Maagang nagising si Alejandra kinabukasan. Maingay na ang buong mansyon, puno ng paghahanda, dekorasyon, at mga tauhang abala sa kusina. Birthday ni Hugo, at ayon sa utos nito kagabi, kailangan niyang magmukhang “perpektong asawa.” Kahit nangingitim pa ang paligid ng kanyang mga mata, pinilit niyang isuot ang ngiti na inaasahan ng lahat.
Habang inaayos ni Alejandra ang sarili sa harap ng salamin, narinig niya ang tinig ni Hugo mula sa pintuan. Nakasuot ito ng mamahaling suit, at sa kabila ng magandang anyo, ang tingin nito sa kanya ay puno ng babala.
“Darating ang mga Villega,” malamig na sabi nito. “Ayokong makita kang lumalapit sa alinman sa kanila. Lalo na sa isa sa kanila.”
Napatingin siya rito, kahit alam niyang bawal. “You mean Levi?” mahina niyang tanong, halos bulong.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Hugo. Lumapit ito at mahigpit na hinawa ka ng kanyang braso. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiwi sa sakit.
“Don’t say his name in my house, Alejandra.”
“Bakit?” mapait na ngiti niya. “Natakot kang marinig ng mga tao ang totoo? Na dati ko siyang—
“Shut up,” putol ni Hugo, halos pasigaw. “I said I don’t want to hear it.”
Natigilan siya pinipigil ang luha.
“Makinig ka sa akin,” muling sabi ni Hugo, mababa pero puno ng galit. “I don’t want people talking about us. I don’t want anyone thinking you’re still hung up on that bastard. So behave. Do you understand me?”
“Y–es,” mahinang tugon ni Alejandra.
“Good,” sagot ni Hugo, ngumiti nang pilit. “Smile for the guests later. Act like the wife you’re supposed to be. People will be watching.”
Pagkaalis nito, tulala si Alejandra sa salamin. Sa ilalim ng makapal na make-up, kita pa rin ang bakas ng luha at pagod. Maybe he’s right, bulong niya sa sarili. Maybe I did marry him to cover the shame Levi left me with, pero kahit mahal niya si Levi at kahit gumuho ang buhay niya ng iwan nito, ay pinilit niya naman na mahalin si Hugo. Pinilit niyang maging mapagmahal na asawa sa lalaki pero ang kapalit pala noon ay kalupitan. Sa loob ng ilang buwan na pagsasama nila ni Hugo, hindi niya kailanman ito pinagtaksilan.
Siguro nga naging padalos-dalos siya sa pagpapakasal kay Hugo dahil ngayon ay nagdurusa siya. Siguro nga tama si Hugo na ginamit niya ito para pagtakpan ang kanyang nakaraan at para makalimutan na rin si Levi. Ilang buwan na rin niyang hindi nakikita ang lalaki at kailanman ay hindi sila nag-usap tungkol sa hindi nito pagsipot sa araw ng kanilang kasal. Ayaw niyang ipakita kay Levi na apektado siya kahit pa dinala siya nito sa isang kahihiyan kahit pa ang totoo ay dinurog ang kanyang puso nang iwan siya ng lalaki.
Maingay at marangya ang gabi. Puno ng mga ilaw ang hardin ng mansyon Gallarzo, mga gintong chandelier, pulang rosas sa bawat mesa, at mga taong bihis na bihis. Sa entablado, maririnig ang jazz music habang nagkakatuwaan ang mga bisita.
Nasa gitna ng kasiyahan si Hugo, nakangiti at nakikipagkamay sa mga politiko at negosyanteng kaibigan. Sa labas, sa may veranda, naroon si Alejandra, nakasuot ng asul na evening gown…Ilang sandali pa, narinig niya ang pamilyar na tinig ng isa sa mga tagapagbalita ng pamilya.
“The Villega’ s has arrived!” kilalang pamilya ang Villega sa buong Iloco, ito ang matinding karibal ng mga Gallarzo.
Parang huminto ang oras. Napahigpit ang kapit ni Alejandra sa baso ng alak na hawak. Dahan-dahan siyang lumingon, at doon niya nakita si Levi.
Nakasuot ito ng itim na tuxedo, mas tumanda ngunit lalong gumuwapo, at sa mga mata nito ay may bahagyang gulat nang magtama ang kanilang tingin. Saglit lang, pero sapat na para maramdaman niyang bumalik ang lahat ng sakit, ang pangungulila, ang tanong na hindi kailanman nasagot.
“Good evening, Mrs. Gallarzo,” bati ni Levi nang makalapit, mahina ngunit magalang.
Napakapit siya sa kanyang baso, pinilit ang ngiti. “Good evening, Dr. Villega,” tugon niya, pormal.
“Dr. Villega?” may halong mapait na ngiti sa labi ni Levi. “That’s what we are now? Strangers who call each other by title?”
She forced herself to look calm. “We have to be, Levi. Things are different now.”
“I can see that,” sagot ni Levi, tumingin sandali kay Hugo na papalapit na. “But tell me something, Alejandra, are you happy?”
Hindi siya agad nakasagot. Sa likod ng magarang damit at mga alahas, alam niyang makikita ni Levi ang pagod sa kanyang mga mata. Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Hugo, may hawak na baso ng alak at ngiting puno ng pagkukunwari.
“Oh, Levi Villega,” anito, kunwari ay masigla. “So glad you made it. Didn’t think you’d show up.”
Levi met his gaze. “It’s your birthday, Hugo. Of course I came to congratulate you.”
“Good man,” tugon ni Hugo, sabay tapik sa balikat nito. “I just hope you’ll stay long enough to see how well Alejandra’s been doing. She’s quite the wife now.”
Napayuko si Alejandra, pinipigilan ang panginginig ng kamay.
Levi’s eyes softened. “I can see that,” he said quietly, his voice breaking a little. “But I also see what she’s hiding.”
Bahagyang nagdilim ang mukha ni Hugo. “Careful with your words, old friend.”
“I’m just being honest,” sagot ni Levi, kalmado ngunit may bigat. “Sometimes the truth hurts more than lies.”
Tahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo. Hangin lang at ang mahinang tugtog ang naririnig. At sa pagitan nila, si Alejandra, na tila hindi makahinga, nakasiksik sa gitna ng dalawang lalaking minsan ay naging daan ng kanyang pag-ibig at pagkawasak.
Ngumiti si Alejandra, isang ngiting sanay na sanay, perpekto para sa mga ganitong okasyon. Inabot niya ang kamay ni Hugo at bahagyang isinandal ang ulo sa balikat nito, pilit na ginagampanan ang papel ng isang asawang kuntento at puno ng pagmamahal.
“Oh, darling,” aniya sa malambing na tinig, sinadya niyang lakasan upang marinig ni Levi. “You should tell them about the new project you’re funding. I’m so proud of you.”
Narinig niya ang mahinang tawa ni Hugo, ramdam niya ang kumpiyansa nitong unti-unting bumabalik. “Ah, my wife never fails to brag about me,” sabi nito habang marahang hinahaplos ang kanyang beywang. “She’s always been my lucky charm.”
Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya si Levi. Nakamasid ito, tahimik, malamig, ngunit may kung anong bigat sa mga mata. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga tingin, at doon niya muling naramdaman ang kirot na matagal na niyang pilit kinakalimutan..Hindi niya alam kung anong mas masakit, ang makita itong tila hindi na apektado, o ang katotohanang kailangan niyang magpanggap na siya rin ay ganun.
Sa loob niya, tila may bagyo na hindi mapigilan. Habang pinipilit niyang tumawa, pakiramdam niya ay unti-unting binabasag ng bawat tawa ang mga pader na itinayo niya upang kalimutan si Levi. Ang bawat haplos ni Hugo sa kanyang balat ay parang paalala ng mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom.
Ngunit kailangan niyang manatiling matatag. Kailangan niyang ipakita kay Levi na tama ito, na wala ang Alejandra na minsan niyang minahal, at na napalitan na siya ng isang babaeng marunong magmahal sa iba. Kahit alam niyang kasinungalingan iyon.