Pinigil ni Bianca ang selos. Pinigil din niya ang inis kay Brant. Alalang-alala siya dito ngunit nakikipagkwentuhan lang pala ito sa ibang babae. Sinanay muna niya ang sarili na pigilan ang galit bago taas-noong lumapit dito. “Brant, kanina pa kita hinahanap,” malambing niyang sabi at kumapit sa braso nito. Gusto niyang ipakita kay Elise kung sino ang tunay na nagmamay-ari dito. Kahit na nobyo na muli ni Elise si Luke, hindi pa rin siya nakakasiguro na ligtas si Brant mula dito. Walang emosyon siyang binalingan ni Brant. “Sorry to keep you waiting,” pormal na sabi nito. “Nagkukwentuhan lang kami ni Elise.” “Hi, Elise!” nakangiti niyang bati dito. “Hi, Bianca! Pasensiya ka na kung nahiram ko ang boyfriend mo.” Pinilit pa rin niya ang sarili na ngumiti. Ngayon lang niya nalaman na p

