TT - 2

2191 Words
          “BAKIT siya pa?” napapitlag siya ng biglang ibato ni Eon ang boteng hawak nito, nasa isang bar sila ng mga oras na iyon. Heto na naman siya inaalalayan ang pusong nasaktan ng lalaking mahal niya. Kung nasasaktan ito dahil sa pagiging broken hearted nito ano nalang kaya ang tawag sa nararamdaman niya. Ayaw naman niya na nandito siya habang tinitingnan ito na nasasaktan at sinasaktan siya kaya lang bilang isang kaibigan at empleyado nito na kapag sa oras ng kagipitan ay palaging siya ang unang tinatawagan ay heto siya, isang text lang o kaya naman ay isang tawag lang hindi na siya makatanggi.             Mahal niya eh.             Tanga siya eh.             “Tama na iyan Eon.” Inagaw niya ang isang bote ng beer na mabilis nitong inubos. “Malalasing ka na naman niyan.”             “Huwag mo akong pakialaman Aleeyah! Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil kahit kailan hindi ka pa nagmahal.” Hinagpis nito. Gusto sana niyang sabihin na kung nararamdaman man lang ang pag-uusapan relate na relate siya. Sa sobrang relate niya ay ang sarap niyang ibaon sa ilalim ng lupa.             “Umuwi ka na Eon lasing ka na.”             “Ayoko! Ayokong umuwi maaalala ko lang si Xyler. Maaalala ko lang kung gaano ko siya kamahal.”             Napabuntong-hininga siya sa nakitang lungkot sa mga mata nito, kailangan niyang gawin iyon upang hindi siya maiyak. Ilang beses na ba niyang sinabi na gusto na niyang umalis sa poder nito dahil kapag nakikita niya ito ay naiiyak lang siya. Ilang beses na ba siyang nagpapanggap na okay lang siya pero kapag nag-aayos na siya ng sasakyan at nasa ilalim ay hinahayaan niyang manlabo ang kanyang mga mata sa mga luhang ayaw na sana niyang sayangin para dito.             “Sinabi ko naman sa iyo na sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya.” Aniya dito at kumuha na rin ng beer at saka uminom na rin. She wants to forget her own pain too, masyado ng masakit ang nararamdaman niya sa puso niya.             “Bakit ko pa sasabihin kung alam kong wala na akong pag-asawa. Palagi ako ang last choice, kahit na kina kuya at Ainsley kahit na ako ang pangalawa I am always the last option.” Patuloy nito.             Gusto sana niyang sabihin na sa kanya hindi ito kailannman magiging last option, dahil handa niyang iwanan ang lahat ng ginagawa niya para lang dito.             “Just move on already Eon darating din naman ang babaeng para sa iyo. Don’t settle for someone who doesn’t even know what you feel. May tamang babae para sa iyo iyong ikaw naman ang first priority niya.”             Mapakla itong tumawa at saka tumingin sa kanya. She really hates it when he looks at her and caught her eyes, bakit? Dahil sinasabi nito sa kanya na kapag ito ang kaharap niya ay talon a siya, palagi siyang natatrap sa mga mata nito.             “Sino naman ang babaeng iyon? ikaw?” malakas itong tumawa na para bang napakaimposible ng ideyang siya nga ang babaeng iyon. mabilis siyang humalukipkip upang kahit paano ay bantayan ang sarili niya. Iniisip lang niya na lasing na ito kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi nito. “You aren’t Xyler, Aleeyah. Hindi ka siya at hindi siya ikaw kaya impossibleng mahalin kita.”             Ayaw sana niyang pansinin ang mga sinasabi nito pero hindi niya kaya dahil tumagos iyon sa puso niya. tumagos iyon sa kalamnan niya, alam niyang napakaimposibleng magawa siya nitong mahalin dahil hindi nga siya ang dream girl nito.             Sino lang ba siya? Isa siyang hamak na babae na kahit pambili lang ng damit na gusto niya ay hindi niya magawa dahil mas gugustuhin niyang unahin ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Wala na nga siyang oras na mag-ayos at saka sanay na sanay na ang balat niya sa dumi at grasa mula sa mga sasakyan.             Hindi kagaya ni Xyler, Xyler is every man’s perfect girl. She’s gorgeous, classy, elegant, smart, rich, successful at galing sa Buena familia. Kung ire-rate silang dalawa, walang pwedeng ikompara dahil talong-talo na siya. Sa puso ng lalaking mahal niya ito pa rin ang panalo, wala siyang galit kay Xyler inggit meron pero galit wala. Bakit naman siya magagalit dito kung wala itong pinapakitang kasamaan sa kanya.             Kahit siya sa paningin niya sobrang perfect ng karibal niya kaya hindi niya masisisi kung si Eon ay mas pipiliin ito. Walang-wala siya kompara sa babaeng mahal nito, walang-wala, walang pwedeng ikompara. She’s just a spect of dust while Xyler is a pot of gold.             “Hindi ko naman sinabi na ako.” Mahinang sabi niya.             “Mabuti iyan.” Tumayo na ito at kung hindi lang niya naagapan ay malamang natumba na ito sa sahig. Napasubsob ito sa leeg niya at mahigpit siyang niyakap. “Xy-ler.” Bulong nito sa pangalan ng babaeng mahal nito. Tinaagan niya ang puso niya dahil ayaw niyang maiyak habang akay-akay ito. Kapag iiyak siya manlalabo ang kanyang mga mata, at kapag manlalabo ang kanyang mga mata ay baka hindi na niya makita ang daraanan niya at kapag hindi niya makita ang daraanan niya ay baka matapilok siya at masaktan ito.             “Iuuwi na kita Eon.” Aniya dito at saka maingat na inalalayan ito hanggang sa makarating ito sa parking lot. Kinuha niya ang susi ng kotse nito at siya na ang nagdrive ng sasakyan. Sanay na siya na palaging inuuwi ang lalaki sa condo unit nito kapag nalalasing ito. Kilala na nga siya ng mga kapitbahay at tenants ng unit pati na rin ng guard dahil siya ang palaging tagabitbit sa lalaking lasing. Kapag nagigising na ito ay wala na itong naaalala sa nangyari sa nakaraang gabi kaya nananatili nalang siyang tahimik.             At saka ayaw din niyang naaalala nito ang kung anuman ang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap dito. He was her first, it happened when he was so depressed with Xyler and he got drunk. Alam niyang naalala nito ang unang beses na may nangyari sa kanila dahil gising na gising ito. Pero hindi ito nagsalita at para bang wala lang ang lahat kaya itinago nalang din niya. nagpanggap nalang din siya na walang nangyari sa kanila at alam niya sa gabing ito, kapag naihatid na niya ang binata sa unit nito ay may mangyayari na naman sa kanila.             “Xyler…” he murmured when they reached his unit, binuksan niya ang pintuan ng silid nito ng makarating na sila. Inupo niya ito sa kama upang tanggalin ang sapatos na suot nito, gusto na niyang umuwi kaagad. Masyado ng lugmok ang pride niya para sagipin pa ang kanyang sarili.             “Matulog ka na Eon.”             Akmang aalis na sana siya ng bigla siya nitong hawakan, gamit ang mga malalamlam na mga mata nito ay muli na naman siya nitong papaikutin.             “Don’t leave me please.” He begs as he pulled her closer to him at niyakap siya sa beywang. “Xyler please don’t leave me.” Napakagat nalang siya ng labi dahil kahit na alam niyang hindi siya, kahit alam niyang ibang babae ang binibigkas ng mga labi nito ay patuloy pa rin siya sa kanyang kagagahan. “Huwag mo akong iwanan mahal na mahal kita.”             “Sleep Eon-.” Mabilis ang naging mga galaw nito dahil natagpuan nalang niya ang sarili niyang nasa ilalim ng katawan nito. He is undressing her, wanting to take her, at wala naman siyang nagawa dahil alipin siya nito. Alipin nito ang puso niya at kahit anong sabihin nito.             “Xy.” Napapikit nalang siya at hinayaang gawin ang gusto nito. Pagod na siyang mag-isip, pagod na siyang pigilin ang nararamdaman niya. “Xyler I love you so much.” Itinakip niya ang palad sa ibabaw ng kanyang mga mata upang hindi nito makita ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata niya. Siya ang kasama nito pero ibang pangalan ang binabanggit nito…                         Masakit ang ulo niya ng magising siya, malakas siyang napasinghap ng marealized kung anong oras na. Dapat ay kanina pa siya nakaalis pero napagod siya at tinamaan din siya ng nainom niyang alak. Mabilis siyang bumangon upang pulutin ang mga damit na nakakalat sa sahig ng mapansin na nakatitig sa kanya si Eon.             “Gising ka na?” namumutlang tanong niya dito, this is the second time she saw him awake after what happened. Noong una ay iyong unang beses na may nangyari sa kanila iyong unang beses na ibinigay niya ang sarili niya dito, at ngayon. Wala siyang mabasang kung anong ekspresyon sa mukha nito kaya bigla siyang nakaramdam ng kaba.             “Huwag ka ng pumasok.” Malamig na tugon nito sa sinabi niya at para siyang pinagbagsakan ng langit sa sinabi nito. Napaupo siya sa gilid ng kama habang takip pa rin ang kumot sa kanyang hubad na katawan. Tumayo ito at nagbihis at kahit na ilang beses na niyang nakita ang hubad na katawan nito ay hindi pa rin niya ito magawang titigan. May narinig siyang nagbukas at nagsara. “Here.”             Kunot-noong napatingin siya sa parisukat na bagay na nakalapag sa ibabaw ng kama nito. Her heart clenched at parang sinampal siya sa gusto nitong ipahiwatig sa bagay na iyon. “It’s a blank cheque, ikaw na ang bahalang maglagay ng amount. Sa iyo iyan spend it ikaw na ang bahala sa pera.” Iyon lang at mabilis itong umalis sa silid nito.             Habang siya naman ay hindi na napigilan ang sarili niya, ang kaninang pigil na iyak ay tuluyan ng namutawi sa kanyang mga labi. She wasn’t expecting anything from him but she wasn’t expecting him to treat her that way. Na para siyang isang babaeng bayaran.             Hindi niya pinansin ang bagay na ibinigay nito sa kanya, siguro naman sapat na iyon para magising siya sa katotohanan na kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal mo sa isang tao. Kung hindi sila marunong magbigay halaga ay masasaktan ka lang. Mas mabuting sarili nalang niya ang mahalin niya, ang respetuhin niya.  At saka wala na naman siyang babalikan, wala na rin siyang mukhang ihaharap dito.             Pagkarating na pagkarating niya sa kanyang inuupuhan na apartment ay mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit at iniligpit iyon. Kahit na hindi sabihin ni Eon ay aalis na rin siya sa poder nito, masyado ng lubog ang pride niya. May hangganan din naman siya, she needs to save herself first.             At sisiguraduhin niyang hindi na muling magkukrus ang landas nilang dalawa. Not when she’s still in love with him, kapag nangyaring magkikita sila sa hinaharap sisiguraduhin niyang may mas mahal na siya keysa sa mahal niya ito ngayon. Kapag nagkita sila sisiguraduhin niyang iba na ang priority niya at hindi niya kayang iwanan at ipagpalit ang taong darating at tatanggap sa kanya.             “Mama, bakit ka umiiyak?” untag ni Paris sa kanya. Mabilis niyang pinunasan ang luha mula sa kanyang mga mata at nakangiting bumaling sa anak niya.             “Hindi umiiyak si mama napuwing lang siya ng maraming alikabok.” Aniya dito.             “Wala namang alikabok sa kwarto natin mama, may aircon kaya tayo.” Singit naman ni London.             She just chuckled. “Okay, naiyak si mama kasi sobrang happy siya dahil may dalawa siyang angels na nag-aalalaga kay mommy.”             “Huuh, mama eh ang drama mo. Mabuti nalang mama at hindi ka artista dahil baka kakalawangin ang TV natin.” Humagikhik si Paris. “Sabi ni tita Ainsley kakalawangin daw ang TV natin dahil iyak ng iyak iyong bida sa TV kahit hindi naan siya ina-ano.”             “Kayong dalawa talaga huwag kayong makikinig diyan sa tita Ainsley niyo marami tuloy kayong natututunan na kabalastugan sa kanya.”             “Mabait naman si tita Ainsley mama.”             “Alam ko.”             “Mama, may sister din ba si tita Ainsley?” ginulo niya ang buhok ni Paris.             “Oo marami siyang sisters, mga nine.” Totoo naman iyon, Ainsley is so opened about their sorority to her. Kaya lang medyo naglie low ito sa pagkukwento dahil daw sa may mga humahunting daw sa kanila. Minsan nalang din dumalaw si Ainsley dahil medyo busy na rin ito sa ginagawa nito kaya naiintindihan naman niya iyon.             “Visit natin si tita, mama.”             “Huh?” napamaang siya sa sinabi ni London.             “Puntahan natin siya sa house nila.”             “Hindi pwede!” tumaas ng ilang decibels ang boses niya sa sinabi nito. “Kasi may mga kuya si tita Ainsley niyo. Ayaw nila sa mga bata dahil maiingay.”             “Hindi naman po kami noisy mama.” Pamimilit ni Paris.             “Paris, London, kapag sinabi ni mama hindi pwede sana makinig kayo.” Malumanay na sabi niya. “Kung pwede bakit naman hindi tayo pupunta hindi lang talaga pwede kasi bawal tayo doon. Hindi kasi bati ni mama ang mga kapatid ni tita Ainsley.”             “Bakit mama? Inaway ka ba nila?”             Tumango siya. “Inaway ako ng isang kuya ni tita Ainsley niyo.”             “Hindi pwede iyon.” tumayo at nagkibit-balikat si Paris. “Walang pwedeng mang-away sa iyo mama dahil gaganti kami.”             “HInid niyo naman kailangang gumanti sa akin mga anak, okay lang si mama basta hindi muli kami magkikita ng kuya ng tita ninyo.” Aniya sa mga ito.             “Sige na nga pero punta tayo sa Royale mama, ha.”             Napabuntong-hininga siya. “Sige, punta tayo bukas bago pumunta kina lolo.” Nagtatalunan ang mga ito sa saya sa sinabi niya. habang siya naman ay biglang lumakas ang kabig ng puso niya na hindi niya maintindihan, para bang may masamang mangyayari sa kanya bukas na hindi na niya maiiwasan.             Sana lang hindi kasing sama ng kung ano ang nasa isip niya. Please Lord, help me be safe with my children. She prayed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD