3

1372 Words
3 ALYANA: Unti-unti kong minulat ang mata, bumungad sakin ang mukha ni sir Bernard na naka upo sa may tabi ng kama ko. Agad akong napalunok ng makita ko na papalapit ang mukha bito habang unti-unting ipinipikit ang mata. "Ayan na naman po" kinikilig na sabi ko sa isip ko habang unti-unti ko din ipinipikit ang mata ko, ngumuso ako at hinintay na dumikit ang labi ko sa labi niya, medyo matagal bago ko naramdaman ang malambot at parang nakakakiliti sa labi ko. Ikinibot ko ang labi ko. Nakarinig ako ng mahinang hagikgik, patuloy ang pag dampi ng bagay na malambot sa labi ko, kaya ako kung tudo kibo din ng labi ko. Napakunot ang noo ko ng parang lumalakas ang hagikgik at parang pamilyar sakin ang tawa na yun. Minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang kapatid ko na may hawak na papak ng manok habang dinadampi sa labi ko!. Agad akong napaupo sa kama at masama siyang tiningnan. At ang gaga tinawanan pa ako ng malakas na parang nang aasar pa. "So ate nanaginip ka ba na hinahalikan ni sir Bernard?" Tatawa-tawang tanong nito. Iningusan ko siya at humalukipkip. Lalo naman itong tumawa ng malakas habang pinapaikot sa ang pakpak ng manok. Agad naman akonh napaayos ng upo ng maalala si sir Bernard. "Nasaan si sir Bernanrd?" Tanong ko sa kapatid ko. "Nasa baba, kainuman ni tatay!, at ate bakit ka nga pala nawalan ng malay kanina?" Nakakunot ang noo na tanong nito. Agad naman akong napahawak sa mukha ko pakiramdam ko kasi nangapal ito dahil sa hiya, pero bakit ba ako mahihiya sa kapatid kong 'to e walang hiya naman 'to. Naningkit ang mata ko na tumingin sa kanya, hindi ko sa sabihin dito na nahimatay ako dahil sa sinabi ni sir Bernard na gusto n'ya ako at liligawan niya ako! Never!. Pero gusto ako ni sir Bernard! At balak niya akong ligawan! Dali-dali akong umalis sa kama at nagtatalon. "Ehhhhhhh" pigil na sigaw ko habang nakatakip sa bibig ang mga palad ko. "Anong drama yan?!" Nakangiwi na tanong ng kapatid ko. Umiling ako, pinipigilan ko ang kilig na nararamdaman ko.. "Pero pano kung panaginip mo lang pala din yon?!" Tanong agad ng killjoy kong isip. Napasimagot naman ako, pano nga kung likha lang yun ng malikot kong utak?! Para naman nalungkot ako sa isipin yon. "Ate umamin ka nga naka drugs kaba?" Tanong ng kapatid ko, masama ko itong tiningnan, napakamot naman ito sa ulo. "Eh kasi naman ate kanina ang saya-saya mo tapos ngayon ang lungkot mo" nakangusong dugtong nito. "Haha" sarcastic na tawa ko. "Ate halika dito" umalis ito sa kama at pumunta sa bintana, kumunot ang noo ko habang sumunod dito, nakasilip ito sa bintana namin. "Tingnan mo ang prince charming mo kausap ang future father in law niya hihi" parang kinikilig na sabi nito. Agad naman akong sumilip at agad nakita si tatay habang seryosong nakikipag usap kay sir Bernard, nakita ko pa ang pagtapik ni tatay sa balikat ni sir Bernard habang si sir Bernard naman ay may patango-tango pa habang nag sasalita, nakita ko pa ang pag ok sign ni tatay, pati ang pag ngiti ni sir Bernard! Para tuloy gusto kong kunin ang cellphone ko at picturan siya ang gwapo talaga nito.... "Ano kayang pinag uusapan nila?" Nagtatakang tanong ni Bella "mukhang seryoso ang pinag uusapan" nakalabing dugtong pa nito. Nagkibit balikat naman ako, hindi ko rin kasi alam kung ano ang pinag uusapan nila, sumilip ulit ako sa bintana at halos atakihin ako sa puso ng makita na nakatingin ito. Parang gustong tumalon ng puso ko ng makita ko ang pagkindat nito sakin. Hindi pala puso ko ang gustong tumalon, kung di ako mismo gusto kong tumalon patungo sa kanya, tapos kakandung ako sa kanya at hahalikan siya, napahagikgik ako dahil sa naisip. "Erhhhh ang ladi mo talaga Alyana" ALYANA: Dahan-dahan ako na bumaba sa hagdan, takot akong gumawa ng ingay baka kasi magising ang magulang ko at si Bella alas dose na kasi ng gabi at hindi ako makatulog. Pano ba kasi ako makakatulog kong alam kong nasa iisang bubong lang kami ni sir Bernard!. Hindi na kasi ito pinauwi nina nanay kasi sobrang lasing na nito. Kaya yun sa maliit namin sopa natutulog ito, dalawa lang kasi ang kwarto namin para sa magulang ko at samin dalawa ni Bella. Lumapit ako sa kanya na, naawa ako dahil namamaluktot ito para mapagkasya ang sarili sa maliit namin sopa, umupo ako sa sahig, inayos ko ang kumot niya, pagkatapos ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, napatawa ako dahil narinig ko ang mahina nitong paghilik. "Ang gwapo mo talaga" mahinang bulong ko, pinasadahan ko ng daliri ko ang matangos niyang ilong hanggang sa mapupula niyang labi na para bang may lipstick. Tinakip ko ang isa kong palad sa bibig ko dahil pinipigilan ko ang mapatili habang hinahaplos ang malambot at makinis niyang mukha. Napaigtad ako ng bigla itong kumilos akala ko kasi ay magigising ito dahil sa ginagawa ko pero nagkamot lang ito ng mukha at tulog na tulog parin, ibinuga ko abg hangin na kanina ko pa pala pinipigil. "Alam mo matagal na kitang gusto, ah hindi pala mahal kita" natatawang sabi ko na para bang naririnig niya. "Hay naku Alyana malala kana pati sa lasing na tulog nag co-confess ka" palatak ng isang parte ng utak ko. Nagkibit balikat nalang ako at nangangarap na pinagmasdan si sir Bernard. "Ehmmmmmmmm" kinabahan ako ng umungol ito na parang binabangongot?!, nataranta ako at hindi alam kung gigisingin ito. "Gaga gisingin mo! Pag namatay yan wala ka nang pag papantasyahan!" Sigaw ng isip ko, kaya nataranta akong niyogyog ang balikat nito. "Sir Bernard" mahinang sabi ko habang mahinang tinatapik ang balikat nito, pero patuloy parin ito sa pag ungol., nagulat ako ng hatakin niya ako kaya napasobsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdib, kaya heto na naman ang mabilis na pintig ng puso ko!. "Dito ka lang" mahinang sabi nito, napatingin ako sa mukha niya at nakita na nakapikit parin ito, napatakip ako ng bibig at pigil ang mapasigaw dahil sa kilig.... "Enebe" pabebeng bulong ko, sobra na ang kilig na nararamadaman ko. "Wag mo 'kong iwan" dama ko ang lungkot sa boses niya, napakunot ang noo ko ng makita ang tubig na umaagos sa mata niya. Umiiyak siya! Pero bakit?! "Mahal na mahal kita.... Ikaw lang" patuloy na ani nito habang nakapikit parin, nagsasalita ito ng tulog!. Nanaginip ito, pero anong napapanginipan nito?! Ako ba?! Dahil sa isiping yon ay sobrang kilig ko para kasing nag coconfess ito! Hihihi. "Mahal na mahal kita Clara" Napatawa ako ng mapakla dahil sa huling sinabi niya, bakit ang sakit?! "Bakit kasi ang ambisyosa mo Alyana" sermon ko sa sarili ko. Tumayo ako at malungkot siyang tiningnan, hindi na ito nagsasalita. "Kahit pala sa pag tulog mo s'ya parin" malungkot na sabi ko habang pinipigilan ang pag luha. Ang sakit, akala ko ako na. Akala ko sa wakas mapapansin niya rin ako, pero hindi pala hanggang pangarap lang pala kita. "Ang swerte mo ma'am Clara, may lalaking nagmamahal sayo ng totoo kahit wala kana" malungkot na bulong ko sa hangin, hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha sa mata ko. Hindi ko kaya ang sakit, sobrang sakit! Bakit niya ako liligawan kung hindi pa pala siya nakaka move on?! "Gagawin mo lang ba akong panakip butas sa sakit na dulot ng pagkawala ni ma'am Clara?" Malungkot na tanong ko sa natutulog na binata. "Wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para mapasaya ka... Hindi ko man mapalitan sa puso mo si ma'am Clara" mapait akong napangiti, yumuko ako para mahalikan siya sa noo. Nilingon ko pa siya ng huling beses bago naglakad paalis do'n. Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol ng iyak ng makita ko ang kapatid ko na nakatayo sa may baba ng hagdan at malungkot ako tiningnan, alam kong narinig niya!. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya, para akong tanga na broken hearted. "Ang sakit Bella" umiiyak na sabi ko habang magkayakap kami. Naramdaman ko naman ang marahan niyang paghaplos sa likod ko. "Wag ka ng umiyak ate... Ang pangit mo pa naman pag umiiyak ka" natatawa pero alam kong nasasaktan din siya tulad ko, napatawa ako at pinigil ang mapaluha pa, pinahid ko din luha ko, humiwalay ako sa kanya. "Tara na nga matulog" nakangusong sabi ko, suminghot ako. Inakbayan ko siya at nginitian, kahit papano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil meyron akong kapatid na dinadamayan ako tuwing malulungkot ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD