Seol-hee's POV
"May gusto ka ba kay Amaya?" tanong ko. Nilingon naman niya ako pero hindi niya ako masagot-sagot.
Nang hinawakan ko ang kamay niya. "Pwede bang ako nalang ang gustuhin mo," sabi ko na parang nagmamakaawa.
Pansin ko ang pagkacurious niya pero hindi na yata bago sa kanya ang mga babae na magmakaawa ng ganito. Pansin ko rin na nakarami na siya ng inom kaya medyo lasing na.
"Hindi ka rin naman niya gusto eh, pinagtatabuyan ka niya palayo kaya please ako nalang Kyung-so," sabi ko pa.
Pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Susundan ko sana nang merong lalaking umalalay sa kanya.
"Kyung-so, ba't natagalan ka mag-cr?" tanong niya.
Napatingin naman ako sa mukha niya, infairness cute din siya. Tumingin din muna ang lalaki sa 'kin na parang ineexamine ako saka siya nagsalita.
"Stay away from him, kung ayaw mong masaktan," sabi niya at nagpatuloy na sana sila sa paglalakad nang nagsalita pa ako na ikinatigil muli nila.
"Pagbabanta ba 'yan?" tanong ko.
Lumingon siya sa 'kin.
"He will break your heart, I'm telling you."
"Okay lang na masaktan basta naging akin siya."
Hinayaan niya nalang si Kyung-so kahit medyo tipsy pa siya at mas lumapit pa sa 'kin.
"Ganyan na ba talaga kayo kadesperadang mga babae?" tanong niya.
"M-maybe," hesitate na sagot ko lang.
"I'm telling you, ngayon palang lumayo ka na sa kanya," sabi niya at nagpatuloy na muling maglakad. Inalalayan na rin niya si Kyung-so at hindi na rin ako sumagot pa.
Sino ba siya para sabihan ako kung anong dapat at hindi ko dapat gawin?! Arghhh! Sinamaan ko ng tingin ang direksyon nila kahit na hindi niya na nakita.
Pero naalala ko bigla yung promise ko kay Amaya, nakalimutan ko yun ah. Hays nagpadala nanaman ako sa emosyon ko. Pero yung friend ni Kyung-so talaga grr he's getting in my nerves. Sinira niya ang gabi ko kaya nagdesisyon nalang akong umuwi. Hindi pa nila alam na umalis ako ng bahay ng gabi kaya dahan-dahan din akong pumasok sa bahay mula sa bintana ng kwarto ko. Pero habang paakyat palang ako ay narinig ko ang kapatid kong lalaki dahilan ng pagkagulat ko.
"Ate Seol-hee ikaw ba 'yan?" tanong niya na inaantok pa.
Patay ako kina mama kapag nasumbong siya. Tuluyan na nga akong nakaakyat sa kwarto ko at hinarap siya.
"Ahh Jung-ki-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako. "Bakit anong nangyari?" nagtataka kong tanong. Pero naging concern pa ako lalo nang bigla nalang siya umiyak. "Bakit?" nag-aalala kong tanong saka ako kumalas sa yakap niya at naupo para magkapantay kami.
Pasinghot-singhot pa siya habang bitbit-bitbit ang teddy bear niya.
"May nightmare ako ate," sagot niya.
"Anong nightmare mo?" tanong ko muli.
"Tinangay ka raw ng gumiho," sabi niya na ikinagulat ko dahil sa murang edad palang niya ay alam na niya kung ano ang gumiho.
"Saan mo nalaman ang gumiho?" tanong ko naman sa kanya.
"Dahil dito," sabi niya at binigay sa 'kin ang libro na hawak niya, at dun ko lang din napansin na may hawak pala siyang libro.
Kinuha ko naman ang libro at tinignan ito. Bookcover palang ay nakakatakot na.
"Bakit mo kasi binasa?" tanong ko sa kanya.
"Kasi sabi ng mga classmates ko na duwag daw ako," pinat-pat ko ang ulo niya at ngumiti sa kanya.
"Walang gumiho okay? Hindi sila nag-eexist dito sa mundo," pahayag ko.
"Eh bakit sabi sa libro meron daw," sabi naman niya.
"Hays, huwag mong paniwalaan ang mga nababasa mo sa libro, hindi lahat totoo," sabi ko pa. "Huwag mo akong isumbong na late ng umuwi kay mama ha?" ani ko saka nagform ng daliri ko na 'huwag maingay' sign.
Tumango naman siya. Pero pansin ko pa rin ang takot niya.
"Ate, pwede ba akong matulog sa kwarto mo ngayong gabi," natatakot niyang tanong.
"Big boy ka na, bakit ka pa makikitulog sa 'kin," tanong ko naman.
"Ngayon lang ate," sabi niya kaya pumayag na rin ako at pansin ko na sobrang natatakot na rin siya.
Pinahiga ko na siya sa kama ko at nakatulog naman ito agad, habang ako ay naligo na muna kasi nakailang baso rin ako ng alak sa bar. Pagkatapos ko ngang maligo at magpalit ng damit ay nahiga na rin ako sa tabi ni Jung-ki.
Ngumiti ako habang pinapanood siyang matulog at nang papikit na ang mata ko ay may kung ano pang nahagip mula sa bintana ng kwarto ko. Tinignan ko naman sa may bintana ko pero mabilis itong kumilos at nakaalis agad. Para bang may madami itong buntot na puti. Hanggang sa binuksan ko na muna ang lamp sa side table ko at tinignan ang libro ni Jung-ki na sinabi niyang gumiho. Nakita kong madami rin itong buntot at para bang fox ang itsura. Maari kayang totoo ang mga sinasabi nilang gumiho?
"A-Amaya," tumigil sa paglalakad si Amaya habang papunta na kami sa eskwelahan kinaumagahan nang tawagin ko siya.
"Oh?" tanong naman niya.
"Naniniwala ka ba sa mga gumiho?" tanong ko naman.
Natigilan siya para mag-isip.
"Siguro meron namang nag-eexist sa mundo natin na mga gumiho, hindi lang natin alam," sagot niya.
Napaisip din naman ako sa sinagot niya.
"Bakit mo nga pala 'yan natanong?" tanong pa niya.
"Ahh wala, may nabasa lang ako," pagsisinungaling ko.
"Bilisan natin, maiiwan na tayo ng bus," sabi niya at hinila ang kamay ko.
Nakatingin lang ako sa kamay namin na magkahawak ni Amaya habang tumatakbo kami. Ang tibay nga ng bond namin pero naisip kong sirain iyon para lang maging girlfriend ni Kyung-so. Si Amaya yung hindi masyado iniisip ang lovelife kaya nga hanggang ngayon wala pa rin siyang naging boyfriend.
Hingal na hingal na kami nang tuluyan na nga kaming nakasakay sa bus papuntang school.
"Buti nakaabot tayo," sabi niya at inaayos na ang kanyang buhok na nagulo kaninang hinabol namin ang bus.
Nang napatigil ako dahil inayos niya ang buhok ko na baka nagulo din kanina saka siya ngumiti sa 'kin at binigyan ng salamin.
"Ayusin mo rin buhok mo, nagulo kanina," sabi niya kaya kinuha ko na rin ang salamin na inaabot niya. Inayos ko na rin ang buhok ko at binalik ang salamin sa kanya.
"Kumusta na pala si Jung-ki? Matagal ko na siyang hindi nakikita ah," sabi niya.
"Ahh okay naman siya, makulit pa rin," sagot ko na tinanguan niya naman. "Pero nakakapagsumbong siya sa 'kin na binubully siya sa klase nila," sabi ko pa.
"Ha? Kawawa naman ang bata, kailangan niyong aksyonan 'yan. Hindi magandang experience ang mabully," nag-aalala na sabi niya.
"Okay lang, nakapagreport na rin naman si mama sa principal," sagot ko.
Ilang minuto na nga ay tumigil na ang bus nang nakarating na kami sa school. Naglakad pa kami papunta sa gate hanggang sa narating na nga namin ang aming first class for today. Pero hindi dumating ang prof namin at pinakopya lang kami ng lectures namin buong period namin sa kanya.
Ang nerd guy ang nangopya sa blackboard para kopyahin namin sa mga notes namin.
"Ang sakit na ng kamay ko," reklamo ko nang nasa cafeteria na ulit kami para magmeryenda.
"Ako rin," sabi naman ni Amaya sa 'kin.
Nag-order nalang kami ng makakain namin at nagdecide muli na tumambay sa open field ng school, kung saan may mga nagprapractice din na nagsosoccer doon.
"Alam mo ang cute nung number 7," sabi ko sabay turo sa nakavarsity tshirt na may number 7 sa likod nito.
"Pano mo naman nalaman eh nakatalikod siya sa 'tin," tanong ni Amaya.
"Eh basta," sagot ko lang, wala na akong maisagot eh.
"Hays Seol-hee talaga."
Nang napalingon siya sa direksyon namin.
"Hindi ba siya yung laging kasama ni Kyung-so," sabi ni Amaya at nung nagkaeye to eye contact kami ay nagsmirk lang siya sa 'kin.
"Psh," nagsama lang din naman ako ng tingin sa kanya.
"Wait magkakilala kayo?" tanong ni Amaya nang napansin niya ang tinginan namin.
"Hays never mind," sabi ko lang. "By the way Amaya magcr lang ako ha, balik din ako-"
"Samahan na kita-" tatayo na sana si Amaya mula sa kanyang upuan nang pinigilan ko.
"Huwag na saglit lang din naman ako eh," sabi ko sa kanya, saka kumakain palang siya kaya 'di ko na rin siya pinasama.
"Sige," sabi niya kaya nagpunta na rin agad ako sa cr.
Ginawa ko na ang thing ko dun and nagretouch na rin ako ng make up ko. At pagkatapos nun ay lumabas na ako ng cr para sana babalik kung saan ko iniwan si Amaya nang sa daan ko pabalik ay may humarang sa 'kin
Pagtingin ko sa mukha niya ay yung lalaking kasama nanaman ni Kyung-so. Mataman siyang tumingin sa 'kin at nakahalukipkip lang sa harapan ko.
"Wait are you following me?" sabi niya na nakasmirk pa rin sa 'kin.
"Anong following-following ka diyan, kita mong nagkasalubong tayo tapos sasabihin mong finofollow kita, ha ano ka si Kyung-so. Never ever," sabi ko at naghalukipkip na rin.
"Ahh kaya pala tinawag mo kanina akong cute," napalaki ng literal ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ang layo namin sa kanila kanina pero pano niya ako narinig?!
"Narinig mo ako?" nagtataka kong tanong. "Asa ka, hindi ikaw ang sinasabi ko kanina, psh," pagdahilan ko nalang at naglakad na muli palagpas sa kanya nang natisod ako sa paa niya.
Kita ko siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hoy," sabi ko na masama ang tingin sa kanya.
"What," sabi niya na nagpipigil pa rin ng tawa.
"Psh," sabi ko nalang at tumayo na mula sa pagkakatisod ko at tinalikuran na siya para ipagpatuloy na ang paglalakad sa open field kung nasaan si Amaya.
"Hays!"
"Mukhang inis ka yata?" tanong ni Amaya nang tuluyan na ulit akong nakaupo sa tabi niya.
"Yung kasa-kasama lang ni Kyung-so," sagot ko.
"Bakit?" tanong muli niya.
"Tinisod lang naman ako."
"Ano?! Hindi ka dapat niya ginaganyan," sabi naman niya at tatayo na sana nang pigilan ko.
"Huwag na Amaya, hayaan nalang natin. I'm sure naman na hindi na kami magkakasalubong ulit," sabi ko.
"Sabi mo 'yan ha, pero pano kung ibully ka niya ulit-"
"Hindi na, hindi ko na papayagang maulit pa uli," pag-aasure ko sa kanya.
Ang thoughtful talaga ni Amaya, kaya naging bestfriend ko siya eh.
"Sige pero magsabi ka lang kung binubully ka ulit," sabi niya.
"Oo naman," sagot ko.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na rin kami mula sa aming upuan at dahil ilang oras pa rin naman ang susunod naming subject ay nagpaalam si Amaya na pupunta na muna ng library at dahil nga hindi ko hilig magbasa at boring para sa 'kin ang pagpunta sa library kaya nagpaalam na rin muna ako na maglibot-libot sa campus. Ayos lang din naman sa 'kin kapag wala akong kasama na maglibot sa paligid.
Nakasalpak lang sa tenga ko ang earphones ko habang nakikinig ako ng music mula sa phone ko at habang naglilibot-libot pa rin ako sa paligid.
Hanggang sa natigil ako para magtambay sa rooftop. Nilabas ko ang sketchpad at lapis ko mula sa bag ko at nagsimulang magsketch sa nakikita ko sa paligid mula sa itaas. Artist din kasi ako kung hindi niyo natatanong.
Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang may humila sa isang earphone ko mula sa tenga ko. Gulat na tinignan ko siya.
"Ikaw nanaman!" Tatayo na sana ako at aalis doon nang hinila niya ang kamay ko paupo muli sa upuan.
Nakatingin lang ako sa kanya nang nilalagyan niya ng band aid ang tuhod ko na nasugat pala sa pagkakatisod ko kanina, hindi ko man lang namalayan.
"Artist ka rin pala," sabi niya nung napansin niya ang drawing ko.
Agad ko rin naman iyon tinago sa bag ko.
"Artist ka rin?" nagtataka kong tanong.
"Animator ako," sagot niya habang nakatingin sa malayo.
Ngayon ko lang napansin na may pagkasweet din pala siya. Hanggang sa ilang minutong katahimikan ang bumalot sa 'min. Nang napansin ko ang ID niya. Kai pala ang pangalan niya. Lee Kai.
"I'm Seol-hee nga pala," sabi ko at nag-extend ng kamay.
"I know," sabi niya at tumayo na sa kanyang upuan, ni hindi man lang tinanggap ang kamay ko.
"Alam mo?" tanong ko at napatayo na rin saka pansin ko na nag-iba nanaman ang ugali niya. parang 10 minutes ago lang sweet siya tapos ngayon rude nanaman.
"Yeah stupid girl," sabi niya at tuluyan na nga siyang naglakad pababa ng rooftop.
Hindi ko siya maintindihan, bakit ganun. Gusto ko rin naman makipagkaibigan sa kanya eh dahil na rin sa friendly ako.