Kanina pa naghihintay si Alejandra sa resulta ng ginawa ni Levi. Nakabukas ang telebisyon sa kwarto, umaasa siyang makakakita ng flash report tungkol sa mga Gallarzo pero hanggang ngayon, wala pa ring balita. Paulit-ulit niyang pinapalitan ang channel, ngunit puro karaniwang news pa rin ang palabas. Hindi rin niya magamit ang kanyang extra phone dahil nakauwi na sina Hugo at ang ama nito. Lalong sumikip ang pakiramdam niya sa bahay; parang bawat galaw niya ay may nakabantay. Paglabas niya ng kwarto, nasalubong niya si Hugo sa hallway. Sandaling nagtama ang mga mata nilang mag-asawa. Kita ni Alejandra ang pagkabalisa sa mukha ni Hugo, kaya agad siyang kinabahan. “Aalis ka?” mahinahon niyang tanong. “Ano bang pakialam mo kung aalis ako?” iritadong sagot ni Hugo sabay tulak sa kanya. “Pwed

