Sinulyapan ni Bianca ang orasang pambisig. Beinte minutos na siya sa loob ng sasakyan ngunit hindi pa rin lumalabas ni Brant sa beach house nito. Malapit nang mag-isang linggo mula ng huli silang mag-usap. Ngunit hindi ito gumagawa ng paraan upang makita o makausap man lang siya. Ang insidente sa telepono ay nasundan pa ulit. Tuwing tinatawagan niya ito sa bahay, sinasabi na wala ito kahit alam niyang naroon. Pinagtataguan lang siya. Gusto niya itong puntahan sa villa ng mga Lianzares pero magtataka ang mga kasambahay nito kapag hindi siya pinansin. Iisipin ng mga ito na may malaking problema silang dalawa. Ayaw na niyang mandamay ng iba. At kaninang nagkalakas-loob siyang dumalaw sa computer shop, sinabi ng assistant nito na nasa beach house ito. Kaya sumunod siya. Nang makita itong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


