Galit na inihagis ni Cazcoe pabalik sa sekretarya ang mga dokumentong dinala nito sa kanya. Hindi iyon lahat nasalo ng babae kaya nagkalat ang mga papel sa sahig. Mga mahalagang dokumento iyon ng A-line. Tinotoo nga ni Caridad ang sinabi nito. “Who delivered these documents?” Dumadagundong ang baritono niyang boses sa apat na sulok ng malaking opisina. Napaatras ang sekretarya, hindi nito magawang iangat ang ulo. Iyon ang eksenang naabutan ni Nazaron. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa kawawang sekretarya na napagbuntunan niya ng galit. “What’s happening here?” Nakataas ang mga kilay ni Nazaron. He groaned, frustrated. Sinenyasan niya ang sekretarya na maaari na itong lumabas. Isinandal niya ang likod sa sandalan ng executive chair at kunot-noong tumingin sa kaibigan. “Wh

