kanya. Psh, kunwari mabait pero nagpapaiyak ng babae. "Huwag kang lalapit sa kanya," sabi ko muli kay Seol-hee. "Ano bang nagawa kong mali ha?" nagtataka niyang tanong. "Sa 'kin wala pero sa kanila meron," sabi ko saka tuluyang tinangay si Seol-hee palayo sa kanya. "Ano bang ginagawa mo, pagkakataon ko na yun eh," reklamo niya nang tuluyan na nga kaming nakalayo sa kanya. "Seol-hee, alam mo namang nagpapaiyak siya ng babae at ayoko lang na ikaw ang susunod niyang biktima at masaktan ka lang sa huli," payo ko. "Pero kasi Amaya, gusto ko siya," tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Gusto mo siya dahil sa looks niya. Huwag na Seol-hee masasaktan ka lang," payo ko pa muli sa kanya. "P-pero Amaya-" "Magpromise ka sa 'kin hinding-hindi ka papayag na maging girlfriend ni Kyung-so kapag tanungin ka niya," pansin ko ang disappointment sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "Dali na, pinky swear," iniharap ko sa kanya ang pinky finger ko, ayaw man niya ay napilitan na rin siyang magpinky swear sa 'kin. Napangiti na rin ako dahil dun at dinalian na namin ang pagpunta sa second subject namin ngayong umaga. Syempre late kami, hindi rin naman kami pinunish ni prof dahil first day palang ng klase. Nang natapos na ang klase namin ngayong araw ay nagdesisyon na rin kaming umuwi. Habang nasa daan kami hindi ko maiwasang isipin kung bakit alam ni Kyung-so ang totoo kong pangalan at kung bakit parang matagal na niya akong kilala. "Earth to Amaya," napatingin ako kay Seol-hee dahil sa sinabi niya. "Huh?" nagtataka ko lang na tanong. "May sinasabi kaya ako hindi mo pinapakinggan," sabi niya at ngumuso. "Malalim yata iniisip mo," sabi pa niya. "Ahh wala 'to, ano ba yun?" "Tinatanong ko kung sama ka ba sa bar mamaya," sabi niya. "Anong gagawin mo dun?" nagtataka ko lang namang tanong. "Kasi syempre first day, madami na rin tayong gagawin sa mga susunod na araw," sagot niya. Mahilig din kasi si Seol-hee na pumunta sa mga bar pero usually hindi ako sumasama pag pumupunta siya. "Sige pakasaya ka," sabi ko nang tumigil na ang bus saka na kami bumaba pareho. Nakauwi ako sa bahay na malalim pa rin ang iniisip kaya nahiga nalang ako sa kama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD