2

1376 Words
2 ALYANA: Kanina pa ako nakatulala habang hawak ang labi ko, tulog na't naghihilik sa tabi ko si Bella. Hindi ako makatulog hanggang ngayon iniisip ko parin ang nangyari kanina no'ng hinalikan ako ni Sir Bernard. Pakiramdam ko ay namamaga ang labi ko, napangiti ako at kinilig ng maalala ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Pero naiinis ako pagkatapos kasi niya akong halikan ay balik sa pagiging suplado ang lolo nyo, hindi niya kasi ako pinansin pagkatapos niya akong ihatid sa mga magulang ko hinahanap na pala ako. "Baka naman malakas ang trip no'n kaya ka hinalikan" pang aasar ng intrimitida kong utak. Nainis ako sa sariling naiisip. Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa inis panira talaga ng moment 'tong utak ko. -- "Ate gising na" napaungol ako ng marinig ko ang boses ng kapatid ko, dumapa ako at hindi pinansin ang kapatid ko. "Ah ayaw mong bumangon hah!" Naramdaman ko nalang hinampas ako nito ng unan na nakapagpabangon sakin. "Ano ba Bella" nagkakamot ng ulo na sabi ko, nakapikit pa ako dahil talagang inaantok pa ako, iminulat ko ang isa kong mata at nakita ko na nakapameywang sa harap ko si Bella. "Ate mag ayos ka ng itsura mo dahil may bisita tayo" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, tumingin ako sa orasan na nasa gilid ko, alas 9 palang ng umaga may bisita na. "Sino naman bakit ang aga?" Nakakunot ang no'ng tanong ko, habang patuloy ang pagkamot sa ulo ko, nakakainis naman bakit kailangan pa akong gisingin dahil may bisita. "Naku ate baka pag nalaman mo kung sino ang maaga nating bisita baka mag madali kang bumangon d'ya" nakataas ang kilay na sagot ni Bella. "Hay naku kahit sino pa yan istorbo yan" naiinis na sabi ko, humikab ako at nag inat, err sarap talagang matulog. "Kahit si sir Bernard?" Bigla akong napamulat at gulat na tiningnan ang kapatid ko na ngayon ay naka cross arm na at nakataas ang kilay. Bigla ko na naman naalala yung kiss, hindi ko tuloy mapigilan ang mapahawak sa labi ko. "Imposible yan Bella, ano naman ang gagawin no'n dito" kinakabahan na tanong ko, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Anong nangyari dyan sa labi mo bakit parang namamaga ate?" Nakakunot ang noo na tanong niya. Nakagat ko naman ang labi ko at naging malikot ang mata para mag hanap ng dahilan. "B-baka nakagat ng langgam" nauutal na sagot ko, nakakita kasi ako ng langgam kaya yun nalang ang sinabi ko, nakita ko naman ang pagtango ni Bella. "Pero totoo na nandyan si sir Bernard, kausap nina tatay sa baba" nakangusong sabi nito, nanlaki naman lalo ang mga mata ko. "B-bakit anong pinag uusap nila? Ako ba ang pinaguusapn nila?" Natatarantang tanong ko, napatayo ako at hindi maintidihan ang gagawin, narinig ko naman ang paghagikgik ni Bella. "Syempre hindi ikaw ate, wag kang asyumera" natatawang sabi nito, napatigil naman ako, ngumuso ako. "Pinag uusapan nila ang pag tulong ni sir Bernard para ma export ang mga saging natin" natatawang sabi nito. "Mag ayos ka na nga ate, para kang bruha gulo-gulo pa ang buhok mo" natatawang sabi nito at iniwan ako sa kwarto. Napaupo ako sa kama ko, parang ayaw kong bumaba, nahihiya ako. Napakunot ang noo ko. "Bakit naman ako ang mahihiya diba dapat siya kasi siya naman ang unang humalik" asik ko sa sarili ko. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto namin, pumunta ako ng banyo para maligo na. -- "Anak samahan mo si sir Bernard sa tanimam ng saging para makita niya" utos ni tatay sakin, napatingin naman ako sa lalaking nasa tabi ni tatay, katulad ng dati ay seryoso parin ang tingin nito, napalunok ako para kasing may kakaiba sa tingin nito. "Yung parang may balak na halikan ka ulit?! Asa!" Kahit kailan kontrabida talaga 'tong isip ko. "Lets go" napaigtad ako dahil sa malalim na boses nito, napatingin ako sa paligid at napansin na wala na pala si tatay kami nalang palang dalawa ang nandon. Napayuko ako at tumango habang kagat ang labi ko, nagulat ako ng hinawakam niya ang kamay ko at pinagdaop ang palad namin. Malaki amg mata na tumingin ako sa kanya, halos mapaurong ako ng makita ang sobrang seryosong tingin nito sakin. "Y-yung kamay mo po" mahinang sabi ko, tumingin naman ito sa kamay namin, ngumisi ito at tiningnan ulit ako. "Baka makawala ka pa" seryosong sabi nito habang nakangisi. Para naman nagkarambulan lahat ng lamang loob ko dahil sa sinabi niya. Sobrang lambot ng kamay nito, parang nahiya ang mga kalyo ko sa kamay. Pero ang higit sa lahat ay ang gilig na nararamdaman ko, habang hila-hila niya ako.   ALYANA: Napakagat labi ako habang pinagmamasdan ang sexy na likod ni sir Bernard, nasa unahan ko kasi siya naglalakad, pabalik na kami ngayon sa bahay. Ang sarap pagmasdan ng matambok nitong pang upo habang nag lalakad, parang ang sarap tamapalin, hindi ko mapigilan mapahagikhik dahil sa pumapasok sa isip ko. Lumapit ako sa isang puno at pinitas pitas ang mga dahon, ang hirap kasing magpigil ng kilig, habang hinagawa ko yon ay napapatakip ako ng bibig dahil sa kilig. Hindi ko inakala na makakasama ko ng matagal ang crush no'ng teen ager ako, tapos nag kiss pa kami. "Erhhhhh" mahinang tili nakakakilig. "What are you doin'?" Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya na seryosong nakatingin sakin habang naka cross arm. "A-ah wala" nahihiyang sagot ko, tumikhim ako para kasing may nakabara sa lalamunan ko, inalagay ko sa likod ng teynga ko ang takas na buhok ko, sinundan ng mata niya ang ginawa ko. Pinasadahan niya ng tingin ang itsura ko, mula sa legs ko naka simply short at T-shirt na white lang kasi ang sout ko. Kumunot ang noo nito. "Don't move" lumapit ito sakin, nagulat ako ng biglang nalang nito akong yakapin, tinuon ko ang palad ko sa dibdib niya at gulat na tumingin ako sa kanya, pero hindi siya sakin nakatingin kundi sa likod ko. BANG Napatalon ako sa gulat ng makarinig ng putok ng baril, napatingin ako sa isang braso at nakita ko na may hawak siyang baril, sinundan ko kung saan iyon nakatotok. "Ahhhhh" napatili ako at hindi mapigilan mapayakap kay sir Betnard, sino ba naman hindi matatakot at magugulat kong meron patay na malaking ahas sa likod mo. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi, hindi ko lubos maiisip na muntik na pala akong maging meryenda na ahas!. Buti sana kung si sir Bernard ang memeryenda sakin. "Malandi ka! Muntik ka na nga mamatay" kontra agad ng utak ko. "Shhhhhh. Stop crying. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka" pag aalo nito habang hinahaplos ang buhok ko. "S-salamat ha, kung hindi dahil sa'yo baka naging pagkain na ako ng ahas na yun!" Hindi ko mapigilan ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng makita ang pag ngiti nito sakin. Napasimangot ako at lumayo sa kanya. Kumunot ang noo nito dahil sa ginawa ko. "Wag ka ngang ngumiti, lalo akong na iinlove sa'yo" mahinang sabi ko, yung ako lang ang nakakarinig. "What did you say?" Nakakunot ang noo na tanong nito. "Wala po.. Sabi ko po bakit ka may dalang baril?" Pag iiba ko nalang ng tanong. "For protection" seryosong sabi nito, nakita ko na isinuksok nito ang baril sa likod ng pants nito. "Ah..... Sigi tara na baka hinahanap na tayo nina tatay" ani ko, akmang lalamapasan ko na siya ng hawakan niya ang balikat ko. Napatingin naman ako sa kamay niyang nasa balikat ko. "B-bakit?" Nagtatakang tanong ko, hindi ito sumagot kaya napatingin ako sa mukha niya, at parang gusto ko kainin ng lupa dahil sa seryosong tingin na naman nito. "I like you Alyana" Ano daw? Teka nabingin na yata ako at kung ano-ano na ang naririnig ko, o kaya gutom na ako. "Hay naku gutom na yata ako kung ano-ano nalang ang naririnig ko... Tara na nga" natatawang ani ko. Napatigil naman ako sa pagtawa mg makitang seryoso at magkasalubong ang makapal na kilay nito. "Gusto kita Alyana... Can i court you?" Seryoso at walang kangiti-ngiting tanong nito. Ano daw?! Loading....... Gusto daw niya ako at tinatanong niy ako kung pwedeng manligaw..... Ahhhhhhh gusto kong sumigaw ng malakas.. Hindi yata kinaya ng utak ko kaya para akong nahilo. Parang nanghina ang buto ko buti nalang maagap akong nasalo ni sir Bernard. "Are you ok?!" Kita ko sa mukha niya ang pag alala, para akong lasing na ngumiti at itinaas ang hinlalaki na ok sign. Hanggang sa pumikit na ang mata ko at ang huli ko nalang naalala ay ang pagtawag ni sir Bernard sa pangalan ko. "ALAYANA!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD