1 REGINA POV: "Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot na tanong ko sa pinsan ko na si Kuya Axel. Ngumiti ito sakin at akmang yayakapin ako, pero nakita niya siguro ang pagtalim ng tingin ko. Humalukipkip ako at masama siyang tiningnan. Napailing ito dahil sa ginawa ko. "I missed you cousin! Hindi mo ba na miss ang gwapo mong pinsan?" Tatawa-tawa ito habang sinasabi yun. Lalo naman akong napasimangot. "Hindi kita na miss kuya Axel!" Umirap ako. "At pano ka nakapasok dito sa condo ko?" Nakakunot noong tanong ko. "Pinsan, may jetlag ka pa yata? This is my condo remember? Pinahiram ko lang sayo." Tatawa-tawang sabi nito, napatapik naman ako sa noo ko ng maalala na pinahiram nga lang pala ito sakin ni kuya Axel, wala kasi akong matutuluyan pansamatala dito sa Philippines dahil ibininta n

