KANINA pa siya tahimik na kumakain ng malayo kay Eon, baka kasi ano na naman ang pumasok sa isip nito at hilahin nalang siyang bigla, after what happened last night sa talyer ay wala na siyang mukhang maiharap dito. Mabuti nalang at siya ang naunag nagisinng dahil pagkakuha na pagkakuha niya sa mga damit na basta-basta nalang nilang itinapon sa kung saan ay biglang dumating si Mia. Nagtataka pa ito kung bakit nandoon pa siya, sinabi lang niyang doon siya nakatulog and that Eon was with her too. Mabuti nalang at hindi ito nagduda sinabihan kasi niya si Eon na magbihis kaagad at hindi talaga pumapasok si Mia sa office niya. Biniro pa nga siya nitong may bodyguard daw siya. Nang magpaalam silang dalawa ay dinala muna siya nito sa opisina nito sa Race Track dahil kukuha

