bc

Hot men series

book_age18+
6.5K
FOLLOW
31.3K
READ
possessive
age gap
CEO
drama
sweet
bxg
small town
cheating
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG

Hot men 1: ang pagmamahal ni Alyana para kay Bernard ay walang nagbago kahit pa ilang taon nitong hindi nakita ang binata.

Hot men 2: para kay Regina walang kapatawaran ang ginawang panloloko sa kanya ni William, pero sa pagbabalik niya sa lalake ay nagbalik din kaya ang pag-ibig nito para sa binata.

chap-preview
Free preview
1
Alyana: After five years nakabalik na ulit ako sa lugar na pinagmulan ko, sobrang saya ko kadarating ko lang galing Singapore nagtrabaho ako do'n bilang waitress sa isang restaurant, two years lang ang contract ko pero nag extend ako gusto ko kasi makaipon para makapagpatayo ako ng negosyo at sa awa naman ng dyos nakapagpundar ako ng pwesto sa palengke dito sa probinsya namin kaya masaya ako na kahit papano ay nabigyan ko ang magulang ko ng negosyo. "Ate na miss talaga kita," maligayang sabi ng nakababata kong kapatid na si Bella, limang taon ang tanda ko dito 20 years old na ito at graduating ng kursong HRM. Napangiti ako dito ang bilis talaga ng panahon. "Na miss ko din kayong lahat," nakangiting sagot ko dito, nandito ngayon kami sa kwarto ko, gusto daw niya ako makatabi sa pagtulog dahil sobra daw niya ako na miss, ako din naman na miss siya, sya lang kasi ang nag iisa kong kapatid. "Salamat Ate, dahil sayo nakapag pagawa tayo ng mas maayos na bahay" sabi nito na nakatingin sakin, "nakapagpundar ka ng negosyo para kina nanay, Hindi na nila kailangan maglaba ng damit ng iba" malungkot na sabi nito, naalala ko naman ang paghihirap nina nanay at tatay, isa din yun sa naging inspirasyon ko para nakipag sa palaran sa ibang bansa. "At salamat dahil pinilit mo na tustusan ang pag aaral ko" napaiyak na ito kaya niyakap ko siya, "pangako ate kayo naman ang tutulungan ko" pangako ito, Umiling ako. "Magtutulungan tayo" nakangiting sagot ko. Tumango ito. "Matulog na tayo Bunso sobrang napagod ako sa byahe" sabi ko sa kanya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap. Ngumiti ito at tumango. Lumapit ako sa kama at ipinagpag ang kumot at unan. "Ahmmm ate?" Tawag sakin ni Bella habang pinapagpagan ko ang kama. "Ahmm?" Sagot ko dito. "Bumalik na pala si sir Bernard" sabi nito, napatigil ako sa ginagawa ko. Napahinga ako ng malalim ng Naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko, kinalma ko ang sarili ko bago humarap sa kapatid ko. "Mabuti naman siguradong masaya si señora" nakangiting sagot ko. Kumunot ang noo nito pero agad din ngumiti. "Dalaga ka na nga ate.. Dati pag naririnig mo lang ang pangalan niya para kang bulate na binudburan ng asin" nang aasar na sabi nito. Napanguso ako. "Alam mo ikaw'" pinanlakihan ko ito ng mata. "Wala kang chocolate sakin" naiinis na sabi ko dito at nahiga sa kama nagtalukbong ako ng kumot, Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Bella, aminado ako na may gusto parin ako kay sir Bernard, syempre siya kaya first crush ko, love nga ata eh.   Bernard: Ibinaba ko ang isang bungkos na pulang rosas sa ibabaw ng isang lapida kung saan nakahimlay ang babaeng sobra kong mahal, si Clara ang namatay kong kasintahan, umupo ako sa tapat nito, ang tagal ko rin hindi nakadalaw dito. "Pasensya na mahal kung ngayon lang ako nakadalaw" mahinang sabi ko habang nag sisindi ako ng kandila. "Miss na miss na kita mahal" tumingala ako habang pinipigilan ang pag patak ng luha ko, ng pakiramdam ko ay kaya ko ng pigilan ang luha ko ay binalik ko ang tingin ulit sa lapida, bahagya akong ngumiti. "Nandito ka parin" sabi ko habang nakaturo ang daliri sa tapat ng dibdib ko. "Ikaw parin" minsan gusto ko ng magpakamatay pero alam kong hindi s'ya matutuwa. Ilang oras pa ako nag stay sa puntod ni Clara ng mapagdesisyonan ko ng umalis paniguradong hinahanap na naman ako ni mama. "Babalik ulit ako mahal" paalam ko sa kanya, napabuntong hininga ako bago tuluyang umalis.. Binabaybay ko ngayon ang daan patungo sa mansyon namin, nasa tapat na ako ng maliit na palengke sa bayan ng may bigla tumawid agad akong napaapak sa preno, kita ko sa mukha ng babae ang gulat pero agad din nawala yon at napalitan ng galit at hinampas ang unahan ng sasakyan ko may sinasabi ito pero hindi masyadong marinig. Akmang lalabasin ko na ito ng may humila dito na babae na sa tingin ko ay mas bata dito. Napaiiling nalang ako s'ya itong bigla nalang sumulpot tapos s'ya pa itong nagalit. Pinagpatuloy ko nalang ang pag da-drive ko kaysa pansinin pa ang mga ganung bagay. --- ALYANA: "Bitiwan mo nga ako Bella!" Galit na utas ko sa kapatid ko, bigla ba naman akong hilahin, gusto ko pang turuan ng leksyon ang tarantadong driver ng kotse muntik ng makasagasa sa'ken. "Ate' kasalanan mo naman kung bakit muntik kanang masagasaan" nakangusong sabi nito at binitiwan na ang pagkakahawak sa braso ko, napairap naman ako kasalanan ko ba na hindi ako nakatingin sa daan? Pinagmasdan ko lang naman ang ganda ng aming munting bayan. "Tse!" Sabi ko nalang at naunang maglakad papunta sa pwesto ng aming tindahan sa loob ng palengke. Narinig ko namam ang paghagikhik ni Bella, kaya napahalukipkip ako. "Hi Bella? Sino yung kausap mo kanina?.. Ang ganda pakilala mo naman ako" rinig kong may nagtanong kay Bella pero hindi ko ito nilingon. "Haha! Ate ko s'ya! At tumigil ka nga kuya Raymond sumbong kita sa asawa mo!" Sagot ni Bella, narinig ko ang tawanan naman ng mga tao. Marami pang tanong kay Bella pero hindi ko na inintindi pa dumeritsyo na ako sa pwesto namin kung saan nag hihintay sina mama at papa, may kausap ang mga ito na medyo matangkad at maputing babae hindi ko masasabi kong maganda ito dahil nakatalikod ito, diba may iba naman na maganda lang pag nakatalikod hihihi. "Ma! Pa!" Agaw pansin na tawag ko na halos lahat ng namimili ay napalingon sa ganda ko charot.. Para naman akong natulala ng pati yung babaeng kausap nina mama ay humarap din, para akong nakakita ng dyosa sobrang ganda nito nakaka insecure. "Oh nak nasaan si Bella?" Agad na tanong ni papa. "Yes papa hanap nyo po ako?" Boses mula sa likod ko. "Hi ate Nicka lalo ka yatang gumaganda" nakangiting bati ni Bella sa babae na kausap nina papa. "Ok naman Bella, ito parang tumataba na dahil lumalaki na si baby sa tyan ko" nakangiting sagot nito habang hinihimas ang tiyan nito, wow buntis pala ito, "s'ya po ba ang anak nyo na galing Singapore?" Baling na tanong kina mama. "Naku oo hija' sya si Alyana ang aming panganay" pag papakilala ni mama, ngumti ito at bumiso sakin. "Hi Alyana' I'm Nicka. Nice to meet you" nakangiting pag papakilala nito.   Alyana: Bitbit ang bayong na may lamang prutas at gulay ay nagtungo kami sa bahay ng mga Alcatraz, tuwing unang araw pala ng linggo ay nagtutungo si inay para bigyan ng prutas at gulay ang señora bilang pasasalamat sa lahat ng kabutihan nito samin, naisipan ko nalang sumama dahil na miss ko din ang señora mabait kasi ito sakin kaya napamahal na ito sa'ken "pati nga anak minahal mo eh" ani ng malandi kong isip, napahagikhik ako, napatingin naman sa'ken si mama na parang nag tatanong kung bakit ako tumatawa kaya napailing nalang ako kay mama. Nagkibit balikat nalang si mama at pumasok sa gate nandito na pala kami sa mansyon, sa likod kami dumaan para mas malapit sa bahay, pag kasi sa unahan kami dumaan ay malayo pa ang mismomg bahay ng mga Alcatraz, alam nyo yun bahay ng mayayaman eh sa dulo. "Alyana? Nak ikaw na ba yan?" Tawag ni nanay Ising ang mayordoma ng mansyon, nak kasi ang tawag nito samin ni Bella, ngumiti ako niyakap si nanay Ising, sa may kusina kami dumaan para makapasok sa bahay at naabutan ko nga namin si nanay Ising. "Na miss ko po kaya nanay Ising" masayang sabi ko ng humiwalay ako sa kanya. "Ikaw din nak na miss kita. Lalo ka yatang gumaganda? Naku paniguradong marami kang naging manliligaw sa abroad?" Nakangiting tanong ni nanay, napalabi naman ako. "Naku nanay wala nga po eh hindi po yata nakikita ng mga lalaki ang ganda ko" nakangusong sagot ko, humagalpak naman ng tawa si nanay ising at mama kaya lalong napanguso ako. "Naku tatanda na yatang dalaga ang anak ko Ising, 25 na pero hindi pa nag no-nobyo" tatawa-tawang sabi ni mama, lalo naman humaba ang nguso ko,. "Maiba tayo Ising nasaan ang senyora?" Tanong ni mama. "Nandon sa teresa sa pangalawang palapag at kausap si sir Bernard" bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko ng banggitin nito ang pangalan ng lalaking matagal ko ng lihim na minamahal. "Ah sigi Ising, kakamustahin ko lang ang Señora" sabi ni nanay bumaling sakin si mama "sasama kaba sa taas anak?" Tanong ni nanay agad naman akong umiling. "Hindi na po mama, hitayin ko nalang po kayo" nakangiting sagot ko. Tumango naman si mama,. "Oh sya nak samahan ko nalanvmg ang mama mo sa taas, dito ka muna o mag aliw-aliw ka sa hardin diba do'n ka lagi nag lalagi pag nandito ka noon?" Tanong ni nanay ising, tumango naman ako habang nakangiti, tiningnan ko sila na umalis, napabuntong hininga ako gusto ko man sumama at makamusta manlang ang senyora pero nahihiya ako dahil nandon din si sir Bernard. Tulad ng suhesyon ni nanay Ising ay nagpunta nga ako sa hardin dito sa mansyon, nagningning ang mata ko ng makita ko ang magagandang bulalak na namumukadkad. "Wow" manghang sambit ko, ibang-iba na ito mas gumanda ngayon, lumalit ako sa tabi ng mga rosas at hinaplos ang bulaklak habang nakangiti, aliw na aliw ako sa pagtingin sa mga bulaklak. "WHO ARE YOU!" Lalaking-lalaki na boses na tanong mula sa likuran ko, napatalon ako sa gulat, ang bilis ng t***k ng puso ko, hindi dahil sa gulat dahil pamilyar ang boses nito. Dahan-dahan akong humarap at napalunok ako at ramdam ko ang pagtulin ng t***k ng puso ko ng masilayan ang gwapo pero nakakunot ang noo nakatingin sakin. "S-sir Bernard" naiilang na sambit ko sa pangalan nito lalo naman kumunot ang noo nito, tumagilid ang ulo nito na parang kinikilala ako na lalong nag pa gwapo sa paningin ko.   ALYANA's: "Hoy ate" pumitik si Bella sa harap ko kanina pa pala ako nakatulala habang nakahalumbaba, hindi pa rin kasi ma waglit sa ala-ala ko ang nangyari sa hardin ng mga Alcatraz, actually wala naman talagang nangyaring maganda natulala lang naman ako kay kuya Bernard hanggang sa dumating sina mama sa hardin para ayain na akong umuwi, nag kamustahan sina mama at sir Bernard, may ngiti sa labi nito habang kausap si mama pero seryoso ang mga tingin nito sakin, napanguso ako at tumingin kay Bella na ngayon ay nagsusukli sa costumer. "Naku ate masama sa negosyo ang humalumbaba, at yang nguso mo ate" nanliliit ang mata nito, parang mas matanda ito sakin kung kumilos, nandito kasi kami ngayon sa palengke kami ang bantay sa pwesto namin. "Pasensya na po ate Bella" nang-aasar na sabi ko sa kanya, napasimangot naman ito dahil sa pagtawag ko dito ng ate. "Ate talaga" umiirap ba sabi nito, nginisian ko lang naman ito, inayos ko nalang ang mga gulay na nagulo na dahil sa pag pili ng mga costumer. Natahimik na din si Bella at katulad ko din siguro ay nag aayos ng mga paninda nakatalikod kasi ako dito. "Magandang araw po senyora" magiliw na bati ng kapatid ko kung sino man yun, nakatalikod parin kasi ako dito. "Magandang araw din hija" pamilyar ang boses nito, "ikaw na ba yan Alyana?" Kaya pala pamilyar dahil si senyora Ezme pala, inayos ko muna ang sarili ko bago humarap, halos tumigil ang mundo ko ng makita ko ang kasama ng Senyora, natulala na naman ako, kung hindi hinawakan ng Senyora ang kamay ko ay hindi ako mababalik sa reyalidad. "Kumusta kana hija?" Magiliw na tanong nito habang hawak pa din ang kamay ko, nahihiya naman akong tumingin kay Senyora. "O-ok lang naman po senyora" ngumiti ako at pilit inaalis ang pagiging kabado, sino ba naman ang hindi mahihiya kung ang taong matagal mo ng gusto ay seryosong nakatingin sayo, si Kuya Bernard kasama siya ng senyora. Napatingin kami ni senyora kay kuya Bernard ng malakas itong tumikhim. "Yes son?" Nakakunot ang noong tanong ng senyora. "Mom, bilhin nyo na kung ano ang kailangan n'yo. Hindi ko alam kung bakit kailangan n'yo pa akong isama" seryosong sabi nito sa ina niya, napa ismid naman ang senyora dahil sa sinabi ng anak niya. "Kailangan ko ng driver at magbubuhat ng mga bibilhin ko anak"sagot ni senyora habang humaharap sa'kin at kinindatan ako, hindi ko alam kung para saan ang kindat na yun. "Ma. May sarili kang driver... At may pupuntahan pa ako" sagot naman nito, napabuntong hininga naman si senyora sa naging sagot ng anak, nakita ko sa mata ng ginang ang pangungulila siguro dahil matagal si kuya Bernard bago bumalik dito, gusto siguro ni senyora na makasama ng matagal ang anak. "Sige na anak umalis kana, puntahan muna si Clara" para naman tinusok ng maliliit na karayom ang puso ng bangitin ni Senyora ang pangalan ni ma'am Clara siya lang naman ang pinakamamahal na nobya ni sir Bernard. "Tatawagan ko si Mang Tasyo para sunduin kayo" sabi ni kuya Bernard bago lumalit sa kanyang ina para humalik sa pisngi ng ina, tango lang ang sagot ng ginang, napayuko ako ng sumulyap ito sa'kin, narinig ko pa ang malakas na pag buntong hininga nito bago nag lalakad paalis. "Ang anak ko kailan kaya niya malilimutan si Clara? Kailan kaya mag mamahal ng iba ang anak ko? Ang tagal ng patay ni Clara pero hanggang ngayon mahal na mahal parin niya ito" malungkot na pahayag ng ginang, napatingin ako dito na may lungkot ang mata, napakagat labi ako, nakaramdam ako ng inggit kay ma'am Clara dahil kahit matagal na itong namatay may tao parin umaasa at nag mamahal dito.   BERNARD Nandito ako sa loob ng kotse ko habang nakatingin kay mama habang kausap nito yong babaeng tinawag niya na Alyana, buhat ni Alyana ang mga pinamili ni mama habang nag uusap, siguro hinihintay nila ang driver namin. Medyo malayo ako sa kanila, pumunta ako sa puntod ni Clara pero agad din akong umalis, hindi ko maintidihan ang sarili ko parang may humahatak sakin pabalik sa palengke. Parang may iba akong nararamdaman tuwing makikita ko si Alyana, napapikit ako at inalala ang maamo nitong mukha no'ng una kaming nagkita sa may hardin, unang beses nga lang ba kaming nagkita? Bakit may pakiramdam ko ay matagal ko na siyang nakita pero bakit hindi ko maalala. Marahas akong napabuntong hininga. "f**k" hindi ko mapigilan ang mapura ng makita ang pagtawa nito habang kausap si mama, kahit hindi ko narinig ang pagtawa niya ay parang naghatid yun ng kakaibang t***k sa puso ko. Napahawak ako sa puso ko at napailing. "Hindi ka pwedeng tumibok para sa iba, nakalaan ka lang para kay Clara" mahinang bulong ko sa sarili ko, pinaharorot ko ang sasakyan ko ng makita na dumating na ang driver ni mama. ---- ALYANA Nakangiti ako habang kumakaway kina Senyora, sinamahan ko kasi ito habang hinihintay ang driver nito. "Alyana don't forget, sabado dinner" paalala ni Senyora habang nakasilip sa bintanan ng sasakyan nito. Ngumiti ako at tumango. "Opo Sen- tita Ezme napangiwi ako dahil muntik ko na kasi matawag itong senyora, sinabi kasi nito na magagalit ito pag tinawag kong Senyora. Ngumiti naman ito. Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang sasakyan nina Tita Ezme. -- "Naku! Naku! Baka gusto nyo na kalbuhin kayo ni Ate?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Bella, kausap nito ang ilang tindira sa katabi ng pwesto namin, ano naman kayang pinag uusapan ng mga ito. "Eh bakit naman? Pag naging asawa ko si sir Bernard siguradong magiging Donya ako, hindi ko na kailangan na mag tinda dito" sabi ng kausap ni Bella na parang nangangarap pa ng gising, pansin ko din ang sobrang kapal ng make up nito at pulang pula abg labi sobrang ikli din ng sout nito kulang nalang makitaan ito ng singit. Nakita ko naman ang pag ikot ng mata ni Bella at halatang naiinis ito sa kausap. "Hanggang pangarap ka nalang.. Umalis nga kayo sa harap ng tindahan namin baka malasin" nainis na sabi ni Bella sa mga kausap. "Tse!" Inirapan nito si Bella, pero hindi naman yon pinansin ng kapatid ko. "Mukhang badtrip ka sis ah" natatawang sabi ko ng makalapit ako dito, tumingin ito sakin at sinimangutan ako. "Nakakainis kasi dyan yong iba, akala mo kasi sobrang ganda" malakas na sabi ni Bella, napangiwi naman ako dahil halatang nag paparinig ito, napatingin tuloy ako do'n sa mga babaeng kausap nito kanina, nang makita ako ng mga ito na nakatingin sa kanila ay inirapan naman ako. Napabuntong hininga naman ako. "Tama na nga yan Bella" saway ko dito. "Eh kasi naman ate kung tingnan nila kanina si sir Bernard parang nere-reyp.. Dapat mainis ka din ate kasi may pagnanasa sila kay sir Bernard" parang batang maktol nito, napailing naman ako. "Hindi ko naman s'ya pag aari para mainis ako" nakangusong sagot ko. "Basta ate may pakiramdam ako na kayo ang nakatadhana" napatawa ako dahil sa sinabi nito, kailang pa ito naging manghuhula. "Wag mo akong tawanan ate" nakangusong sabi nito habang naka cross arm. "Hindi kami nakatadhana Bella, ni hindi niya ako kilala... At alam ko na kahit kailan hindi ko siya magiging pag aari dahil may nag mamay-ari na sa kanya.... At katulad nila" sabi ko habang tinuturo yung kausap kanina ni Bella na nag kukuwentuhan at nagtatawanan na. "Hanggang pangarap nalang din ako na maging reyna ng buhay ni sir Bernard" sabi ko na may malungkot na ngiti sa labi. --- BERNARD Pinag masdan ko ang singsing na ibingay ko kay Clara bilang enggagement ring. "Clara" mahinang bulong habang pinagmamasdan ang singsing. Napatingin ako sa pinto ng library ng biglang bumukas ito, nando'n si mama at malungkot na nakatingin sakin. "Anak" malungkot na sabi ni mama na nakalapit na sakin, hindi ako nagsalit at patuloy na pinagmasdan ang singsing. "Palayain mo na si Clara, palayain mo na ang sarili mo" umiiyak na sabi ni mama, umiling ako habang nakakuyom ang kamao. "Hindi ko kaya mama, kung sana mas inuna ko siya keysa sa lentik na negosyo na yan sana kasama ko pa siya ngayon o kaya naman magkasama na sana kami ngayon sa langit" nagtatagis ang bagang na sagot ko. "Anak wag mong sabihin yan" umiiyak parin na sabi ni mama. "Puwes wag nyo rin hilingin na palayain ko si Clara, wag nyo na ulit sabihin na pakawalan ko ang pagmamahal kay Clara, dahil hindi ko kaya. Si Clara lang ang mamahalin ko hanggang sa huli kong hininga" tuloy-tuloy na sabi ko, wala na akong pakiaalam kong nasigawan ko na si mama, lalo naman na humagulhol si mama. Marahas akong bumuntong hininga at akmang aalis na ng magsalita ulit si mama. "Anak wag mong isarado ang puso mo para sa iba" nakangiti na ito pero halata parin ang lungkot, napatigil ako at biglang lumitaw sa ala-ala ko ang maamong mukha ni Alyana na masaya, at naramdaman ko na naman ang kakaibang t***k ng dibdib ko.   BERNARD: Napahilamos ako ng mukha nang makita ko ang oras sa may ibabaw ng kabinet na katabi ng kama ko. Mag a-alas dos na ng hapon, hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko ay lasing na lasing ako. Napatingin ako sa paligid at nakitang malinis na ito wala ng mga bote ng alak na nagkalat, napahawak ako sa noo ko dahil ramdam ko ma sumakit ito. "Mabuti naman at gising kana anak" malumanay na sabi ni mama na nakapasok na pala sa loob ng kwarto ko, may dala ito na tubig at gamot, ipinatong nito ang dala sa ibabaw ng cabinet. "Thanks mom" inimon ko ang gamot na ibinigay niya, ngumiti ito bilang sagot at umupo sa kama. "Sya nga pala anak... Mamayang dinner may bisita tayo" nakangiting sabi nito, kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Excited na nga ako anak para mamaya" masayang dugtong pa nito at pinagdaop ang palad na parang nanalangin, dati naman ng may bumibisita sa mansyon pero kahit kailan hindi naging ganito kasaya si mama, "naku maiwan na kita dito anak kailangan kong tingnan ang mga niluluto ko" para itong bata na nag mamadaling umalis sa kwarto ko, napailing nalang ako. "Mom' careful" sigaw ko dahil baka madulas ito sa hagdan sa sobrang pag mamadali. Kung sino man ang bisita ni mama ay alam kong mahalaga ito kay mama, dahil hindi naging ganito ito kahit kay Clara, napabuntong hininga ako ng maalala ang girlfriend ko. -- ALYANA: "Masarap ba?" Tanong ko kay Bella ng ipatikim ko dito ang niluto kong adobong manok, pumikit ito na parang nasa isang commercial. "Yummy" napamguwi ako dahil sa naging sagot nito, "paniguradong ma iinlove na sayo si sir Bernard" dugtong pa nito, napatapik naman ako sa noo ko. "Tumigil ka nga Bella" saway ko dito, pero hindi ko mapigilan ang mapangiti, dahil sa kakulitan ng kapatid ko na bagay daw kami ni sir Bernand. "Pero kinikilig ka naman" ani ng malandi kong utak, napailing nalang ako. "Asus si ate namumula" natatawang sabi ni Bella, napahawak naman ako sa mulha ko at napasimangot dahil sa pang-aasar ng kapatid ko. -- Bumaba kami sa jeep na pag mamay-ari namin ng makarating kami sa loob ng hacienda ng mga Alcatraz, hinintay namin na maiparada ng maayos ni tatay ang jeep para sabay-sabay na kaming pumasok sa loob, inilibot ko ang mata ko dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin, pero wala naman akong nakita kaya nag kibit balikat nalang ako. "Feeling ko tuloy ate namamanhikan tayo" bulog ni Bella sabay hagikhik sa tabi ko na may dalang tuperware na may lamang pagkain, may dala din akong pagkain. Hindi ko rin napagilan mapahagikgik dahil sa sinabi niya. Napatigil kami sa paghagikgik ng makita namin si Tita Ezme na naghihitay samin sa may pintuan ng mansyon, magiliw itong nakangiti samin. --- BERNARD: "Nandito na po ang bisita ng mommy n'yo Sir" magalang na sabi ng isa sa mga katulong namin, seneyasan ko lamg ito na umalis. Nakaupo ako ngayon dito sa libray na ginawa ko ng opisina ko. Tumayo ako at sumilip sa isa sa mga bintana dito sa libary kung saan tanaw ang malawak na lupain namin, inilagay ko ang dalawang palad ko sa bulsa ng pants ko, may nakita akong jeep na tumigil, mula sa jeep ay may bumaba ang isang babae na kahapon pa gumugulo sa isip ko, kasunod nitong bumaba ang nakababatang kapatid nito, mula sa tayo ko ay pinagmasdan ang kilos nila, nakita ko na tila may binubulong ang mas bata sa ate niya, naniningkit ang mata ko ng makita ang pagtatawan ng mga ito na parang kinikilig. "f**k" naiinis ako sa isipin na kinikilig ito sa ibang lalaki. "Idiot, anong pakialam mo kung kiligin ito sa ibang lalaki" ani ng isip ko. Kumuyom ang kamao ko at parang gusto kong suntukin ang sarili ko at ipaalala na may girlfriend ako. Nakita ko ang pag-ikot ng tingin nito sa paligid na parang may hinahanap, pero ng walang makita'y nakita ko ang pagkibit balikat nito. Marahas akong bumuntong hininga at nag madaling lumabas para mag tungo sa dinning area, parang gusto ko na agad marating ang dinning area, ngayon ko lang naramdaman ang pag mamadali sa kilos ko. Parang gusto kong makita ng malapitan ang babaeng nag papabilis ng t***k ng puso ko no'ng una palang kaming nagkita.   ALYANA: Hindi ako makakain ng maayos lalo na't kasabay namin ngayon kumain si sir Bernard. Kahit malayo kami ng inuupuan ay hindi ko mapigilan mapasulyap dito, nakita ko na seryoso itong kumakain, bali kasi ang arrangement ng upo namin ay ganito magkatabi kami ni Bella habang nasa tapat namin sina inay samantalang ang mag ina naman ay nasa magkabilang dulo ng table. Hiling ko na wala sanang makapansin sa nakaw na pagsulyap ko kay sir Bernard lalo na itong kapatid kong medyo madaldal. "Ehem... Ang sarap talaga ng luto mong adobo Alyana" basag ni Tita Ezme sa katahimikan, namula ako dahil sa papuring iyon ng Senyora. "Naku maraming salamat po" nahihiyang tugon ko, ngumiti lang naman ang Senyora. "Nagustuhan mo ba anak ang adobo ni Alyana?" Maya-maya ay tanong nito sa anak, para naman sinilihan ang puwet ko dahil sa naging tanong nito, pakiramadam ko'y uminit lalo ang buong mukha ko, narinig ko rin ang mahinang hagikgik ng kapatid ko. "It taste good, walang pinagkaiba sa adobong natikman ko" seryosong tugon nito, nakagat ko ang dila ko dahil sa naging sagot niya, ok na sana eh bakit dinugtungan pa. "Wag kang mag-alala ate sa susunod best kana" bulong Bella sa tabi ko habang patuloy at tumawa ng mahina, napasimangot ako kay Bella. "Excuse me, madami pa akong gagawin" paalam ni sir Bernard hindi na nito inubos ang kinakain. "Pero anak hindi pa ubos ang pagkain mo" malumanay na sabi ni Senyora sa anak. "Busog na po ako ma" lumapit ito kay senyora at dahil dumaan ito sa likod ko para makalapit kay Senyora ay naamoy ko ang mabangong amoy nito, grabi lalaking-lalaki ang amoy nito. Hinalikan nito ang Senyora sa noo, tapos ngumiti ito kina mam bago tuluyan ng umalis. Napasimangot ako dahil hindi manlang ako pinansin, grabi ang suplado talaga. "Asa ka naman na papansinin no'n" kantyaw ng kontrabida kong utak. --- BERNARD: Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama, ipinatong ko ang braso ko sa noo ko at pumikit. Isa lang ang nasa isip ko sa mga oras na'to, hindi ko kayang makasama ng matagal si Alyana sa iisang lugar. Nagsinungaling ako ng sabihin ko na pareho lang ang lasa ng niluto ni Alyana sa ibang adobo na natikman ko, para sakin ay iyon na ang pinakamasarap na pagkain na nakain ko kahit ang luto ni Clara ay walang sinabi sa luto ni Alyana. "s**t" napabangon ako at hindi mapagilan na guluhin ang buhok ko."what's happening to me? Bakit ko ikinokompara ang luto ni Alyana at Clara". Kinuha ko ang larawa ni Clara na nasa ibabaw ng cabinet na malapit sa kama ko, hinaplos ko 'to, masayang nakangiti si Clara dito. "Sa tingin ko nag tataksil ako sa'yo mahal ko" malungkot na sabi ko "pinipilit ko naman labanan, pero tuwing makikita ko siya may kung ano dito.." Tinuro ko ang dibdib ko. --- ALYANA: "Naloka na" napakamot ako sa ulo habang inaalala kong saan ako dumaan, naki Cr kasi ako at hindi ko alam kong saan ako dumaan wala akong makitang kasambahay para mapagtanungan manlang, ngayon ko lang din napag tanto na sobrang lawak pala talaga ng bahay ng mga Alcatraz. "Kung bakit ba naman kasi hindi nalang ako nag pasama kay Bella" naiiyak na bulong ko. Napalundag ako sa takot ng may biglang pumulupot na braso sa bewang ko, agad nanglaki ang mata ko ng maamoy ang pamilyar na amoy nito, agad ko itong hinarap at hindi nga ako nagkamali ng hinala kong sino ito... Pero bakit niya ako niyayakap? "S-sir Bernard" nangangatal ang tuhod ko dahil sobrang lapit ng mukha namin. "Ano pong ginawa n'yo?" Mahinang bulong ko ng maramdaman ang paghaplos nito sa bewang ko, pilit kong inaalis yon pero lalo lang humihigpit ang kapit nito. Seryoso itong nakatingin sakin, gulo-gulo din ang buhok nito na lalo lang nag papadagdag ng kagwapuhan nito. "Ikaw? Anong ginagwa mo dito?" Seryosong tanong nito habang nakatingin sa labi ko na medyo nakabuka, nakagat ko ang ibabang labi ko, nakita ko naman ang pagtaas baba ng adams apple nito. "N-naligaw po kasi ako" sagot ko "p-pwede po bang pakiaalis ng braso niyo sa bewang ko" mahinang bulong ko, naramdaman ko naman ang pag luwag ng hawak niya sa bewang ko, akala ko aalisin niya na ng tuluyan, pero nagulat ako ng ilagay niya ang isa niyang palad sa mukha ko. Tinitigan niya ako ng matagal, lalo niyang pinag dikit ang katawan namin. "Hindi ko alam kong anong meron sayo, pero nababaliw ako pag nagkakalapit tayo... Tulad ngayon" mahinang bulong nito na hindi ko maintidihan, ano ba ang sinasabi nito, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?. "Gusto kitang angkinin kahit mali" sinasabi niya habang seryosong nakatingin sa mata ko, napalunok ako dahil sa sinabi niya."pero walang makakapigil sakin na gawin 'to" tumingin ito sa labi ko, napaurong ako dahil sa sinabi niya pero dahil mahigpit ang kapit niya ay hindi ako nakaalis. "A-anong gagawin mo?" Tanong ko ng makita ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko, kinakabahan ako na na e-excite?. Halos manghina ako ng maramdaman ko ang pagdikit ng labi nito sa labi ko, sobrang lambot ng labi nito, nakapikit ito habang ako naman ay mulat na mulat at hindi makapaniwala!!!. Hindi ako makapaniwala kung ano ang nangyayari basta ang alam ko lang ay ang FIRST KISS ko ay walang iba kung hindi ang matagal ko ng mahal!. ANG SAYA!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.0K
bc

The Young Master's Maid

read
749.4K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.0K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.6K
bc

He's Cold Hearted

read
160.5K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook