PAG-ALIS na pag-alis ni Hugo sa opisina ay mabilis niyang dinial ang number ni Levi. Hindi na siya nakapaghintay, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari sa video na ipinadala niya. Ilang ring pa lang ay agad naman sumagot ang lalaki. “Levi, what the hell happened? Binigo mo na naman ako,” halos pabulalas niyang tanong. “Bakit walang balita sa TV tungkol sa video na pinadala ko? May ginawa ka ba?” May mabigat na buntong-hininga sa kabilang linya bago nagsalita si Levi. “Ginawa ko ang lahat, Alejandra. Pinadala ko sa NBI, pero wala pa rin akong natatanggap na balita. I kept checking the news like you do. Pero ‘yung kaibigan ko sa media na pinadalhan ko, natagpuang patay kanina.” Parang may malamig na sumampal sa mukha ni Alejandra dahil sa kanyang narinig. “Wait—what? Oh my God…” Na

