Pinihit ni Xavier ang hawakan ng pinto ng kanyang opisina at pumasok, kasunod si Sienna na tahimik lang na nakasunod sa kanya. Narinig niya ang marahang paglapat ng pinto sa likod niya. Nanatili siyang nakatayo malapit sa may entrance, habang ang Don naman ay naglakad patungo sa kanyang malaking desk at naupo sa swivel chair. Ibinaba ni Xavier ang kanyang mga susi sa ibabaw ng mesa. Sumandal ito at pinagdaop ang mga kamay habang nakatingin nang diretso sa kanya. Walang ibang ingay sa loob ng silid kundi ang mahinang humming ng aircon. "Maupo ka, Elena," seryosong saad ni Xavier sabay turo sa bakanteng upuan sa tapat ng kanyang lamesa. Dahan-dahang lumapit si Sienna at umupo. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan, pinipiga ang dulo ng kanyang gray na skirt para lang ma

