Puno ng galit si Levi habang nagmamaneho papunta sa munisipyo. Sa kanan niyang kamay ay hawak pa rin niya ang medical record ni Alejandra, at sa bawat sandaling lumilipas ay mas lalong tumitindi ang apoy sa dibdib niya. Hindi niya maalis sa isip ang nakasulat sa papel — “Presence of narcotics detected.” No. This can’t be true. Hindi si Alejandra ‘yon. Pagdating niya sa munisipyo, hindi na siya nag-abalang magpaalam. Dire-diretso siyang pumasok, hindi alintana ang mga guwardiyang nagulat sa biglaan niyang pagpasok. Hinanap niya ang opisina ni Hugo at agad na nagtungo doon…Pagbukas niya ng pinto, nakaupo si Hugo sa swivel chair, nakasandal, habang may hawak na baso ng brandy. Dalawa sa kanyang tauhan ang nakatayo sa gilid ng silid, pero agad din silang napa-atras nang makita ang ekspresyon

