Kai's POV
Napatingin ako sa relo ko nang ilang oras na ang nakalipas at hindi pa bumabalik si Kyung-so mula sa cr.
"Bakit ang tagal naman siguro mag-cr ni Kyung-so," sabi ko kay Dan-oh.
"Tignan mo baka ano na nangyari sa kanya," sabi naman niya kaya lumabas na rin ako mula sa room dito sa bar at sinubukang hanapin si Kyung-so.
Nakailang ikot na ako hanggang sa tuluyan ko na nga siyang naaninag. Kaya lumapit na ako nang kita kong may kausap yata siya.
"Kyung-so, ba't natagalan ka mag-cr?" tanong ko.
Nang napatingin siya sa 'kin na parang may something kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Actually she's not that bad pero natuturn off kasi ako sa babaeng naghahabol at mukhang desperada.
"Stay away from him, kung ayaw mong masaktan," sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad nang nagsalita pa siya na ikinatigil ko muli, habang nakaalalay ako kay Kyung-so.
"Pagbabanta ba 'yan?" tanong naman niya kaya napalingon na muli ako.
"He will break your heart, I'm telling you," sabi ko.
"Okay lang na masaktan basta naging akin siya," sagot naman niya.
Hinayaan ko na muna si Kyung-so kahit medyo tipsy pa siya at mas lumapit pa sa kanya.
"Ganyan na ba talaga kayo kadesperadang mga babae?" tanong ko.
"M-maybe," sagot niya lang.
"I'm telling you, ngayon palang lumayo ka na sa kanya," sabi ko at nagpatuloy na muling maglakad. Inalalayan ko na rin si Kyung-so at hindi na sumagot ang babae.
Nakabalik na nga kami sa room namin.
"Saan ba 'to nagpunta?" nagtatakang tanong ni Dan-oh.
"May kausap na babae kanina," sagot ko.
"Hindi naman na nakakagulat para kay Kyung-so yun," sabi lang niya ng patawa.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ako mapakali.
"Maya lang may pupuntahan lang ako," pagrason ko nalang at hindi ko na sila hinintay na sumagot bago makalabas ng room.
And I found myself following the girl from earlier. Hindi ko maintindihan bakit ko ginagawa 'to pero para bang may sariling isip ang katawan ko. Sinusundan ko lang siya, syempre sneaky naman ang mga gumiho kaya hindi rin niya ako napapansin. Ngunit napansin ko na may nakasunod sa kanya. At walang pagdadalawang isip na tinangay ko siya sa kanto.
"Bakit mo sinusundan ang babae ha? Anong kailagan mo sa kanya," tanong ko.
Pansin ko naman ang takot niya habang naka-pin siya sa wall.
"W-wala," sagot niya na pansin kong takot na takot na.
Baka naging red nanaman ang mata ko. Ganun talaga kaming mga gumiho kapag nagagalit, nagiging red ang mata.
"Sigurado ka, for I know may binabalak kang masama," sabi ko naman.
"W-wala t-talaga," sagot niya na takot na takot pa rin.
"Siguraduhin mo lang," sabi ko nalang at pinakawalan na siya.
Tumakbo na rin naman na siya sa layo ng kanyang makakaya. Nadapa-dapa pa siya habang tumatakbo palayo. Pinagpatuloy ko na rin ang pagsunod sa babae hanggang sa umabot ako sa bahay nila.
Rinig ko ang buong conversatn nila ng kapatid niya. Pero panong hindi siya naniniwala sa gumiho, totoo kaya kami. Pinanood ko siyang patulugin ang nakababata niyang kapatid pero kinabahan ako ng konti nang tumingin siya sa bintana niya kaya mabilis na akong umalis dun. Sweet naman siyang kapatid kahit na pasaway siyang anak dahil hindi siya nagpaalam na lalabas.
Nakauwi na rin ako sa bahay naming tatlo nila Kyung-so at Dan-oh pero wala pa sila kaya nauna nalang din akong natulog, meron naman kaming kanya-kanyang duplicate ng susi dito sa bahay. Nagtext na rin naman ako sa kanila na nasa bahay na ako.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa sikat ng araw. Nagmulat na ako ng mata saka ako nag-inat-inat. At napasapo ako ng ulo dahil sa sobrang sakit nanaman ng ulo ko. Ano pa nga bang inaasahan ko. Ilang years na rin akong umiinom ng alak.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko ang dalawa na natulog na sa sofa.
"Uy bangon, may klase pa tayo ngayon," Niyugyog ko sila para gisingin.
"Marami pa ba kayong nainom nung umalis ako?" tanong ko.
"Hindi naman," sagot lang ni Dan-oh nung naalipungatan na siya.
Si Kyung-so ay hindi pa rin magising-gising kaya niyugyog ko pa siya.
"Ano ba," sabi niya na hindi pa rin nagmumulat ng mata na para bang ayaw pa niyang bumangon.
"Kyung-so bangon na diyan, malelate na tayo," sabi ko at nagtungo na ako sa kusina para magluto ng umagahan namin.
Nagluto din ako ng paghang over na soup para sa aming tatlo.
"San ka nga pala nagpunta nung umalis ka kagabi Kai?" tanong ni Dan-oh.
"Ah 'di ba sabi ko sa inyo na uuwi na ako," pagdahilan ko naman.
"Pero hindi naman ikaw yung uuwi nang hindi mo hinihintay ang mga kasama mo," masuspetsang sabi ni Dan-oh.
"M-may dinaanan lang ako," pagsisinungaling ko pa.
Half truth and half lie. Nagkibit-balikat nalang si Dan-oh at nagpatuloy na sa pagkain. Si Kyung-so ay tahimik naman na kumakain. At nang nakapagprepare na nga kami para sa pagpasok namin ay sumakay na kaming tatlo sa kotse.
Si Kyung-so talaga yung nagdri-drive pero wala yata siya sa wisyo ngayon kasi kanina pa siya tahimik eh. Nagpatuloy na nga ako sa pagdridrive hanggang sa nakarating na kami sa campus. Pinark ko na rin agad ang kotse at bumaba na kami mula rito.
"May nangyari ba kahapon Kyung-so, kanina ka pa tahimik diyan," sabi ni Dan-oh pero hindi siya nito sinagot kasi malalim pa rin ang iniisip. "Kyung-so!" sigaw na niya dahilan para mabalik si Kyung-so sa wisyo.
"Huh bakit," tanong naman niya.
"Kanina ka pa namin tinatawag," sagot naman ni Dan-oh.
"Ahh," sagot lang niya na parang wala pa rin sa sarili kaya hinayaan nalang namin.
Pumunta na rin kami sa kanya-kanya naming klase. At gaya ng mga ibang klase ay sobrang boring ng chemistry. Kaya nakatingin lang ako sa kawalan hanggang sa may tumabi sa 'king babae.
"What do you think your doing," tanong ko.
"Sabi ni prof na maghanap daw ng partner para sa project natin," sagot niya.
"I can do it on my own, just leave me alone," sabi ko pero hindi pa rin siya nagpatinag at nanatili sa tabi ko.
"Wala ng ibang walang partner eh, ikaw nalang," sagot muli niya.
Pero nagulat siya nang tumayo ako.
"Tsk, eh 'di maghanap ka ng paraan," sagot ko at nagtungo na sa pintuan nang hindi pa natatapos ang prof namin sa pagdiscuss sa magiging project namin.
"Mr. Lee," pagtawag pa sa 'kin ng prof pero isang snap ko lang ng daliri ko ay naglelesson na muli siya na parang walang nangyari.
Nagpunta na muna ako sa hide out namin. At habang wala akong ginagawa dun ay nagdesisyon ako na magsketch nalang din muna. Nilabas ko na rin ang sketch pad ko at nagsimula ng magsketch. Pinagpapatuloy ko lang ang ginagawa kong webtoon. Nang iniscan ko muli ang ibang page ng ginagawa ko. A gumiho who fell in love with a girl and made him human. Psh, it's so hard trying to become a human kaya nga sumuko na kami kay Dan-oh pero si Kyung-so ay sumusubok pa rin.
Nawala rin agad ang inisip ko dahil tumunog ang phone ko, sinyales na may message akong natanggap. Binuksan ko naman ito agad at yung team captain ng soccer team. Tinatawag na nila ako para sa practice. Kaya nagpalit na rin ako ng varcity tshirt ko.
Nagpunta na rin ako kung saan sila nagprapractice. Ako usually ang nakakascore sa team namin pero mas pinili nila yung 4th year na maging team captain, hinayaan ko na rin naman. Ilang years na kami ritong nag-aaral. Every graduate kami magtatake nanaman kami ng new course kasi naniniwala si Kyung-so na dito niya mismo mahahanap si Yeon-min if ever na babalik man siya.
"Alam mo ang cute nung number 7," may narinig akong nagsabi, pero parang familiar kaya nung naipasa ko na sa ibang teammate ko ang bola ay tumingin ako sa direksyong iyon at nakita ko nanaman ang babae sa bar.
"Hindi ba siya yung laging kasama ni Kyung-so," Napatingin na rin ako sa kasama niya, tama nga si Kyung-so. Kamukhang-kamukha niya si Yeon-min.
"Psh," nang napansin kong nagsama siya ng tingin sa 'kin.
At nagpaalam na siyang nagpunta sa cr. Nag-excuse na rin muna ako sa kanila at sympre sinadya ko na sundan yung babae. At nang palabas na siya ng cr ay dun lang ako humarang sa daan ko.
"Wait are you following me?" tanong ko na nakasmirk pa sa kanya.
"Anong following-following ka diyan, kita mong nagkasalubong tayo tapos sasabihin mong finofollow kita, ha ano ka si Kyung-so. Never ever," sabi niya at naghalukipkip na rin.
Aba, matapang siya ha.
"Ahh kaya pala tinawag mo kanina akong cute," napalaki ng literal ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Narinig mo ako?" nagtataka niyang tanong. "Asa ka, hindi ikaw ang sinasabi ko kanina, psh," pagdahilan niya pero alam ko namang ako ang tinutukoy niya kanina. At nagpatuloy na muli siyang naglakad palagpas sa kanya nang tinisod ko pa siya.
You might think that I'm a bad person now, or gumiho but I like seeing her teased. I laughed because of it kaya sinamaan niya ulit ako ng tingin.
"Hoy," sabi niya na masama ang tingin sa akin.
"What," sabi ko na nagpipigil pa rin ng tawa.
"Psh," sabi niya nalang at tumayo na mula sa pagkakatisod niya at tinalikuran na ako para ipagpatuloy na ang paglalakad.
I just smiled then I noticed her knee, may sugat ito at hindi rin maayos ang lakad niya. I suddenly felt bad. At dahil nga ilang oras pa ang vacant ko para sa next subject ay tumambay na rin muna ako sa rooftop. Nakahiga ako sa may kabilang side ng pinto para walang makakakita sa 'kin kung meron mang gusto ring tumambay rito.
Ipinikit ko nalang muna ang mata ko, iidlip nalang din siguro ako. Pero ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng rooftop dahilan para mapadilat muli ang mata ko. Tinignan ko kung sino yun at yung babae nanaman pero nagkainterest akong tignan kung ano yung ginagawa niya kaya lumapit ako sa kanya. tinanggal ko ang isa sa earphones niya na nakasalpak sa tenga niya. Napatingin naman siya sa 'kin na gulat ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Ikaw nanaman!" Tatayo na sana siya at aalis doon nang hinila ko ang kamay niya paupo muli sa upuan.
I should've given the band aid to her but I felt so bad kasi what I've been treating her kaya ako nalang mismo naglagay ng band aid sa sugat niya. Nang napatingin ako sa drawing niya sa sketchpad na dala niya.
"Artist ka rin pala," tanong ko.
Agad niya rin naman iyon tinago sa bag niya.
"Artist ka rin?" nagtataka niyang tanong sa 'kin.
"Animator ako," sagot ko habang nakatingin sa malayo.
Nang ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan nang nagsalita na rin muli siya.
"I'm Seol-hee nga pala," sabi niya at nag-extend ng kamay.
"I know," sabi ko at tumayo na sa kanyang upuan ng wala man lang eksplanasyon.
"Alam mo?" tanong niya at napatayo na rin.
"Yeah stupid girl," sabi ko at tuluyan na ngang naglakad pababa ng rooftop.