10 ALYANA POV: Pakiramdam ko ay namamaga na ang mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung pano ako nakauwi dahil iyak-iyak ako nang iyak. Nandito ako sa kwarto namin ni Bella hanggang ngayon ay umiiyak parin ako. "Anak ano ba ang nangyayari sa'yo anak?" Nag-aalalang tanong ni Nanay habang hinahaplos ang likod ko, nakauwi na sina Nanay galing palengke, Nakita kasi ako ni Bella na umiiyak at ang kapatid ko naman na madaldal ay sinabi agad kina Nanay. Umiling lang ako habang pinupunasan ang luha na patuloy na pumapatak sa mata ko, nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa kama ko. "May problema ba kayo ni Bernard, anak? Magsabi ka sakin ng totoo?" Seryosong tanong ni tatay na nandito rin sa loob ng kwarto namin ni Bella. Dahil sa tanong ni tatay ay hindi ko mapigilan ang mapahag

