KABANATA 16

1075 Words

Lumipas ang dalawang araw na walang bagong balita tungkol sa imbestigasyon sa Maynila. Sinubukan ni Sienna na magpokus na lang sa kanyang mga gawain sa mansyon upang hindi mahalata nina Ren ang kanyang labis na pag-aalala. Tuwing umaga ay kasama niya si Lucas sa pag-aaral ng mga kulay at numero, at sa hapon naman ay tinutulungan niya si Aling Martha na mag-imbentaryo ng mga gagamitin para sa malaking salo-salo sa susunod na buwan. Alas-tres ng hapon habang natutulog si Lucas para sa kanyang afternoon nap nang makarinig si Sienna ng ingay ng sasakyan mula sa ibaba. Sumilip siya sa bintana ng silid ng bata at nakita ang isang mamahaling pulang kotse na pumarada sa tapat ng fountain ng mansyon. Bumaba roon si Victoria Beltran, suot ang isang hapit na white dress at malaking sunglasses. May

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD