“MAMA bakit ka po natulog sa room ni London at hindi po sa room niyo?” inaayos niya ang pink na ribbon sa buhok ni Paris ng magtanong ito ng ganoong tanong sa kanya. “Dapat po isang room lang po kayo ni Boss kasi ganoon naman po dapat hindi ba?” sa liit ng anak niya minsan nagtataka siya kung alam na ba talaga nito kung ano ang dapat sa hindi. “Kapag malaki ka na Paris malalaman mo rin kung bakit hindi kami pwedeng magkasama ng Papa niyo. Ayokong lumala ang bali niya sa braso at malikot si Mama matulog kaya baka aksidente kong mapatid ang braso niya.” pagdadahilan na lamang niya at tiningnan ang ayos ng anak. Si London naman ay abala sa paglalaro ng kung ano sa tablet nito. “Paano po kapag may needs si Boss tapos malayo po kayo hindi niyo po siya maaalag

