“HAYAAN mo muna ang kaibigan kong magpahinga.” Narinig niya ang sinabi ni Jazz sa taong nasa labas ng kwarto niya sa bahay ng kanyang mga magulang, nakatulog na ang mga bata at nagPapasalamat siya na tulog ang mga ito or else magtataka ang mga bata kung bakit siya umiiyak. “Ibigay mo ito sa kanya, she needs this.” Muli na namang tumulo ang luha niya ng marinig ang boses ni Eon. Akala niya ay okay na pero hindi pa pala, may mas malalang malalaman pa pala siya. Right now, nasasaktan siya pakiramdam kasi niya ay niloko siya kahit na wala naman siyang karapatang masaktan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Pumasok si Jazz sa loob ng silid bitbit ang isang baso ng gatas na marahil ay ibinigay ni Eon. Ibinaba ni Jazz iyon sa katabing mesa a

