SA hospital examination room tahimik sa loob ng silid nang muling pumasok ang doktor. Nakaupo si Alejandra sa gilid ng kama, maputla ngunit unti-unting nagkakaroon ng malay. Nasa likod lamang si Hugo, tahimik ngunit bakas ang tensyon sa mukha. “Mrs. Gallarzo, we’ll need to run a full toxicology test again. The results will help us understand your condition better.” Ngunit ngayon, bahagyang bumuka ang mga mata ni Alejandra, nakatingin kay Hugo at sa doktor. “H-Hugo… Doc…” Hindi na tumutol si Alejandra nang ilagay ng nurse ang maliit na karayom sa kanyang braso. Habang kinukuha ang dugo, marahang umiling siya at tiningnan si Hugo. Makaraan ang ilang oras, bumalik ang doktor dala ang envelope ng mga resulta. Tiningnan niya si Hugo bago nagsalita. “Mr. Gallarzo, the results are out. We fo

