7 Napasulyap ako kay Regina, na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napangisi ako, salamat dahil tumigil na rin ito sa kada-dakdak. Gustong-gusto ka na itong halikan kanina, nagpigil lang ako baka lalong magalit ito sakin. Hindi ko parin maiwasan ang mainis tuwing naalala ko ang lalakeng kausap niya kanina, tang ina may pangiti-ngiti pa ito habang kinakausap ang lalake! Samanatalang pag ako ang kausap ay parang gusto nito akong isuot sa mata niya. Halata naman sa lalake na may gusto ito kay Regina, pero sorry siya! Regina is mine! Subukan niyang agawin sakin si Regina, hindi lang suntok ang makukuha niya! Gusto ko na nga itong balian ng buto at burahin ang mukha dahil sa pag-ngiti nito kay Regina. Dahil din sa tindi nang galit ko kanina ay hindi ko naiwasan na sigawan si Regina, nagisisi

