bc

Twin's Tricks

book_age18+
43.5K
FOLLOW
555.7K
READ
billionaire
escape while being pregnant
friends to lovers
pregnant
brave
self-improved
sweet
Girl Power Counterattack
like
intro-logo
Blurb

What we want, we get. Get it?

Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama ng kanyang mga anak at ang lalaking nagpaalis sa kanya sa buhay nito.

She promised she will devote her life to her twins, to give them everything. Kaya lang hindi nangyari ang mga plano niya dahil muling nagkrus ang landas nila ng lalaking nanakit sa kanya. Now, her twins were eager to be with their father. How can she tell them that their father doesn’t want to do anything with her, na ayaw nito sa kanya?

Paano niya maililigtas ang puso niya sa taong bumasura nito?

chap-preview
Free preview
TT - 1
          “Mama!” Napangiwi siya ng marinig ang matinis na boses ni Paris na hawak-hawak ang isang pink na headband. “Mama! Ang ugly ng color ayoko ng pink.” Iwinasiwas pa ng limang taong gulang na anak niya ang pink na headband na may ribbon na nakadesign doon. Sa likod naman nito ay nakasunod ang kakambal nitong si London na pulang-pula na ang pisngi dahil sa kakahabol sa kapatid nito.             “Bakit si London blue ang color ng headband niya, I want yellow.” Maldita talaga ang anak niya kabaligtaran ng kakambal nitong si London na tahimik lang at pwede mong iwanan sa isang tabi. It’s amazing how she managed to keep her babies kahit na hirap na hirap siya.             “Paris dito ka.” Hinawakan ni London ang kakambal nito, she really loves to see her twins together. Kaya kahit na anong gawin ng dalawa ay palagi siyang naiiyak because she found it really cute and loving. “Wala ng yellow sa store gusto mo ng blue?” hinubad nito ang sarili nitong headband. “Bagay din sa iyo ito.”             Umiling si Paris. “Ayoko ng blue sa iyo iyan sige pink na lang ang akin.” Napapangiti nalang siya, isinara na niya ang hood ng kotseng inaayos niya at saka naghanap ng pamunas upang punasan ang grasa ang kamay at mukha niya upang lapitan ang kanyang mga anak.             “Gutom na ba kayo?” hinanap niya ang bag niya na may lamang baunan para sa kanilang tatlo. Maaga siyang nagising para lang ihanda iyon dahil wala na silang oras para lumabas at kumain. Naguguilty din siya sa mga anak niya dahil hindi na niya nabibigyan ng time na lumabas at magliwaliw. May inaayos siyang kotse na gagamitin sa isang F1 race, iyon ang skills niya at ginagamit niya ang skills niya para mabuhay silang tatlo.             Nagbabayad pa rin sila sa apartment na tinitirahan nila at may mga gastusin din sila. Dalawa kasi ang binubuhay niya at puro babae pa kaya medyo maraming gastusin pero sulit na sulit naman ang pagod na nararamdaman niya tuwing nakikita niya ang mga bata. Minsan ay naisip niyang sana tinanggap nalang niya ang perang ibinigay sa kanya ng tatay ng mga ito sana mas maganda ang buhay nila ngayon.             Pero naisip din niya na kapag ginawa niya iyon ay para na rin siyang bayarang babae at malayo siya sa katagang iyon. Tanga at martyr siya iyon pero hindi siya bayaran at iyon ang ipaglalaban niya. Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin siya ng galit sa dibdib niya at ang galit na iyon ay ginamit niya para mahalin ng husto ang kanyang mga anak.             They are her treasures, cliché it may at sa mga mata ng mga hindi nakakakilala at nakakaalam sa kwento niya ay isa siyang pakawalang babae dahil may mga anak siya pero walang ama. Masakit man pero hindi nalang niya pinapansin ang mga ito ang mas mahalaga sa kanya ay ang kanyang mga anak. Ang kanyang pamilya.             “Mama, punta tayo kay lolo bukas. Maglalaro kami ng chess.” Untag ni Paris sa kanya habang sumusubo sila ng pagkain.             “Sige, day off ni mama bukas.”             “Nandoon din sina uncle Bernard at uncle Christian, maglalaro daw kami ng habulan mama. Ang lalaki na nila madali na silang mahanap.” Natawa naman siya sa sinabi ni London. Pinunasan niya ang pisngi nitong may ilang butil ng kanin. Tinutukoy nito ang mga kuya niya na mahal na mahal ang mga anak niya. Ang mga ito na ang tumatayong papa sa mga anak niya.             Nang malaman ng mga ito na nabuntis siya at hindi niya sinabi kung sino ang ama ay galit nag alit ang mga ito. Naiintindihan niya ang galit ng mga kuya niya, ang nanay niya ay disappointed din sa kanya at mas lalong naging mahirap ang pagtanggap nito sa pinagbubuntis niya. Muntik na nilang ipalaglag ang kanyang pinagbubuntis pero mas nanaig pa rin ang kabutihan ng mga ito sa pagmamakaawa niya. Inatake ito sa puso, naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya kahit na noong mga panahon na nagbubuntis siya.             Dinamayan siya ng kanyang nanay, hindi talaga matitiis ng isang ina ang anak niya. Kahit na nagbubuntis siya ay pinilit pa rin niya ang sarili niyang magtrabaho, nag-apply siya bilang mekaniko sa isang talyer na malapit sa bahay nila. Ayaw sana siyang tanggapin ng pinsan niya na may-ari ng talyer pero nagmakaawa siya, kahit ayaw nito ay nagpupunta pa rin siya doon hanggang sa sumuko na ito at kinuha nalang siya.             Naging okay naman ang lahat pagkatapos ng mga panahong iyon, naging kaibigan niya ang mga kasamahan niyang mekaniko. Naging tatay niya ang mga iyon at sa katunayan sa talyer na rin siya muntik ng nanganak dahil nanghihinayang siya sa pwede niyang kitain kapag hindi siya nagtrabaho. Muntik na siyang mamatay dahil hindi naman pala ganoon kadaling magluwal ng dalawang bata kaya kinailangan pa siyang iceasarian. Inaamin din kasi niya na medyo napabayaan niya ang kanyang sarili dahil sa pagtatrabaho kaya lahat ng vitals niya ay mababa keysa sa normal na nagbubuntis ng dalawang bata.             Totoo nga palang kapag nanganganak ka ay mas masakit pa sa nabunutan ng sampung ngipin ng sabay-sabay, mas masakit pa yata iyon keysa mabaril at mabundol. Mas masakit na hindi niya alam kung paano palalakihin ang dalawang anak niya ng siya lang. Natakot siyang baka hindi niya kayanin pero sa awa ng Diyos ay nakaya naman niya.             Her babies are her blessings, dahil sa mga ito ay lumambot ang puso ng tatay niya sa kanya. Minahal nito ang dalawang apo nito ng buong-buo at sinabing kapag nagtangkang magpakilala ng ama ng mga ito sa kanila makakatikim ito ng armalite. At alam niyang hindi nagbibiro ang tatay niya dahil may mga nakasabit nab aril sa dingding ng kanilang bahay. Retiradong army kasi ito at ang dalawang kuya naman ay nasa navy at nasa marines kaya kung anuman ang sasabihin ng mga ito for sure gagawin ng mga ito.             Kaya nga hindi niya sinabi kung sino ang ama ng mga anak niya baka kasi mapahamak ang mga ito. Hindi naman kasi basta-basta ang mga taong iyon, sila iyong mga mayayaman na kilala sa lipunan. Sila iyong mga taong nagagawa ang lahat dahil sap era, sila iyong walang takot na gumawa ng mali dahil makakaligtas pa rin sila. Mas mabuti ng manahimik nalang siya besides she already moved on. Kung anumang pagmamahal ang naramdaman niya para sa ama ng kanyang kambal ay nawala na, mas mahal na niya ang mga anak niya ngayon. At gagawin niya ang lahat hindi lang magkrus ang landas nilang dalawa at ng mga bata.             “Mama iniisip mo ba ang bukas?” napakurap siya sa tanong ni Paris. “Kung pagod ka mama pwede namang sa susunod na bukas tayo magpunta kay papay at mamay.”             “Pwede po tayong matulog bukas mama.” Sang-ayon ni London sa sinabi ng kapatid nito.             “Mama’s fine at hindi ako pagod pupunta tayo sa papay at mamay ninyo bukas para makapaglaro kayo. Papasok na kayo sa susunod na linggo.” Kinder two na ang mga bata, proud na proud siya sa talino ng mga ito. Kaya lang medyo warfreak ang mga anak niya lalo na kapag may nakikitang nabubully na mga bata. Si Paris ay mahilig manuntok at mangalmot kaya palagi siyang natatawag sa principal’s office at kapag tinatanong naman ng principal kung sino ang may kasalanan ay hindi ito aamin sa halip ay mag-aacting ito na para bang ito pa ang nabully. Si London naman ay hindi pisikal kung gumanti, hindi kasi ito matatakutin at mahilig sa mga weird na bagay gaya na lamang ng palaka o kaya naman ay uod. Kumukuha ito ng mga ganoon tapos ay ilalagay sa bag ng mga kaaway nito. At kapag nasa principal’s office na ay aaktong mahinhin na batang babae na kapag nakakakita ng palaka at uod ay manginginig at iiyak sa takot.             Minsan ay natatakot na rin siya sa capacity ng dalawang anak niya, they were too naughty for their age. Hindi nga niya akalain na makakayang magmanipula ng mga ito ng mga tao dahil iyong parents ng nabully nila ay naaawa at napapaniwala nila sa mga acting nila. Maliban sa kanya dahil alam niya ang karakas ng mga ito.             Naisip nga niya minsan nagmana ang mga ito sa talino ng tita ng mga ito, ang nag-iisang kapatid na babae ng ama ng dalawa. Makulit din iyon at nakasundo niya, hindi kasi ito katulad ng mga kapatid nitong hudas barabas kung mag-isip. That woman may look tough and a little naughty—scratch that, she’s really naughty to the point na susuko ka nalang—pero mabait iyon na tao.             Ito lang ang nakakaalam sa tunay na nararamdaman niya sa kapatid nito, sa mga pagpapakatanga niya. At ito lang din ang may alam kung nasaan siya at may mga pamangkin na rin ito. Madalas itong bumibisita sa kanila at sinasabi niyang good friend niya ito, madalas nitong sinasabi na kung alam lang ng kuya nito ang tungkol sa kambal mas magiging maganda ang buhay ng mga ito.             Pero mas mataas ang pride niya, bakit niya sasabihin sa taong ang akala lang kung bakit isinuko niya ang lahat dito ay dahil sa pera nito? Ayaw niyang isipin nito na ipapakilala niya ang mga bata dahil gusto niyang makakuha ng maraming pera, she will never do that.             “Mama, nahanap na po ba si papa?”             Natigil siya sap ag-iisip sa tanong ni London, London might love to be silent at times pero kapag may tanong naman ito ay parang bombang sasabog nalang katulad ngayon.             “Oo nga mama nahanap na po ba ng mga water police si daddy sa ocean?”             Napangiwi siya sa pagsegunda ng kanyang si Paris, their eyes were so hopeful. Kasalanan ni Ainsley ang bagay na ito eh. Minsan kasi ay nagtanong ang kambal kung kilala ba nito ang papa nila ang sagot ni Ainsley ay… nalunod sa mangkok na punong-puno ng sabaw ang papa ng mga ito. Tapos ay kailangang pumunta sa dagat para makahinga ng maayos, kaya hanggang ngayon ay hinahanap ng mga water police.             Ang babaeng iyon kung makaimbento ng kwento ay pang-out of this world and since her children were indeed children, kaya ang nangyari ay pinaniwalaan ang sinabi ni Ainsley at panaka-naka ay tinatanong kung nahanap na ba ang papa nila. At siya naman itong magtatagpi ng mga sagot, kaya nga sure na sure siyang hindi siya mapupunta sa langit kapag namatay siya.             “Huwag na kayong umasa na mahanap ang papa niyo kasi ang laki ng ocean hindi ba three-fourths ng bumubuo sa mundo ay tubig. Kung mahanap man ang papa niyo malamang matagal pa iyon dahil mahirap suyurin ang dagat at saka malalim, may mga sharks din and they eat meat.”             Kumibot ang mga labi ng mga ito. “Mahahanap si papa!” tili ni Paris. “Hindi siya kakainin ng shark kasi sabi ni tita Ainsley gawa sa metal si papa dahil hindi siya natatamaan ng hiya at konsensya kaya impossibleng kainin siya ng shark.”             Tuluyan na niyang nasapo ang kanyang ulo at naisip na tawagan si Ainsley mamaya papagalitan niya ito.             “Mama punta tayo sa malaking restaurant na may malaking korona na pang-hari, iyong malapit sa pinuntahan natin dati.” Ang Royale ang tinutukoy nito.             “Mahal doon Paris hindi kaya ni mama, saka na kapag birthday niyo.” Pagpapalusot niya hindi sila pwedeng pumunta doon dahil delikado. Tambayan pa naman iyon ng mga mayayamang tao na pwedeng kakilala ang pamilya nina Ainsley. Kapag kasi nangyari iyon ay mapapansin ng mga ito ang malaking pagkakahawig ng mga bata kay Ainsley. Hindi niya alam ang nangyari pero si Ainsley ang kamukha ng mga bata, maybe because she’s the girl version of the men sa pamilya nito.             “Sige na mama promise hindi na ako iinom ng milk para tipid sa milk. Hindi na rin ako kakain ng bacon at ham para may pera tayong papunta doon.”             “Mama ako din po hindi na ako papabili ng headband.” Kinuha ni London ang headband na suot nito. “Ibabalik ko poi to sa tindahan para makuha ang money na bayad namin para may pera tayo papunta sa malaking restaurant na may korona.”             Napakagat labi siya sa sinabi ng kanyang kambal, kapag ganito na sila mahirap na silang tanggihan. At nanay lang din naman siya mahina ang tukso niya sa pangangailangan at kagustuhan ng mga anak niya.             “S-sige pero once lang tapos hindi na tayo babalik doon dahil mag-iipon pa si mama para sa school niyo.”             “Yeheyy!” tumayo ang dalawa at nagtatalon sa tuwa napapangiti nalang din siya pero sa loob-loob niya sana hindi naman siya malasin at sa pagpunta nila doon ay sana wala silang makasalubong na masamang ispiritu.             Hindi naman kasi totoo na wala silang pera, kumikita na siya. Sa paggawa pa lang ng isang racing car ay tiba-tiba na siya. Pero kailangan pa rin niyang kumayod ng husto kapag lumaki na ang mga bata ay mas lalaki din ang pangangailangan ng mga ito. At saka ayaw niyang lumaki ang mga anak niya na tinatamasa ang lahat ng sarap ng buhay, gusto niyang matuto ang mga itong hindi umasa sa mga bagay na pwedeng ibigay ng mundo sa kanila. Yes, bata pa sila pero dapat ay masanay na sila na pinaghihirapan ang mga bagay. Kasi ang bagay na pinaghihirapan hindi madaling pakawalan.             Hindi katulad ng pamilya ng ama nito, na lahat ng bagay ay napakadaling makuha kaya nawawalan ng importansya at napakadaling ibasura. Nasa dugo pa rin ng mga anak niya ang dugo ng ama nila.             “Tapos na kayong magtanghalian?”             “Jazz.” Bati niya sa kaibigan na bagong dating, may bitbit itong basket na may lamang prutas. Agad na lumapit ang mga bata dito at kinuha ang basket saka iyon ang nilantakan. “Anong ginagawa mo dito?”             “Binibisita ang kambal mong pwedeng isali sa Miss Universe fifteen years from now at ako ang manager nila. My goodness ang sarap nilang kidnappin kasi mukhang mayayaman and take note, blue eyes pa sila. Mana sa iyo.” Kinikilig na usal nito.             Inirapan lang niya ang kaibigan at iniligpit ang pinagkainan nila, madalas ngang mapagkakamalan na foreigner ang papa ng mga anak niya dahil na rin sa kulay ng mga ito. Pero kapag nakikita naman siya ay sinasabing mana daw sa kanya dahil sa mga mata niya, may dugong banyaga ang ama niya na namana ang kulay ng mga mata sa tatay nitong hindi ito kinilala. At mukhang dominante ang kulay ng mga mata nito dahil namana niya at ang mga kuya niya naman ay sa nanay nila. It’s a rare chance actually kung icacalculate mo kasi maliit lang ang porsyento na mamana niya ang kulay ng mata ng tatay niya pero nangyari pa rin, parang there’s twenty five percent of chances lang. The same rin sa mga anak niya, hazel ang mata ng ama ng mga ito at siya naman ay blue, sabi ng doctor malamang daw nakuha ng mga bata ang fifty percent genes sa kanya at twenty five percent naman ang tatay ng bata lalo pa at mukhang may ibang lahi din ang ama ng kanyang mga anak.             Nagsusuot siya ng contact lenses noon na kakulay ng mata ng kanyang mga kapatid dahil ayaw niyang maging outsider. Nang magbuntis siya ay hindi na niya ginagawa iyon dahil nga sa busy na siya hanggang sa nasanay na rin siya and with her children with her hindi na niya kailangan pang magsuot ng contact lens because she already belong. At saka ang mga mata lang yata niya ang namana ng kanyang anak and the rest ay sa ama ng mga ito.             “Hoy, natulala ka naman diyan. Pupunta ba kayo sa nanay at tatay mo bukas? Nabanggit ng kambal na gusto nilang pumunta eh.” Biglang nagningning ang mga mata nito.             “Gusto mo lang makita ang kuya Bernard.”             “Naman friend ang hot kaya ng kuya mo I am sure may abs din iyon, may asawa na ba siya o kaya naman ay girlfriend? Ang alam ko wala pa eh, wala pa kasing maharot na nagpopost sa f******k niya unlike before. Hiwalay na sila hindi ba?”             “Kasal na ang kuya ko.” Biro niya.             “Hindi pa kaya stalker niya ako eh kaya dahil mabait ako sasamahan ko kayo, I have my car and I can drive.” Presenta nito.             “Kailan ka ba hindi sumama sa amin kapag nagpupunta doon? Sige silayan mo na ang kapatid ko.”             Pumalakpak ito. “I so love you sister-in-law, gusto kitang maging hipag dahil sa mga angels mo. How I wish magkakaroon din kami ni Bernard baby ng maraming babies na kasingganda nitong mga pamangkin ko.” At talagang nang-angkin na ng pamangkin ang babaeng ito. Sabagay parang pamangkin na nga talaga ang turing nito sa kanyang mga anak. Matagal na niyang kaibigan si Jazz, nakilala niya ito sa hospital dating nurse kasi ito pero dahil hindi nito feel ang shifting ng schedule kaya nagpasya nalang itong magtayo ng maliit na grocery store sa tabi ng inuupuhan niyang talyer, ang kanyang sariling talyer. Hanggang sa naging close na ito at ang mga bata, naging ninang din ito ng kambal. Matagal kasi bago niya napabinyagan ang dalawa dahil sa mga panahon na iyon gusto niyang ipaalam sa ama ng mga ito ang tungkol sa kambal, gusto niyang may mailagay na pangalan sa birth certificate ng mga anak niya. Sa pangungumbinse ng kanyang pamilya ay tuluyan na niyang binasura ang ideyang iyon dahil sinabi ng mga ito na hindi na kailangan ng kambal ang ama nito.             Naisip din niya iyon, mas mabuti ng walang kilalaning ama ang mga anak. Selfish kasi siya, natuto siyang maging selfish.             “Gawin kaya nating models ang dalawang ito I know an agency.”             Umiling siya sa sinabi nito. “Hindi pwede ayokong ma-expose sa limelight ang mga anak ko I want them to have a normal life.”             “Ayaw mo lang talagang ishare sa madlang people ang kagandahan ng mga pamangkin ko.” Angil nito sa kanya. Ngumiti siya sa sinabi nito at tumayo na. “Kakainggit ka bakit parang hindi ka nanganak sa pigura mo mas sexy ka pa nga sa akin samantalang may dalawang anak ka na. Ang daya ng world.”             “Gaga, ikaw na muna ang tumingin sa mga anak ko at tatapusin ko lang itong pagbuo ng kotse. Malapit ng kunin ng client eh.”             “Ay sure, akin na muna ang mga anak mong ang sarap angkinin.” Tumayo ito. “Babies ni tita Jazz, pasyal tayo tapos sabihin niyo ako ang mama niyo at si tito Bernard niyo ang papa, okay?” hindi na niya narinig pa ang sagot ng mga anak niya dahil mabilis na itong nakidnap ni Jazz.             May kulang man pero kompleto pa rin, dahil nandiyan ang mga anak niya sa tabi niya. Hindi niya kayang mawala ang mga ito, ikakamatay niya. Ayaw niyang dumating ang araw na mawawala ito sa kanya, she can’t afford that. Ang mga anak niya ang tanging bagay sa mundo na ipaglalaban niya ng p*****n kahit na sa ama nila, kay Eon Libiran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.3K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook