Ineskortehan si Cazcoe ng kanyang mga kaibigan hanggang sa bahay niya. Kahit na tinataboy niya ang tatlo ay tatawa-tawa lang ang mga ito, kaya mas lalong nag-uusok ang bumbunan niya. Ang lakas ng loob ng tatlo por que may asawa na ang mga ito at tapos nang danasin ang mga pinagdadaanan niya ngayon. But was it really the curse? Naalala pa niya ang sinabi noon ni Zeki nang interogahin nila ito: “Don’t you feel like we’ve been struck by a curse? A curse of always having a huge secret involving a woman… a wife to be exact." Matapang pa siya noon. Akala niya ay hindi mangyayari sa kanya ang nangyari sa mga kaibigan niya. Pero mukhang hinahabol na nga siya ng sumpa ngayon. Hindi nga lang niya asawa sa kasalukuyan si Caridad, subalit dati niya pa rin itong asawa. “Talaga bang ayaw mong dalhi

