“THANK you, Ma’am.” Nakangiting kinamayan niya ang head teacher ng school ng kambal, mabilis lang pala ang process ng pagkuha ng school records ng mga bata. Sinabi lang niya na siya ang tatay at mukhang naniwala naman ang mga ito sa sinabi niya dahil agad na ibinigay sa kanya ang mga hinihingi niya. “You’re welcome Sir, kaya pala ang ganda-ganda ng mga bata may pinagmanahan. Maganda din kasi ang nanay at gwapo ang tatay, akala po talaga namin single parent lang si Ma’am De Castro dahil siya lang ang nagpupunta dito kapag may parent-teacher meeting.” Nagtagis ang kanyang mga ngipin habang nakangiting hinarap ang teacher, gustong-gusto na niyang basahin ang mga records na iyon. “Nasa labas ng bansa po kasi ang trabaho ko at ngayon lang natap

