CHAPTER NINE

1554 Words
Sa ospital..Tahimik ngunit mabigat ang paligid nang pumasok si Hugo sa ospital. Kasunod niya ang apat na bodyguard, parehong naka-itim, mahigpit ang mga panga at alerto ang mga mata. Taas noo siyang naglakad sa kahabaan ng ospital. May ilang bumabati at may ilan na dinadaanan lamang siya. Nagtungo siya sa emergency, agad niyang nakita si Levi, nakatayo sa labas, nanlilisik ang mga mata nang makita siya, at napakuyom ang kamao. Nandoon din ang mga magulang ni Levi sa tabi ng lalaki pero walang pakialam si Hugo. Tahimik na humakbang si Hugo palapit, ang tingin ay malamig at diretso. “Tapos na ang palabas,” mahinang sabi niya, ngunit tagos sa pandinig. “Makakaalis na kayo.” Napatigil si Levi at dahan-dahang humarap sa kanya. Nagsukatan sila ng tingin, isang tahimik na digmaan ng pride at galit. “Tapos na?” malamig na tawa ni Levi. “You think this is just a show to you, Hugo? Nakita mo na ba ang asawa mo ngayon? The woman you used, the woman you ruined, nasa loob siya ngayon, at hanggang ngayon, wala pa ring malay! Palabas yun para sayo?” pauyam na sagot ni Levi. Mariing pinipigil ni Hugo ang sarili, ngunit bumigat ang bawat paghinga. “Watch your words, Levi,” madiin niyang sabi. “Wala kang karapatang akusahan ako ng mga bagay na hindi mo alam.” “Hindi ko alam?” singhal ni Levi, halos pumutok ang ugat sa sentido. “I saw what you did! Alam kong ginamit mo si Alejandra para sa mga plano mo! You call that love? Or just another moves for your dirty politics?” Umabante si Hugo, halos magtama ang kanilang dibdib. “You don’t know anything about love, Levi. Kung talagang mahal mo siya, sana pinrotektahan mo siya noon pa. Hindi ‘yung ngayon ka lang naglalakas ng loob dahil may nangyari sa kanya.” “Don’t you dare blame me!” sigaw ni Levi, sabay tulak sa dibdib ni Hugo. Agad namang kumilos ang mga bodyguard, ngunit tinaas ni Hugo ang kamay para pigilan sila. “Back off.” malamig na utos niya. Pagkatapos ay tumitig kay Levi. “Umalis na kayo kung ayaw ninyong ipakaladkad ko pa kayo sa mga tauhan ko. Uulitin ko Levi, wala kang karapatan sa asawa ko.” Sasagot pa sana si Levi ng pigilan ito ng kanyang ama. Isang masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Sandaling natahimik ang hallway. Maging ang mga magulang ni Levi ay hindi makapagsalita. Si Levi, nanginginig sa galit, ay suminghap nang malalim bago nagsalita. “Then take care of her, Hugo. But one day, when she wakes up, she’ll remember everything you did. And that’s when you’ll lose her, for good.” Ngumisi si Hugo sa sinabi. “At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Isa ka lamang x na sira ang ulo, pagkatapos na hindi siputin ang kanyang bride sa simbahan ay nagbabalik. Bakit ka nga ba nagbabalik Levi sa buhay ni Alejandra? Dahil ba malapit na ang eleksyon at plano mo siyang gamitin laban sa akin? I'm warning you, hindi ka magtatagumpay.” “Hindi ako tulad mo Hugo, na kailangan pang gumamit ng babae para lamang manalo. Ibahin mo ako sa iniisip mo..Ito lang ang masasabi ko sayo Hugo, sa oras na saktan mo ulit si Alejandra ay hindi lang yan ang aabutin mo…Papatayin kita ng paulit-ulit hanggang sa makalimutan mo kung sino ka,” pagbabanta ni Levi kung kaya natigilan si Hugo. “Natakot naman ako sa banta mo.” “Dapat lang matakot ka, Hugo dahil gagawin ko talaga ang sinabi ko.” Naningkit ang mga mata ni Hugo. Kung wala lang nakatingin sa kanila ay baka sinuntok niya na si Levi lalo na at hindi mo lang siya nakaganti ng suntok kanina. “Levi, anak, umuwi na tayo,” wika ng ama niyang si Zachary, mahina ngunit mariin ang tinig. “Tama si Hugo — siya ang asawa ni Alejandra, at siya ang may karapatan dito.” Napangiti si Hugo, malamig at may halong pagmamataas. “Mabuti naman at alam niyo ‘yan, Mr. Villega,” aniya. “Dahil ang anak niyo ang nagkamali rito. He interfered in something he shouldn’t have — between a husband and a wife.” Huminga siya ng malalim, saka muling tumingin kay Zachary. “Isa pa,” dagdag niya, “hindi sana mangyayari ito kay Alejandra kung hindi lumapit ang anak niyo sa asawa ko. If I were you, Mr. Villega, I’d tell your son to stay in his place.” Tahimik ang paligid matapos ang sinabi ni Hugo. Si Zachary ay tila napahiya, habang si Levi naman ay nakatigil, nanlalalim ang tingin kay Hugo, puno ng galit, ngunit alam niyang wala siyang magawa. Kung hindi pa hinila ni Zachary si Levi, malamang ay hindi ito aalis. Nanatiling nanlilisik ang mga mata ni Levi habang sapilitang inilalayo siya ng ama palabas ng ospital. Pagkaalis nila, pumasok si Hugo sa silid kung nasaan si Alejandra. Tahimik sa loob, tanging tunog ng makina ang maririnig. Lumapit siya sa kama at tinitigan ang kanyang asawa. Wala pa ring malay si Alejandra, maputla at namamaga ang mukha halos kapareho ng pasa sa pisngi ni Hugo. Napailing siya, mapait ang ngiti. “Kung marunong ka lang sanang sumunod, Alejandra,” mahina ngunit malamig niyang bulong. “This wouldn’t have happened to you. Pero dahil sa’yo, ako na naman ang pinagtatawanan ng mga tao.” Huminga siya ng malalim, ang tingin ay puno ng hinanakit. “Akala ko makakatulong ka sa akin, for my career, for my image. Pero hindi… ikaw pa ang sumira sa lahat.” Lumapit pa siya, halos dumikit sa tenga ng walang malay na asawa. “Sa tingin mo ba,” mariin niyang sabi, “masisira mo ako at ng dati mong nobyo? You can’t destroy me, Alejandra. Not you. Not him.” Ilang sandali pa ay may itinurok siya sa asawa. Ilang segundo siyang nanatiling nakatingin sa asawa, bago siya tumalikod at lumabas ng silid, nasa labas daw kasi ang doctor ng asawa niya at kakausapin siya. Pagkalabas ni Hugo sa silid, sinalubong siya ng doktor na nakatutok sa chart ni Alejandra. Agad siyang nilapitan ni Hugo, malamig ang mukha at matalim ang mga mata. “Kumusta ang kalagayan ng asawa ko, Doc?” aniya, bahagyang nakataas ang kilay. “Siguro naman,” dugtong niya, “hindi kayo naniwala sa mga sinabi ng Levi Villega. Ako ang asawa ni Alejandra at alam niyo ‘yon.” Bahagyang napalunok ang doktor, halatang kabado. “Ah, Congressman Gallarzo, stable naman po ang kalagayan ng inyong asawa. Pero kailangan pa rin nating—” Pinutol ni Hugo ang sasabihin nito. “I don’t need your excuses, Doc. Oo, nag-away kami, pero iyon ay problema naming mag-asawa hindi ng ospital ninyo.” Umusad siya palapit, halos magtama ang kanilang mukha. “Ang gusto ko lang,” aniya sa mababang tinig, “ay linisin ninyo ang mga ingay na nangyayari dito. Wala akong gustong marinig na tsismis, wala akong gustong makitang empleyado na nakikialam. Do I make myself clear?” Nanginginig ang kamay ng doktor habang marahang tumango. “O-Opo, Mr. Hugo… I assure you, we’ll handle it.” Ngumiti si Hugo, malamig at may halong pananakot. “Mabuti. Dahil kapag may narinig pa akong kumalat na kwento tungkol sa amin ni Alejandra…” Tumigil siya sandali, saka tumingin diretso sa mga mata ng doktor. “I swear, Doc, I’ll make sure this hospital regrets it.” Tahimik ang paligid. Walang ibang naririnig kundi ang mahinang paghinga ng doktor. Matapos manahimik ng ilang segundo, muling lumapit si Hugo sa doktor, malamig ang mukha at matalim ang titig. “Doc, suriin niyo ulit ang asawa ko.” madiin niyang sabi. “Isa sa mga pinag-aawayan namin ay ang pagiging adik niya. She’s been taking something, I’m sure of it. Check her — para malaman ninyo na totoo ang sinasabi ko.” Bahagyang natigilan ang doktor. “Congressman sa mga naunang test, wala naman kaming nakitang indikasyon ng substance abuse. Pero kung gusto niyo po, maaari naming ulitin ang—” “Don’t tell me what to do, Doc. Just do it.” malamig na putol ni Hugo. “Kung gusto niyong mapanatili ang trabaho ninyo, gusto kong makita ang resulta niyan bago matapos ang araw.” Nagkatinginan ang ilang nurse sa tabi, halatang kinakabahan. Ang doktor naman ay pilit na pinapakalma ang sarili. “Of course, Mr. Hugo,” mahinahon nitong tugon, bagaman nanginginig ang tinig. “I’ll have the lab repeat the tests immediately. Pero, sir, kung sakaling wala kaming makita, sana po ay—” “Sana ay ano, Doc?” singit ni Hugo, napapangiwi. “Na mali ako? Na ako ang masama rito?” Bahagya siyang ngumiti, malamig at puno ng pangungutya. “You don’t know her like I do. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling. Alam ko kung kailan siya may tinatago. So do your job and prove me right.” Tumango na lang ang doktor, halos hindi makatingin sa lalaki. “Yes, Mr. Hugo. I’ll have the tests done right away.” “Good,” ani Hugo, habang unti-unting tumalikod. “And remember, kapag may nakalusot sa resulta, you’ll be the one to answer for it.” Tahimik siyang lumakad palayo, habang ang doktor naman ay napaupo, ramdam ang bigat ng problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD