Hindi pa tapos ang party sa labas. Sa labas ng bahay ay maririnig pa ang halakhakan ng mga bisita, ang tugtog ng jazz music, at ang mahinang kalansing ng mga baso. Pero si Alejandra, sa sandaling iyon, ay tila gustong mawala sa gitna ng lahat.
Pagkapasok niya sa loob ng bahay, agad niyang hinubad ang kanyang takong at napasinghap sa sakit na dulot ng buong maghapon na pagtayo at kakangiti sa mga bisita ng kanyang asawa.
“God… I can’t do this,” mahina niyang bulong habang pinupunasan ang pawis sa leeg. Pakiramdam niya ay isa siyang trophy wife na hila hila ni Hugo.
Kinuha niya ang isang basong tubig sa counter nang biglang marinig ang mabigat na yabag sa likuran. Napalingon siya at halos mabitawan ang baso.
Si Levi.
Nakatayo ito sa may pintuan, nakasuot pa rin ng puting polo na bahagyang nakabukas sa dibdib, at may pamilyar na ngiti sa mga labi, ngiting minsan niyang minahal, pero ngayon ay ayaw na niyang maalala. Parte na lamang ito ng kanyang kahapon na gusto niyang makalimutan. Dahil dito nagdurusa siya ngayon sa feeling ng kanyang asawa.
“Sumunod ka pa talaga?” malamig niyang tanong, pilit pinipigil ang pagbilis ng t***k ng puso. Naamoy niyang amoy alak ito.
Ngumisi lang si Levi, bahagyang isinuksok ang kamay sa bulsa. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumasok sa bahay na ito?”
“Bahay ito ng asawa ko,” madiin niyang sagot. “At wala kang karapatang pumasok dito.”
“Ohh…Wala akong karapatang nandito…” ulit ni Levi, mababa ang boses. “Pero ilang taon akong may karapatang tumayo sa tabi mo. Hanggang sa araw ng kasal natin—na hindi mo itinuloy.”
Biglang napakuyom ang kamao ni Alejandra. “Ako? Ako ang hindi tumuloy?!” tumaas ang boses niya. “You left me, Levi! You didn’t even show up that day!” galit niyang wika. Bakit may gana pa talaga itong baliktarin siya pagkatapos siyang hindi siputin.
Natahimik si Levi. Umigting ang panga nito, tila may gustong sabihin pero pinipigilan.
“Do you have any idea what it felt like?” patuloy ni Alejandra, nanginginig ang tinig. “Lahat ng bisita, lahat ng tao na nandoon, naghintay sila. And me? Standing there like a fool.”
Lumapit si Levi, dahan-dahan, hanggang halos magkalapit na sila. “You think I wanted that to happen?” mahinang sabi niya. “You don’t know what really happened that day, Alejandra.”
“Then tell me!” singhal niya. “Ilang buwan akong naghintay sa mga paliwanag ko pero kahit anino mo ay hindi ko na nakita, I kept asking why. Give me one reason, just one that could ever make it right.”
Tahimik. Ilang segundo bago siya nito tinitigan nang diretso sa mata.
“Alam mo kung bakit pumunta ako dito ngayon kahit na ayokong makita ang asawa mo?” bulong ni Levi. “Because I never stopped loving you even if you’re wearing another man’s ring.”
Napaatras siya, pero agad siyang sinundan ng lalaki. Ang init ng hininga nito ay dumampi sa kanyang pisngi.
“Levi…” mahinang babala niya pero galit..“Baka may makikita sa ating dalawa at baka kung ano ang isipin.”
“You can hate me all you want,” mahinang sabi ni Levi, halos bulong. “But I can feel it, you're still mine.”
“Get out,” mariin niyang sabi, kahit nanginginig ang boses. “Before I make another mistake.”
Ngumiti si Levi, mapait at puno ng pananabik. “Too late, Alejandra. The mistake was letting me go.
Ilang sandali pa ay napansin ni Levi ang kakaibang bagay sa braso ni Alejandra. Napatigil siya sa pagsasalita, at bahagyang lumapit. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang tinititigan ang balat ng babae.
“Alejandra…” mahinang tawag niya, sabay abot ng kamay nito. “What’s that on your arm?”
Napatingin din si Alejandra sa sarili niyang braso — at doon niya nakita ang pasa. Mapula, halos kulay ube na, tanda ng matinding pagkakahawak kanina. Mabilis niya iyong tinakpan.
Umiling si Levi, halatang hindi naniniwala. “Gasgas na ang dahilan mong ‘yan, Alejandra. I’ve heard that one too many times before.”.Lumapit siya paunti-unti, tinitigan itong mabuti. “That doesn’t look like something you got from bumping into a door. Tell me the truth—is Hugo hurting you?”
Napasinghap si Alejandra, agad tumigas ang kanyang mga balikat. “And why would he do that? He’s my husband, Levi. Mahal niya ako.”
“Then why are you trembling right now?” mariing tanong ng lalaki.
“Because you’re here!” biglang bulyaw ni Alejandra, sabay talikod. “You have no right to ask me that! I owe you nothing!”
Tahimik si Levi, pero nanatili sa kinatatayuan. Ang boses nito, mababa ngunit puno ng bigat.
“You think defending him makes you stronger? No, Alejandra… it only makes you look smaller.”
“Stop it,” mahinang sabi niya, pero ramdam ang panginginig sa tinig. “I’m not that woman anymore. Hugo saved me. He gave me back my dignity, something you took away when you left me standing at that altar!”
Napahinto si Levi. Nakita niya ang luha na pilit itinatago ni Alejandra habang nakatalikod ito.
“You really believe that?” bulong niya. “That he saved you?”
Lumingon si Alejandra, puno ng galit at sakit ang mga mata. “Yes, Levi. He changed my life. He made me feel loved again. And he took me away from the shame you caused.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata pero agad din umiwas si Alejandra. Si Levi, tahimik na humakbang palapit, halos ilang pulgada na lang ang pagitan nila.
“Then why,” mahinang tanong niya, “do your eyes still look like they’re asking for help?”
Sandaling natigilan si Alejandra, pero agad niyang pinunasan ang pisngi at nilakasan ang loob.
“Get out,” mahinahon pero mariing sabi niya. “Please, Levi. Don’t make me repeat myself.”
Ngumiti si Levi, mapait, bago dahan-dahang umatras. “One day, Alejandra, you’ll stop lying. Not to me, but to yourself.”
“Nag-aalala ka pala sa akin?” mariing tanong ni Alejandra, nakataas ang baba pero nanginginig ang boses. “You don’t even care what happens to me. Isa pa, wala ka nang karapatan sa akin, Levi.”
Humakbang siya, pilit pinapakita ang tapang na halos hindi na niya maramdaman. “Tapos na tayo, simula pa noong iniwan mo ako sa araw ng kasal natin. Kaya kung ako sa’yo, tanggapin mo na lang na may asawa na ako ngayon.”
Tahimik si Levi sa ilang sandali, bago siya nito tinitigan ng diretso. “I know,” mahinang sagot niya. “Alam kong wala na akong karapatan sa’yo dahil pag-aari ka na ng iba.”
Napangisi si Alejandra, pilit pinagtatakpan ang kirot sa dibdib. “Mabuti naman at alam mo,” sagot niya, malamig ang tono.
Sasagot pa sana si Levi nang biglang bumukas ang pinto.
“Alejandra?”
Pareho silang napatigil. Sa may pinto, nakatayo si Hugo, nakakunot ang noo. Namumula ang mukha nito, halatang nakainom, at mabigat ang titig na itinuon sa kanila.
“Kaya pala nawawala ang asawa ko…” madiin na sabi ni Hugo, sabay sulyap kay Levi. “Nandito ka pala, Levi. Anong kailangan mo sa asawa ko?”
“Wala akong masamang intensyon,” agad na tugon ni Levi, nananatiling kalmado. “May napag-usapan lang kami.”
“Napag-usapan?” nakataas ang kilay ni Hugo. “Mukhang may tinatapos yata kayong dalawa. Pwede ko bang malaman kung ano iyon?” Ang boses nito ay puno ng pauyam na galit habang dahan-dahang lumalapit.
Napaatras si Alejandra, natataranta. “Hugo, please… hindi ito ‘yung iniisip mo—”
Ngunit bago pa siya makapagsalita pa, marahas siyang hinawakan ni Hugo sa kamay. “Hindi ko iniisip? Tell me, ano ito? Nakikita kong magkasama kayo rito, at ngayon para kayong nakakita ng multo. ”
Mariing pumikit si Alejandra, pilit hinuhugot ang kamay mula sa pagkakahawak nito, ngunit lalo lang humigpit ang kapit ni Hugo.
Napatingin si Levi sa kamay nilang mag-asawa doon agad sumagi sa kanyang paningin ang pasa sa braso ni Alejandra.
“Wala naman na kaming unsettled business na dapat pag-usapan, Hugo,” wika ni Levi, mahinahon pero matigas ang tono. “Kaya wala kang dapat ipag-alala.”
Ngunit bago pa siya umalis, tiningnan niya ng diretso si Hugo.
“Pero may napansin ako sa braso ng asawa mo.”
Agad natigilan si Alejandra. Mabilis siyang tumingin kay Levi, nagbabanta ang tingin — isang please, don’t say more sa mga mata niya.
Ngunit si Levi ay hindi nagpatalo. Nanatili itong nakatitig sa mga mata ni Hugo, malamig at matalim, habang nagsalita sa tonong puno ng pahiwatig.
“Baka gusto mong tanungin siya, kung paano niya nakuha ‘yon.”
Tumigas ang panga ni Hugo. Nabaling ang tingin nito kay Alejandra, habang ang kaba sa dibdib niya ay unti-unting nagiging takot.