6 BERNARD's: Nakasandal ako sa may hamba ng pinto habang pinagmamasdan si Alyana na masayang nakikipagkwentuhan kay mama, ngayon ko lang nakitang sobrang aliw si mama sa pakikipagkwentuhan hindi ito ganun no'ng nabubuhay pa si Clara. "Naku Tita madami nga po do'n na gwapo sa Singapore" sumama naman ang timpla ko ng marinig ko yon at ang mahinang paghahagikgikan ng dalawa. "Pero syempre po mas gwapo parin po si Bernard" agad na nagbago ang mode ko ng marinig ko yun, si mama naman ay malakas na tumawa, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Marahan akong naglakad papalapit sa kanila, agad kong ipinatong ang palad ko sa balikat ni Alyana napangisi ako ng magulat si Alyana nanlalaki ang mata nito ng tumingin sakin. "B-bakit kaba nanggugulat?" Tanong nito habang nakapatong ang palad sa dibdib

