Alas-sais ng gabi nang magsimulang mag-impake ng mga gamit si Sienna sa kwarto ni Lucas. Inilapag niya ang isang medium-sized na asul na maleta sa sahig at isa-isang inisip ang mga kakailanganin ng bata para sa dalawang araw na biyahe sa Batangas. Apat na pares ng pambahay na damit, dalawang pormal na polo para sa mismong photo shoot, tatlong tuwalya, ang paboritong shampoo nito, at ang mga gamot para sa allergy kung sakaling magka-emergency. Maingat niyang itinupi ang bawat isa para siguraduhing walang maiiwan. Si Lucas naman ay nakaupo sa tabi ng maleta, yakap ang kaniyang laruang oso habang pinapanood ang bawat galaw ng kaniyang yaya. "Yaya, are we going to swim in the beach?" tanong ng bata, may halong pananabik sa kanyang maliliit na mata. "May swimming pool po doon sa resthouse n

