CHAPTER EIGHT

1129 Words
Nagkagulo ang mga tao sa party ni Hugo, lalo na nang makita siyang duguan. Ang masaya sanang gabi ay biglang napuno ng sigawan at kalituhan. “Hugo! Ano bang nangyari?” sigaw ng kanyang ama na si Rocky habang mabilis na lumapit. “Lahat ng tao ay nagulat dahil dala-dala ni Levi ang asawa mo! Ano ito?” Ang mga bisita ay nag-uunahan sa paglapit, ang iba ay nagkukuwentuhan, may ilan ding nakataas na ang cellphone, kinukuhanan ng litrato at video ang eksena. Ramdam ni Hugo ang mga matang nakatitig sa kanya, naghihintay ng paliwanag. Matigas ang kanyang tindig ng humarap siya sa mga tao. “Ang lahat ng nangyari kanina ay may paliwanag, alam kong nagtataka kayo kung ano ang mga nangyari,” malakas niyang sabi, pilit pinapakalma ang sitwasyon. “Kilala n’yo naman siguro kung sino si Levi Villega, hindi ba?. Hindi niya matanggap na asawa ko na ang dati niyang kasintahan, kaya sinugod niya ako. At dahil sa takot ng aking asawa, nawalan siya ng malay. Hindi ko napaghandaan ang pagsugod ni Levi, lasing siya, kaya ito ang natamo ko.” Itinaas pa niya ang duguang kamay para ipakita. Pati ang mukha ng bugbog sarado. Ang nakakagalit pa ay hindi man lang niya magawang gumanti sa lalaki. Tumigil sandali si Hugo, saka muling nagsalita nang mas mariin ang boses. “Pero sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa akin. No one humiliates me like that and walks away free.” Tahimik ang lahat. Ang ilang bisita ay nagkatinginan, hindi makapaniwala sa narinig. “Sa ngayon,” dagdag ni Hugo, pinilit niyang ngumiti. “Makakauwi na muna kayo. Kailangan ko lang puntahan ang asawa ko.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ang mga bisita, mabigat ang bawat hakbang papasok sa loob ng mansyon. Sumunod naman sa kanya ang kanyang mga magulang, pati na rin ang mga tauhan nila na wala namang nagawa. Narinig pa ni Hugo ang mahinang bulungan ng mga bisita habang siya ay papasok muli sa loob ng mansyon. Ang ilan ay nakataas pa rin ang cellphone, patuloy sa pagkuha ng litrato at video. Ramdam niya ang pag-igting ng panga ng kanyang ama, na hindi makapaniwalang nauwi sa gulo ang dapat ay marangyang pagtitipon. “Hugo, ano ba talaga ang nangyari?” mariing tanong ni Rocky nang makasara na ang mga pinto. “Sa tingin mo ba ay napaniwala mo ang lahat sa mga sinabi mo pagkatapos ng mga nakita nila? Nakita naming lahat kung gaano ang galit mo kanina. Para kang hindi tao na nagwawala!” Huminga ng malalim si Hugo, pinahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi. “Pa, hindi ito oras para pag-usapan ‘yan. Ang mahalaga ngayon ay si Alejandra, isa pa, nagpaliwanag na ako sa mga tao at wala na akong pakialam sa kanilang mga opinyon.” “Don’t give me that, Hugo,” singit ni Leticia, may halong pagkadismaya ang tinig. “Hindi mo kailangang gumawa ng palabas sa harap ng mga bisita. You could’ve handled this privately! Ngayon, lahat ng tao may kanya-kanyang version ng kwento at ikaw ang lalabas na kontrabida!” Tumingin si Hugo sa kanyang mga magulang, malamig ang mga mata. “Kung hindi ko sinabi iyon, mas lalala pa ang tsismis. Do you really want everyone to think my wife ran away with another man during my party?” “Pero Hugo,” giit ni Rocky, “hindi mo kailangang ipahiya si Levi sa harap ng lahat. Anong gusto mong ipakita sa tao? Na ang isang Gallarzo ay iniputan sa ulo? Sana bago ka kumilos ay pinag-iisipan mo na muna. Iginagalang pa rin ang pamilya Villega sa lugar na ito, baka nakakalimutan mo, sila ang ating malaking kaaway.” Napangisi si Hugo, mapait. “Respect? You call attacking me in front of my guest’s respect? He came into my house, ruined my night, and tried to take my wife away! Kung hindi ako lumaban, baka isipin pa ng mga tao na totoo ang sinasabi niya!” “Hugo, listen to yourself!” sigaw ni Leticia. “Lahat ng ito, ang dugo, ang kaguluhan, lahat ng iyan ay dahil sa asawa mo! Kung hindi mo sana pinakasalan ang babaeng iyon, sana walang problema ngayon.” “Alam kong ginagawa ko Ma, Pa. Alam ninyo na kailangan kong gamitin si Alejandra para manalo sa eleksyon. Public servants tayong lahat dito at sa mga mata ng tao dapat ay marunong tayong makitungo sa tulad ni Alejandra.” Narinig ni Hugo ang malalim na buntong-hininga ng kanyang ama bago ito muling nagsalita. Nakatayo si Rocky sa tapat niya, may halong galit at pag-aalala sa mukha. Sa gilid naman, si Leticia ay tahimik na nakamasid, pinipigilan ang sarili na huwag muling sumingit. “Alam naman natin lahat ‘yang ugali mo, Hugo,” mabigat na sabi ni Rocky. “Pero sana, kahit minsan, mag-isip ka muna bago kumilos. Hindi lahat ng laban kailangan harapin agad. You’re not just any man now, ikaw ang susunod na kandidato natin. Lahat ng mata, nakatingin sa’yo.” “Pa,” malamig na sagot ni Hugo, “kung hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, ano’ng iisipin ng mga tao? That I’m weak? That I can’t even protect my own wife?” “Wife?” halos mapatawa si Rocky. “Let’s not kid ourselves, Hugo. Alam natin pareho kung bakit mo lang pinakasalan si Alejandra. Hindi dahil mahal mo siya. Ginamit mo siya para linisin ang pangalan mo sa mga botante.” Natahimik si Hugo, bahagyang ibinaba ang tingin. Alam niyang totoo ang mga sinabi ng ama, pero ayaw niyang aminin. “Pa, hindi ko kailangan marinig ‘yan ngayon,” mariin niyang sagot. “Ginawa ko lang ang kailangan.” Lumapit si Rocky, mariin ang tinig ngunit mababa. “Anak, I understand your ambition. Gusto rin naming manatili ka sa pwesto, pero huwag mong hayaang sirain ka ng galit. You have to be smarter than that. Hindi tayo pwedeng padalos-dalos.” Tumango si Hugo, ngunit nanatiling matigas ang panga. “I know, Pa. Pero hindi ko rin kayang palampasin ito. Hindi ko hahayaang pagtawanan ako ng mga tao. I’ll make Levi pay.” Umiling si Rocky. “You sound exactly like me when I was your age. And look where that got me.” Sandaling natahimik ang silid. Si Leticia ay bahagyang lumapit, pinatong ang kamay sa balikat ng asawa. “Rocky,” mahinahon niyang sabi, “maybe we should let Hugo handle this his own way. Alam mo naman, he takes after you.” “Exactly my point,” sagot ni Rocky, at tumingin muli sa anak. “And that’s what scares me the most.” Tahimik si Hugo. Sa kabila ng pagtatalo, alam niyang pareho silang nasa panig ng isa’t isa — parehong galit, parehong may ayaw kay Alejandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD