CHAPTER SEVEN

1424 Words
Naririnig ang mga sigaw at kaguluhan sa loob ng mansyon ng mga Gallarzo. Ang mga kasambahay ay nagtakbuhan, ang ilan ay napasigaw nang makita ang duguang si Hugo na halos hindi na makatayo. Sa labas, napatingin ang lahat nang makita si Levi na buhat-buhat si Alejandra, walang malay, maputla, at tila walang buhay. Ang kanyang damit ay nadungisan ng dugo. Ramdam sa mukha ni Levi ang galit, takot, at desperasyon. “Levi! Anong nangyari kay Alejandra?” sigaw ng ina ni Hugo, sabay harang sa kanya. Ngunit hindi siya pinansin ni Levi, tuluyan niyang tinulak ang gate at dumiretso sa kanyang sasakyan. “Move! Get out of the way!” mariing sabi niya habang binubuksan ang pinto ng kotse. Tinangka siyang habulin ng mga tauhan ni Hugo, ngunit bago pa man sila makalapit, pinaandar na niya ang sasakyan. Mabilis, hindi halos sumayad sa lupa ang gulong sa bilis ng pag-alis. “f**k you, Levi! Ibalik mo ang asawa ko!” sigaw ni Hugo mula sa veranda, hawak ang mukha na patuloy ang pag-agos ng dugo. Ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang mag-panic. May sumisigaw ng “Tumawag ng ambulansya!” habang ang ilan ay tinutulungan si Hugo. Ang ina nito ay halos mawalan ng malay sa takot. Sa loob ng mansyon, nagkalat ang mga sirang gamit, basag na baso, at dugo sa marmol na sahig, mga patunay ng marahas na eksenang naganap ilang minuto lang ang nakalipas. Habang papalayo si Levi, mahigpit pa rin ang kapit niya kay Alejandra. “Hang on, Alejandra, please, wake up…” bulong niya, nanginginig ang tinig. Sa rearview mirror, nakikita pa rin niya ang mga ilaw ng mansyon, ang mga taong nagkakagulo, at si Hugo na halos mapuno ng galit ang mukha. Pero wala na siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay ang buhay ng babaeng halos mawalan na ng hininga sa kanyang mga bisig. Sa pinakamalapit na ospital niya dinala si Alejandra, walang malay, malamig ang mga kamay, at halos hindi na humihinga. Pagdating nila roon, agad siyang sinalubong ng mga nurse at doktor. “Sir, what happened?” tanong ng doktor habang inaasikaso si Alejandra sa emergency room. Habol-hininga si Levi, punong-puno ng dugo ang kanyang mga kamay. “Mahabang kuwento, doc... pero si Alejandra, nagkaroon siya ng matinding pambubugbog,” sagot niya, nanginginig ang boses. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid. “’Yan ba si Mrs. Gallarzo? Asawa ng congressman?” tanong ng isang nurse sa kapwa nito. “Oo, siya nga! Diyos ko, tingnan mo ‘yung mukha niya...” Tumingin muli ang doktor kay Levi. “Alam na po ba ito ng kanyang asawa?” maingat nitong tanong. Napakuyom ng kamao si Levi, nanginginig sa galit. “Bakit hindi niyo na lang gawin ang trabaho ninyo bago kayo magtanong ng kung ano-ano?” mariin niyang sabi, halos pasigaw. “Hindi niyo ba nakikita? Halos hindi na siya makilala! Look at her face! May mga pasa sa leeg niya, may marka ng sakal—just do your damn job!” Natahimik ang lahat. Mabilis na kumilos ang doktor at ang mga nurse. Ikinabit nila ang oxygen, sinimulang linisin ang mga sugat, at tiniyak na ma-stabilize ang vital signs ni Alejandra. Habang pinapanood iyon ni Levi, nanikip ang dibdib niya. Alam niyang kahit gaano siya magpaliwanag, wala siyang karapatang magalit lalo na at hindi matapos ang kasalanan niyang iniwan si Alejandra noon. Ngayon, habang nakahiga ito sa harap niya, halos wala nang buhay, paulit-ulit lang ang iniisip niya.. “Kung hindi ko siya iniwan… kung hindi ko siya pinabayaan… baka hindi ito nangyari sa kanya.” At habang sa labas ng ospital ay patuloy ang ingay ng mga usapan tungkol sa “asawa ng congressman” at sa “lalaking nagdala sa kanya,” sa loob ng silid ay isang lalaki lang ang tahimik na nagmamakaawa na sana, sa pagkakataong ito, mailigtas pa niya ang babaeng minsan na niyang pinabayaan. Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto, lumabas ang doktor mula sa emergency room. Nakayuko ito at may bahid ng pag-aalala sa mukha. Tumayo agad si Levi mula sa upuang kinalalagyan niya, mabilis na lumapit. “Doc, how is she? Please tell me she’s okay…” halos pabulong ngunit puno ng takot ang tinig ni Levi. Huminga ng malalim ang doktor bago nagsalita. “Stable na po siya sa ngayon, Mr. Villega. Pero…” tumigil ito sandali, parang nag-aalangan. “Marami siyang tinamong pinsala. May mga pasa sa mukha, braso, at leeg at tagiliran..At base sa initial findings, posibleng naipit ang ilang ugat sa leeg dahil sa sakal. Buti na lang po at nadala niyo siya agad dito.” Napapikit si Levi, mahigpit na napahawak sa sentido. “So she’s safe now, right? She’s going to be fine?” “Physically, yes. Pero kailangan pa rin natin obserbahan. May posibilidad na magkaroon ng trauma o komplikasyon. Right now, kailangan niyang makapagpahinga,” sagot ng doktor, mahinahon ngunit seryoso ang tono. Tahimik si Levi saglit bago muling nagsalita. “Can I see her?” Tumingin muna ang doktor sa mga papeles sa clipboard bago tumango. “Pwede po, pero sandali lang. Bawal muna ang stress. At sana, kung maaari ay iwasan na munang pag-usapan ang nangyari. Hindi pa rin siya ganap na ligtas sa emotional shock.” Tumango si Levi, bakas sa mukha ang bigat ng kanyang damdamin. “Thank you, doc. I owe you at sorry nga pala kanina. Nagpapanic kasi ako.” Ngumiti ng tipid ang doktor. “Ginagawa lang namin ang trabaho namin, Mr. Villega. Pero kung totoo ang mga hinala namin…” saglit itong tumigil at tinitigan si Levi ng diretso. “Siguraduhin niyong makakamit ng hustisya si Mrs. Gallarzo. Hindi pwedeng basta palampasin ang ganitong klaseng karahasan.” Napalunok si Levi, ang mga mata ay tila nagbabaga sa galit at determinasyon. “I swear, Doc… I won’t let him get away with this.” Tumango ang doktor bago muling bumalik sa loob ng silid. Humahangos na dumating sina Zachary at Cynthia Villega sa ospital. Kapwa seryoso ang mga mukha ng mag-asawa, at agad nilang nakita si Levi na nakasandal sa pader, halatang pagod at puno ng tensyon. “Levi!” malakas na tawag ni Zachary, dahilan para mapalingon ang anak. Lumapit ito sa kanya, bakas sa tinig ang galit at pag-aalala. “Anong ginawa mo, Levi? Bakit mo itinakas si Alejandra? Alam mo bang pwedeng lumala ito? Hindi lang ito simpleng gulo, anak, pamilya ng Gallarzo ang kinasangkutan mo!” Mabilis na tumayo si Levi, mariin ang boses. “Anong gusto niyo bang gawin ko, Pa? Na pabayaan na lang siya habang pinapatay siya sa bahay na ‘yon? Hindi ko kayang gawin ‘yon!” Tumigil siya sandali, huminga ng malalim bago nagpatuloy. “Alam niyo kung gaano kalaki ang naging bahagi ni Alejandra sa buhay ko. Hindi ko siya kayang talikuran, hindi ngayon, lalo na sa ganitong sitwasyon.” “Pero Levi…” singit ni Cynthia, malumanay ngunit puno ng diin ang bawat salita, “hindi na siya kung sino lang. Tapos na kayo. Kasal na siya kay Hugo. She belongs to another man now, baka nakakalimutan mo iyon.” Napahigpit ang panga ni Levi. “Hindi ko kailanman makakalimutan ‘yon, Ma. Pero kahit pa kasal siya kay Hugo, hindi ibig sabihin na pwede na siyang saktan. Walang sinuman, kahit asawa niya ang may karapatang gawin sa kanya ‘yung ginawa ni Hugo.” “Anak…” mariing sabi ni Zachary, bahagyang ibinaba ang boses. “Naiintindihan ko ang punto mo. Pero sa mga Gallarzo ka bumangga. May koneksyon sila sa gobyerno, sa militar, sa media. Alam mo bang delikado ‘yan? Matagal na natin silang katunggali ay alam mong iba kung gumalaw ang mga yan…You’re not thinking straight!” “Wala akong pakialam kung sino sila,” matigas na wika ni Levi, diretso ang tingin sa kanyang ama. “Ang mahalaga sa akin ngayon ay buhay si Alejandra. Kung hindi ko siya dinala rito, baka patay na siya ngayon.” Tahimik si Cynthia sandali, tinitigan lang ang anak na may halong takot at habag. “Levi, I’m just afraid for you. Alam kong gusto mo lang tumulong pero baka sa bandang huli, ikaw naman ang masaktan.” Tumalikod si Levi, tumitig sa pinto ng silid kung saan nakahiga si Alejandra. “Mas pipiliin ko nang ako ang masaktan, Ma, kaysa hayaan kong mamatay siya habang wala akong ginagawa.” At sa sandaling iyon, natahimik ang mag-asawang Villega, napagtanto nilang walang makakapigil kay Levi sa laban na ito, kahit pa ang mga magulang niya mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD