4
ALYANA:
Maaga akong nagising para pumunta ng palengke, agad akong naligo at nag ayos ng sarili, simpleng white t-shirt at maong pants na nakatupi sa dulo ang sout ko. Dahan-dahan lang ang kilos ko baka magising kasi si Bella alam ko naman na napuyat ito. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako ng kwarto, alam ko na gising na rin sina nanay at tatay, si tatay kasi ang naghahatid sakin sa palengke habang si nanay naman ay nagluluto ng pagkain para sa almusal ko. Ng makababa ako ng hagdan ay agad na dumako ang tingin ko sa may sala namin, napakunot ang noo ko ng makita na wala na do'n si sir Bernard maging ang ginamit nitong unan at kumot ay wala na rin.
Nadismaya ako baka kasi umalis na 'to pero nagkibit balikat nalang ako, naglakad nalang ako papunta sa kusina namin.
"Naku hijo baka masakit pa ang ulo mo? Ok lang naman na ako na ang maghatid sa anak ko" narinig kong sabi ni tatay, napakunot ang noo ko.
"Sino naman kausap ni tatay?" Tanong ko sa sarili ko.
Nag patuloy nalang ako sa paglalakad, nasa may pintuan na ako ng kusina ng may magsalita ulit, napatakip ako ng bibig ng makilala kung kaninong boses yon.
"Hindi na naman po masakit ang ulo ko, at dadaanan ko rin naman po yung palengke kaya ok lang na sumabay sakin si Alyana" magalang na sagot ni sir Bernard!.
Nandito pa siya! At parang gusto kong tumalon.. Gusto kong tumili sa kilig!. Pero agad akong napasimangot ng maalala ang nangyari kagabi!.
"Sige kung hindi naman nakaka estorbo sayo hijo, medyo masakit din kasi ang ulo ko dahil sa alak" natatawang sabi ni tatay.
"Eh pano hindi sasakit yan ang dami mong nainom, naku Armando pag talaga ikaw nagkasakit!" Pakinig kong sermon ni nanay.
"Pa minsan-minsan lang naman mahal" pag aamo ni tatay kay nanay, napangiti ako ang sweet talaga ni tatay at nanay! Sana kami din!.
Napailing ako dahil sa iniisip ko,pumasok ako sa kusina at tumikhim, agad naman naagaw ko ang pansin nila. Agad akong napa-iwas ng tingin kay sir Bernard ng tumingin ito sakin, hindi ko parin kasi kaya na makipag titigan dito.
"Oh anak gising ka na pala, halika ipagtitimpla kita ng gatas" nakangiting sabi ni nanay habang isinasalin sa isang tupperware ang pagkain na alam kong ipapabaon niya sakin, tumango ako at umupo sa tabi ni tatay.
"Anak, sinabi ni Bernard na isasabay ka nalang niya papunta sa palengke" agad na sabi ni tatay, agad akong napatingin kay sir Bernard pero agad din akong umiwas dahil sa seryosong tingin nito.
"Kung hindi naman po ako nakakaabala" mahinang sabi ko kay tatay.
"Hindi ka nakakaabala Alyana" napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa seryosong pananalita nito, napatingin ako dito at nagulat ako nakatingin din ito, at parang nangapal ang mukha ko ng makita na sa may labi ko 'to nakatingin, nataranta ako para itago ang pamumula ng mukha ko kaya agad kong nahagip ang baso na may laman na gatas at agad na ininom yon, pero agad kog pinagsisihan ang ginawa ko dahil napaso ang bibig ko dahil sa init.
"Aw!" Daing ko dahil sa pagkapaso ng bibig ko!.
"Hey are you ok?" Nag aalalang tanong ni sir Bernard na nakatayo na sa harap ko habang hawak ang pisngi ko at binuka ang bibig ko, napatulala ako dahil sa ginawa niya, nakatingala ako at nakatingin sa kanya, seryoso naman itong nakatingin sa bibig ko.
"Bakit mo naman binigla ang pag inom anak?" Natauhan ako sa pagkatulala sa lalaking nakatayo sa harap ko dahil sa naging tanong ni nanay!. Agad kong tinangal ang kamay nito sa pisngi ko at tinikom ang bibig ko.
"Aalis na po ako" natatarantang sabi ko, agad kong kinuha yung pagkain na pabaon ni nanay. Nag bless ako kina nanay at tatay bago nag madaling umalis sa kusina.
"Wait for me Alyana!" Sigaw ni sir Bernard "aalis na po kami tatay at nanay" narinig ko pang sabi nito, nanlaki ang mata ko.
Ano daw?! Tatay! Nanay kailan ko pa siya naging kapatid! Ayaw kong maging kapatid siya!.
"Kasi gusto mong maging jowa s'ya!" Sabi ng utak ko.
Napaigtad ako ng may humawak sa kamay ko, agad na bumilis ang t***k ng puso ko dahil alam ko kung sino yon! At hindi nga ako nag kamali si sir Bernard nga iyon! Hinila niya ako at dinala kung saan nakaparada ang sasakyan nito, binitiwan niya ang kamay ko, itinulak niya ako kaya napasandal ako sa may kotse niya, hindi agad ako nakapag react sa naging aksyon niya, naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko at ang pag haplos ng isa niyang palad sa mukha ko.
"Masakit ba?" Napakunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya.
"A-ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko, patuloy parin ito sa paghalos sa mukha ko, napapikit ako dahil sa ginagawa niya, ang sarap damhin ng malambot nitong palad.
"Masakit pa ba ang bibig mo?" Napatingin ako sa mata niya at halata do'n ang pag-alala, napatango ako habang nakatingin sa mata niya. Patuloy parin ito sa paghaplos sa mukha ko, napatingin ako sa labi niya, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko, inilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha niya, kumunot ang noo nito, inilapit ko ang mukha niya sa mukha at agad na pinagdikit ang labi namin, ramdam ko ang pagkagulat nito dahil natigilan ito hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nito dahil nakapikit ako, iginalaw ko ang labi ko. Naramdaman ko ang paghigpit ang braso nito sa bewang ko at mas hinapit ako papalapit sa kanya, naramdaman ko din ang pag ngiti nito sa labi ko bago gumanti ng halik sakin.
Hindi ako natatakot na may makakita samin dahil na sa madilim naman kaming parte at alam ko na wala pang ibang gising sa oras na'to. Patuloy lang kami sa pag hahalikan, ginagaya ko ang bawat galaw ng labi niya pati dila niya. Hindi ko kailan man pag sasawaan ang bawat pag dikit ng labi namin.
Ilang minuto din na magkadikit ang labi namin, inilayo ko ang mukha ko ng pakiramdam ko ay kakapusin na ako sa hininga. Pero hindi tumigil sa paghalik si sir Bernard! Leeg ko naman ang hinalikan nito.
"Ahmmmm, i really like you Alyana..
Please be my girlfriend" napatingi ako dito, tumigil ito sa paghalik at seryosong nakatingin din sakin. Napaluha ako hindi ko mapigilan maging emosyonal.
"Shhhhhh.. Why are you crying?" Natatarantang tanong nito habang pinupunusan ang luha ko, napangiti ako.
"Oo sir Bernard" nakangiting sagot ko, napatigil ito sa pagpapahid ng luha ko.
"Y-you mean you're my---" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil masaya akong tumango at hinalikan ang labi niya. "Thankyou so much Alyana" masayang sabi nito at hinalikan ang buong mukha ko.
Napahalakhak ako, hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko.
ALYANA:
Para akong timang na nakangiti dito sa pwesto namin sa palengke, hindi parin ako makapaniwala na kami na ni sir este bebe Bernard ko!. Kinikilig parin ako tuwing maalala ang pinagsaluhan namin halik kanina, hindi lang isa, dalawa kundi tatlo!, bago kasi ako bumaba ng kotse niya ay hinalikan niya ulit ako. Napatakip ako sa bibig ko at pinipigilan ang mapatili.
"Ate magkano ang kilo ng repolyo?" Tanong ng isang costumer, hindi ko'to tiningnan kasi busy pa ako sa pag e-emagine.
"50" sagot ko habang busy pa din sa pag-aalala ng halikan namin ni bebe ko.
"Ang mahal naman! Pwede bang 25 nalang" angal ng costumer, napatingin ako dito at sumimangot.
"Pwede kalahating kilo!" Naiinis na sagot ko, panira kasi ng momento. At saka grabi naman makatawad eh.
"Bakit nagtataas ka ng boses! Costumer ako! Hindi mo ba alam na pwede kayong mawalan ng costumer dahil sa ugali mo!" Eskandalosang sabi nito, napatingin naman ako sa paligid at nakita ko na nakatingin na samin lahat ng tao. Aba!
"Aba miss ok lang na mawalan kami ng costumer kung katulad mo lang din naman kakuripot!... Wala na ngang tubo malulugi pa kami sa puhunanan sa'yo!" Medyo mataas na din na boses ko, first time ko maka encounter ng ganitong costumer.
"Tse... Wag na kayo dito bibili napakataray ng tindira!" Sabi nito habang nag mamartsa papaalis.
"Wag na kayo ditong bibili napakataray ng tindira dito" mahinanag panggagaya ko sa sinabi ng babae, "madapa ka sana" ismid ko dito.
"Sinong kaaway mo Alyana?" Nakangiting tanong sakin Nicka hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito.
"Isang bruha" nakangusong sagot ko, napatawa naman ito dahil sa sinabi ko. Hay naku ang ganda talaga ng babaeng ito nakakaingit kahit buntis ito hindi maitatago na madaming nagkakagusto dito.
Kinuha ko ang notebook kung saan nakasulat ang utang namin gulay kay Nicka, kumuha rin ako ng 3000 para iuna sa utang. Ibinigay ko kay Nicka ang 3000 at yung notebook.
"Gusto ko pag nagbuntis ako kasing ganda mo rin ako!" Nangangarap na sabi ko kay Nicka, nakita ko naman ang pagpula ng mukha nito na tila na hihiya, aw ang lalo siyang gumanda!.
"Ikaw talaga Alyana napaka bolera mo" nahihiyang sabi nito, napanguso naman ako hindi ba siya naniniwala na maganda siya! Nagtataka nga ako kung bakit hindi ito pinanindigan ng pesteng nakabuntis dito! Hindi lamg kasi maganda ito sobrang bait din nito! "Sige Alyana mauna na ako may bibilhin pa kasi ako sa pharmacy" nakangiting paalam nito, tumango naman ako at kumaway dito.
"Ingat!"
---
BERNARD:
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, nakahiga ako sa kama habang ang dalawang kamay ay ginawa kong unan, napangiti ako ng maalala ang malambot na labi ni Alyana.
Napaupo ako sa kama ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, kinuha ko yon sa may ibabaw ng cabinet napangiti ako ng makita kung sino ang tumatatawag.
BebeAlayanako is calling....
Napailing ako ng maalala na siya mismo ang naglagay ng pangalan sa cellphone ko.
"Hi bebe ko!" Masiglang bati nito ng sinagot ko ang tawag nito, napatawa ako. "Err bakit ka tumatawa bebe ko?" Kahit hindi ko ito nakikita ay alam kong nakanguso 'to.
"Bakit la tumawag?" Tanong ko dito.
"Na miss lang kita" narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"I missed you too babe" nakangiting sagot ko. Narinig ko ang mahinang pag singhap nito, hindi yata inaasahan ang sagot ko. Totoo naman na na miss ko siya.
Napakunot ang noo ko ng mawala ito sa kabilang linya. Narinig ko ang pag tot nito kaya alam ko na pinatay nito, napailing nalang ako habang nakangiti. Napatingin ako sa may gilid ng kama ko, kinuha ko ang picture frame na nandon.
"Clara" mahinang bulong ko "hindi ko na yata matutupad ang pangako ko na wala na akong ibang mamahalin, si Alyana lagi niya akong napapangiti" nakangiting kwento ko dito sa larawan ni Clara.
Matagal ko pang pinagmasdan ang larawan niya bago ko napagpasyahan na itabi nalang ito sa loob ng cabinet, dahil tingin ko ay hindi tama na may naka display akong larawan ng namatay kong girlfriend baka masaktan ko ang damdamin ni Alyana.
"Masaya ako para sayo anak" napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Mama na nakangiti pero may luha ang mata."pero sana anak wag mong gawing panakip butas lang si Alyana, mabait na bata si Alyana anak" nakangiting dugtong nito.
Napabuntong hininga ako, parang sumakit ang dibdib ko sa isipin na ginagawa ko lang panakipbutas si Alyana.
"Hindi ko gagawin na panakip bitas si Alyana mama" seryosong sagot ko, ngumiti ito at tumango bago lumabas ng kwarto ko.
Hindi! Hindi panakip butas si Alyana alam kong may malalim akong nararamdaman kay Alyana hindi lang pag kagusto.
Balang araw masasabi ko din kung ano yon. Napahiga ulit ako sa kama at pumikit.
"Hindi ko hahayaan na mawala din sakin si Alyana" mariing sabi ko sa isip ko.