Pa… anong masama sa ginawa ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Hugo habang nakayuko pero halatang galit. “Tinuruan ko lang ng leksyon si Alejandra. Sinagot niya si Mama at napahiya tayo sa harap ng mga bisita. Isa pa, pareho lang naman tayo, Pa.” Nanginig ang panga ni Rocky. Mabigat ang bawat hakbang nito habang lumalapit sa anak. “Magkaiba tayo, gago!” mariin niyang sabi. Nag-angat ng tingin si Hugo, puno ng pagpupumilit..“Magkaiba ba talaga? Come on, Pa. Huwag tayong maglokohan.” “Magkaiba tayo,” ulit ni Rocky, mas malalim ang boses at mas madiin. “Bakit? Kapag may ginagawa ba ako nakikita ng Mama mo? Nahuhuli ba ako? Hindi, ’di ba?” Tumikhim ito; halata ang pagpipigil ng galit. “At kahit anong pagkakamali ko, tandaan mo ’to, Hugo, mahal ko ang mama mo. I never disrespected her in fro

