Bihis na si Alejandra, isang eleganteng black dress na pinili mismo ni Doña Leticia ang kanyang suot, simple pero classy, at sapat para itago ang ilang marka sa katawan niya. Maingat niyang inayos ang buhok, pinilit gawing natural ang bawat galaw kahit ramdam niya ang pagod at kaba. Pagharap niya, nakita niya si Hugo na nakasandal sa pader, naka-fold ang mga braso, at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi admiration ang nasa mga mata nito kundi pamimintas, parang hinahanap ang anumang bahid ng kahinaan niya. Nakakapaso ang tingin nito. Lumapit si Hugo sa kanya. Tumigil ito sa harap niya, bahagyang iniangat ang baba niya gamit ang dalawang daliri. “Ayusin mo ang make-up,” malamig niyang sabi. “Halata ang pasa mo. Kapalan mo.. You need to look flawless tonight. Importante ang bisi

